Chapter 46

19 0 0
                                    

061120

Chapter XLVI: HER FAMILY

B2 couldn't take his eyes away at the documents, examining even the tiniest detail of a blurry line.

Were they forged?

Gusto niyang tawanan ang sarili. Malamang hindi. Nitong mga nagdaang araw para siyang nabobobo sa mga nangyayari.

He threw a final look at Chloe's photo and the complete name printed beside it, forming a conclusion. So, Chloe is Zara as well.

Naalala niya ang may pagkatsismosang babae na nakatagpo niya. Sino ang Zara na nakilala niya?

He smirked, nodding to himself. It finally made sense. That explained why the fake Zara was so into him and Chloe. Hindi rin dito tumugma ang Zara na sinasabi ni Mr. Chikuze dahil impostor ang nakaharap niya. At ganoon na lang din si Mr. Chikuze kakumpiyansa na ipakilala sa kanya si Zara dahil si Chloe din pala ito.

Ibinalik niya sa pagkakarolyo ang mga papel saka bumuga ng hangin. Nakilala na rin niya sa wakas si Chloe. Hindi na ito isang misteryo na
kailangan niyang hulaan pa. Ito na mismo ang nagpakilala ng totoong pagkatao nito.

Pinaalala niya sa sarili na sinundan siya roon ng dalaga sa Florence. A smile slipped from his lips at the thought.

"Maling ginalit mo siya nang ganyan."

Napalis ang ngiting iyon nang isang boses ng lalaki ang umagaw ng kanyang atensyon. Lumingon siya at  nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makita ang nagmamay-ari niyon.

"You?" Naalala na naman niya na kailangan niyang magpalaki ng katawan. "What are you doing here?"

"Binabantayan siya."

"So you're  her bodyguard." Tumango-tango siya saka tiningnan ito nang taas-noo. "Then stop meddling with her personal life and just stick to your job. She have left already, I don't see why you are still here."

Unang beses siyang nanliit sa sarili nang dahil sa sinabi nito kaya mainit ang dugo niya rito.

Tipid itong napangiti sa sinabi niya. "Ganyan na ganyan din ang pakikitungo sa akin dati ni Zara."

"Zara?" ulit niya na nagpainis sa kanya lalo. "Stop acting like you two are close."

Napamulsa ito. "Gaya ng sabi ko kanina hindi mo dapat siya ginalit ng ganoon. Madami siyang binitawan para masundan ka rito. Isa na roon ang walang kapantay na pride na meron siya. Lahat ng hirap na tiniis niya nang nagdaang taon, ikaw lang pala ang magpapasuko sa kanya."

Napamaang siya sa mga binanggit nito ngunit di pa rin nawawala ang inis.

"Hindi ko alam kung ganyan lang talaga kayong mga batang magmahal," patuloy nito. "Sa tingin ko hindi siya titigil hangga't hindi ka bumabalik sa kanya."

Kung magsalita ito ay parang kilalang-kilala nito si Chloe. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit dito. Matagal na siguro itong bodyguard ng dalaga. Buti pa ito matagal nang nakasama si Chloe.

Nakipagsukatan ito sa kanya ng tingin bago napangiti. "Ayos lang sa akin kung tatawagin mo akong kuya."

Nalalag ang mga panga niya. Pamilyar sa kanya ang mga ganoong linyahan. Akala niya kay B1 lang niya iyon maririnig.

Si B1 nga hindi niya matawag-tawag na kuya.

"What nonsense are you talking about?" he asked with distaste.

Sa gulat niya ay nakuha pa nitong guluhin ang kanyang buhok. "Sanay na ako sa mga pasaway na kapatid. Ayos lang sa akin kung dadagdag ka kaya huwag mo nang pahirapan si Zara."

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now