Chapter 42

8 0 0
                                    

060420

Chapter XLII: Game

"Ayos ka lang ba Kuya Prynston?" bungad sa kanya ni Carlo pagkadungaw nito sa pinto. Nasa Calligraphy Club Room sila para sa isang weekly meeting.

"Why not?"

Pero hindi talaga siya ayos. Ang laki ng problema niya kay Chloe. Hindi niya alam kung paano ito mailalayo kay Ranwell. Tapos dumagdag pa si Mr. Chikuze na pinaalalahanan siya sa nalalapit nilang paghaharap ni Zara.

Kumuha ito ng upuan at parang bagay ito sa larangan ng pagbabalita sa sinalaysay, "Hindi ko alam kung totoo o hindi pero sabi nila baka daw may relasyon sila Ate Chloe at Kuya Ranwell dahil palagi silang magkasama nitong nakaraang linggo."

He had been hearing about it the past few days but he chose to ignore. Kung girlfriend na nga ni Ranwell si Chloe paniguradong ipapamukha iyon ni Ranwell at mag-aastang hindi si Chloe ang naagaw sa kanya kung hindi ang buong mundo. Kung may pagkakataong itong magyabang sa kanila mas magtataka siya kung palalampasin iyon nito. Tulad na lang noong kontest.

So far, Ranwell had not been bugging him like a troubled child who needed attention so he dismissed the possibility.

Carlo had an extra evidence on his sleeve though. Sabi nito, "Saka nakita ko rin sila magkasama sa ospital."

Ipinatong niya ang siko sa mesa saka itinukod ang kamay sa baba. "And why are you in the hospital in the first place?" sabi niya kahit hindi iyon ang gustong itanong.

"Wala," sabi nito, "binisita ko lang si Papa."

Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan. So that answered why Carlo planned to pursue Medicine. Akala niya dati sumagi lang sa isip nito. May mga yapak pala ito na gustong sundan. Sa parteng iyon ay naiintindihan niya ito.

Carlo went on, "Gusto mo bang alamin ko kung sino ang binibisita nila roon?"

"No," pigil niya agad. Ayaw niyang pati ito ay madamay sa problema niya. At malay ba niya kung pati lisensya ng pagka-doktor ng ama nito'y malagay sa alanganin sa galawan nitong si Carlo.

"What's the hospital?" sabi niya.

"Makati City Hospital."

Tinandaan niya iyon. Sa tingin niya ay kakailangan niya ang tulong ng kanyang lolo.

---

It was sooner than what B2 had expected.

Hindi pa sana muna siya papayag na makaharap ang Zara na sinasabi ni Mr. Chikuze pero naisip niyang huwag na lang iyon ipagpaliban. Mabawasan man lang ang mga iniisip niya. Buti na nga lang at nakakatulog pa siya sa gabi kahit papaano at kailangan niya ang talino sa mga pagkakataong iyon.

Tumingin siya sa relo. Five minutes ng late itong Zara. Isang minuto pa at talagang aalis na siya. Ayaw niya sa lahat ang pinaghihintay. Kay Chloe lang siya nakakatiis, sa iba pakiramdam niya isang taon ang isang minuto.

"Hi," sabi ng bagong dating na babae at pinigilan niyang mapabuntung-hininga.

Sana lang ay matapos na agad iyon. Wala nang ihahaba ang kanyang pasensya.

"Zara, nice to meet you," sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya.

Tumayo siya sa upuan at kahit ayaw makipag-kamay, tinanggap niya pa rin iyon. "Prynston."

Bumalik siya sa pagkakaupo kahit nang puntong iyon ay gusto na niyang dumiretso sa may pinto.

"I'm sorry we have to meet this way," ngiti nito sa kanya saka umupo na rin. "So... sa Vindleton ka nag-aaral diba?

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now