Chapter 49

7 0 0
                                    

091820

Chapter XLIX:  DINNER MEETING

B2 reached for his phone, eyes half-closed.

It was already five in the afternoon. Kahit kaunting idlip ay hindi niya nagawa sa biyahe kaya natulog siya pagkatapos ng tanghalian. Si Chloe kasi ang katabi niya sa eroplano.

Sabay-sabay silang tatlo nila Edmund bumalik ng bansa. Sinabihan siya nito na sumabay na lamang sa kanila na kanya namang tinanggap. Hindi kumontra si Chloe kaya inisip niyang hindi na ito sa kanya galit.

He got up and was greeted by the opening of the room's door. Sa kabila ng pintuan ay ang kanyang ate.

"Don't you know how to knock?" bati niya rito sa mahinang boses.

"So you're here na nga," sabi nito nang nakapameywang. "Akala ko ba mahaba ang bakasyon mo sa Italy?"

"What?" sabi niya saka inabot ang cellphone sa ibabaw ng cabinet saka tiningnan

kung may mensahe siya galing kay Edmund o kay Chloe kahit wala namang hinihintay na text mula sa mga ito. "Last time I check you don't give a care to whatever decisions I make, and now?"

Tinaasan siya nito ng kilay nang mag-angat siya dito ng mukha.

"Tell me," sabi niya nang may maalala, "what did you do to her?"

"Sino?" patay-malisya nitong tanong.

He looked back at his phone. His sister was enjoying this new discovery about him. Sino naman ang mag-aakala na ang isang 'devil' na gaya niya ay nagpakabaliw sa isang babae.

"Chloe," diretsong sabi niya. Wala na siyang pakialam kung asarin nito.

"Ah, iyong Chloe mo," sabi nito sabay tango, "nakatikim lang naman siya ng isang malutong na sampal galing sa akin."

Napataas siya ng tingin dito at salubong ang mga kilay na nagtanong, "You what?"

Sinundan niya ng tingin ang paglakad nito papuntang upuan. Umupo ito roon saka nginitian siya. "Hmn. Akala ko magsusumbong siya sa iyo kaya napasugod siya sa iyo sa Florence."

He knew how long his sister's claws could get whenever she was in her emotions.

"Have you done something else that's evil enough to make her?"

His sister shrugged. "That depends on how you define EVIL."

Sumeryoso ang mukha niya. "Pryn."

"Wala!" singhal nito. "Masyado mo namang minamahal 'yang Chloe mo. Kasama ko si Sam, magtanong ka kung ayaw mo maniwala sa akin."

He beleived her. Putting his attention back to his phone, he asked, "Why are you here?"

"Wala," sabi nito, "just wanted to tell you that she's coming here tomorrow to have dinner with us."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Ni hindi pa nga niya napag-iisipan kung anong sunod na gagawin.

"It's not me," sabi nito, "Mom invited her."

"You tell mom about her?"

"Hindi."

"B1?" tanong niya.

Bago siya pumunta ng Florence ay wala siyang imik tungkol kay Chloe sa mga ito. Ayaw niyang malaman ng pamilya niya lalo na ang kanyang ate ang tungkol sa dalaga. Sapat na iyong alam ng mga ito na pinaiyak siya ng isang babae. Hindi na ng mga ito kailangan pang malaman pa kung sino.

"Hindi rin," sagot nito saka naman tinungo ang mga libro niya. "You know that his loyalty belongs to you. Her father, I think, already talk to Mom and Dad."

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now