Chapter 32

14 0 0
                                    

Chapter XXXII: THE WHO

B2 watched the busy streets outside by the car's window. Marami na naman ang nagbebenta ng mga makukulay na parol sa kalye at kabi-kabila na naman ang mga nagpapatugtog ng mga awiting pamasko na sinasabayan ng radyo sa loob ng kanilang sasakyan.

December came in and in three weeks it'd be their Christmas vacation again. Vacation meant peaceful life--no school, less fan girls. Oh, how he loved vacations so much.

Celebrating Christmas with an additional Chloe made him smile like he just received an early gift. Childishly, he suddenly became excited of the season.

"Pasko na naman," dinig niyang sabi ni B1 na nakatingin rin pala sa bintana niya. "Matatapos na naman ang taon."

"Yeah, time flies so fast I can't cope up."

"Hindi naman," said B1. "Ang laki na kaya ng pinagbago mo. Ang layo mo na sa masungit na B2 na kilala ko."

B2's face darkened, turning to B1, "Thank you."

Mula sa pagkakangiti ay sumeryoso ang mukha ng kapatid niya nang may maalala ito. "Saan ka magka-college, B2?"

Hindi siya nakasagot. Siya man ay napaisip din sa tanong nito. Napag-uusapan na nila ang tungkol dun sa hapagkainan pero hindi pa siya makapagdesisyon. Nag-submit na sila ng applications sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Ang iba sa mga iyon ay nakapag-entrance exam na sila pero wala pa rin talaga siyang desisyon.

Napatingin siya ulit sa bintana. "I don't know. I'm considering a lot of things."

"Ah," B1 nodded.

"Do you have in mind?" he asked absently as he looked at a group of students cheerfully marching up for school.

"CalTech? Pwede rin IU."

B1 took his attention again. "IU? Indiana University?"

"Oo. Ang daming magagandang university, ang hirap mamili."

"To be honest," sabi niya, "I want to stay here for college then continue masters overseas. I don't wanna leave the country yet."

"Ayaw din ni ate na sa ibang bansa tayo mag-aral. Maiiwan daw siya dito mag-isa."

He snorted, "Really? Clingy sister. How can she worry about it when she has a bunch of friends here?"

B1 smiled at the mention of Pryn's friends. "Nakaka-miss naman sila ate Ru. Hindi na sila pumupunta ng bahay nang magkakasama."

Aaminin niyang nakakainggit ang kanyang ate dahil may mga totoong kaibigan ito. His sister's friends were so loyal to Pryn. Magkakaibigan na ang mga ito simula pa gradeschool at ngayong college hindi pa rin ang mga ito mapaghiwalay.

Siya wala siyang naaalalang naging tunay na kaibigan ni isa. His sister was damn lucky.

He was bugged by the thought about friendship that it walked with him up to the gates of Vindleton where Carlo was waiting.

"Good morning, Kuya Prancys. Good morning Kuya Prynston."

Hindi siya tumingin dito kundi kay Laila na nasa di kalayuan at kasama ang ilan sa mga kaklase niya.

Dati na niyang nakikitang pinagtitripan ng mga ito si Laila pero hindi siya sigurado kung mas lumalala iyon nang sumali siya sa Calligraphy Club.

"O, Carlo, good morning din," bati ni B1, "anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ko po kasi si Kuya Prynston."

Hearing his name, B2 looked at Carlo who smiled at him. "Why? Is it that important for you to wait here?"

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now