Chapter 44

15 0 0
                                    

060820

Chapter XLIV: APART

"Dad," nakayukong sabi niya pagkabukas ng pinto ng study sa kanilang bahay.

Kanina pa siya naiiyak. Unang beses niyang makaramdam ng ganoong sakit at hindi niya alam ang gagawin.

"What happened?" Tumayo ang ama sa inuupuan saka lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang balikat saka sinilip ang mukha.

"Dad, it's over," he choked, saying the word 'over' killed his soul.

"Bakit anong nangyari, anak?" sabi nito sa nag-aalalang tono.  "Tinatakot mo 'ko."

His jaw tensed when the tears he was stubbornly holding back finally fell. Hindi niya akalain na darating siya sa puntong maiiyak siya sa harap ng ama. Ang taong iniidolo niya, ayon siya't hindi isang maipagmamalaking bagay ang ipinapakita kung hindi isang kahinaan.
"Dad, I can't love her anymore," he said, throat felt squeezing.

"Sino?" tanong nito saka hinawak ang isang kamay sa kabilang braso niya. "Anak, kumalma ka muna, okay? I'm here, makikinig ako."

He brought his hand to his face, wiping the tears with the hem of his shirt's long sleeve.

"What's going on here?" came his mother's voice, which somehow woke him up from the pain. Napaisip siya kung ganoong ang naramdaman nito noong nagkaroon ng isyu ang ama niya rito. Gusto niyang yakapin ang ina kahit pa huli na para damayan ito.

He couldn't put the pain into words at how much it hurts.

"Umiiyak ka ba, B2?"

"Carmi, I don't know what happened," sabi ng papa niya para sa kanya. "He just walked in here and started getting emotional...he's talking about a girl."

"What? A girl? Sino?" dinig niya sa ina saka naramdaman niyang yumakap ito sa kanya. "It's okay, anak. Iiyak mo lang. Magiging okay din ang lahat. It's just temporary, okay?"

Temporary? Sana nga. Pakiramdam kasi niya hindi mawawala ang sakit.

"It's over, mom," mahinang sabi niya. "I planned...I decided to continue loving her despite everything...She just have to ask..."

One plea from Chloe and he wouldn't waste even a second to think. Kaso hindi. Pinagtabuyan na naman siya nito.

"I'm sorry, anak," sabi ng ginang. "Ganoon talaga, minsan may mga bagay na hindi umaayon sa kagustuhan natin pero hindi "

"I love her so much..."

"I know, anak," sabi nito.

Tahimik lang ang papa niya sa kanilang dalawa. Pinaubaya sa mommy niya ang pagpapakalma sa kanya. 

"I can feel it," patuloy ng ginang. "Ni minsan hindi ka umiyak sa harap namin ng daddy mo."

"Ma, Pa, anong meron dito?" dinig niya sa kanyang ate at agad niyang inayos ang sarili. Hindi siya sigurado kung ayaw lang ba niya maasar o may magamit na pang-asar sa kanya. Ayaw niyang makita siya ng kapatid sa ganoong ayos. "At nandito pala ang magaling kong--"

"Pryn, not this time, anak," tigil ng papa niya rito. "You're brother's not okay."

"I'm going to be fine," sabi niya saka nagpaalam na sa mga ito. "I'll go to my room. Thanks."

Tahimik lang na napatitig sa kanya ang tatlo nang papalabas siya ng kuwartong iyon.

"Nangyari sa devil na iyon?" dinig niya sa kanyang ate bago siya tuluyang makalabas.

A realization kicked him. Maybe he deserved that pain. Lahat ng mga kasamaan niya at maling pagtrato sa mga fangirls ay iyon ang balik sa kanya. Ang ipagtulakan siya ng taong kanyang pinahahalagahan.

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now