Chapter 41

20 0 0
                                    

060120

Chapter XLI: HER TALENT

"Isa," sabi ni Chloe.

Hindi nagsalita si B2.

"Dalawa."

Lalong lumalaki ang inis na nararamdaman niya.

"Tat--"

"Fine, kiss me," walang gana niyang sabi at pakiramdam niya tumigil ang oras. Hindi niya alam kung pagsisisihan niyang sinambit iyon o ano.

Chloe was silent on her seat, eyes never leaving him. Naduduwag na ba ito? Mas gusto niyang maduwag ito. Pero siya ang napaatras nang tumayo ito at maglakad papunta sa kanya. Napalunok siya hanggang sa ang tanging pwede na lang niyang gawin ay bumalik ng upo sa silya.

May sumipa sa dibdib niya nang hawakan nito ang kanyang mga pisngi. He looked up and saw her face and neck red.

Kung nahihiya ba ito sa gagawin ay hindi niya alam dahil titig na titig ito sa kanya.

Slowly, she leaned her face down. When she tilted her head and about to meet his lips, his breath stopped that out of panic, he caught both her wrists and took them off his face. He turned his head to the other side, refusing the kiss.

Naatingin siya rito nang kunin ni Chloe ang mga kamay mula sa kanyang pagkakahawak.

"If you want me out of your life that bad, then you have it," angil niya saka pinatabi ito't umalis sa upuan. Kung wala lang siyang alam sa anatomy ay baka nagtaka na siya kung gaano katibay ng puso. Para kasing sasabog ang dibdib niya sa lakas ng  kabog niyon. Bago siya tuluyang umalis ay tinapunan niya ito ng tingin sa huling pagkakataon. "Don't bawl your eyes out when you miss me."

Ayaw man niya ay pinilit pa rin ang sarili na makaalis doon. Pagkasara ng pinto ay halos patakbo na siya kung maglakad papunta ng sasakyan.

Inabot niya ang pisngi na hinawakan kanina ng dalaga at pagkatapos ay ang mga labi.

"How dare she test me like that," bulong niya sa sarili. Hindi nakalusot sa kanya ang pigil nitong ngiti nang pigilan niya ito sa gagawin.

That night, he couldn't sleep. Kahit gusto nang matulog ng mga mata niya ang diwa niya gising na gising. Para iyong may time machine na paulit-ulit siyang dinadala sa bahay nila Chloe at ipinapakita sa kanya ang nangyari.

Napahawak siya ng noo. Iyong sinabi niya rito. Paano niya paninindigan iyon kung sa puntong iyon ay gustong-gusto na niyang makita ulit ito?

Even with Chloe's warning, he still prepared a gift for her. Hindi niya alam ang bibilhin para rito kaya pasimple niyang tinanong ang daddy niya kung anong unang niregalo nito sa kanyang mommy.

Nang 26 na at ibibigay na niya ito, naduwag siya. Hindi siya makalapit sa bahay nito. Alam naman niya na pumayag siya sa gusto nito pero gusto niyang ibigay man lang iyon bago ang lahat. It might help him accept their situation.

Ayaw niyang maging parting gift iyon pero malay ba niya. Hindi naman sa hinihiling niya na tuluyan na talagang silang maghiwalay ng landas, umaasa pa rin siya. Kaso paano kung hindi na talaga? Ewan niya, gulong-gulo siya. Basta maibigay lang niya iyon kay Chloe. Saka na iyong iba.

Kakatok pa lang siya sa pintuan nang may tumawag sa kanya. Si Aling Cora.

"Ay naku, hijo," sabi nito, "hindi ka ba sinabihan nila Chloe?"

Nag-isip siya kung ano bang dapat ay sinabi sa kanya ng dalaga maliban sa lumayo na raw siya. He shook a head.

Aling Cora said in dismay, "Hindi na sila nakatira dyan, hijo. Kung saan sila lumipat ay hindi nasabi ni Chloe sa akin. Hindi ba kayo nag-usap?"

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now