Chapter 45

18 0 0
                                    

061120

Chapter XLV: ONE PERSON

Agad na sinara ni B2 ang pinto.

Napatigil siya habang nakahawak sa seradura. "What's wrong with this hotel? Did they tell them my room?"

He sat on the couch, fazed with what happened. He glanced at the door, though closed, could see Chloe standing outside.

Even it was quick, he glimpsed at how tired her eyes looked. Parang wala itong tulog ng ilang araw. Napahawak siya sa ilalim ng kanyang mga mata. Ganoon din kaya ang mga iyon. Halos wala din siyang matinong tulog.

Kumalam ang tiyan niya. Gusto man niyang lumabas, hindi pa niya handang harapin ang dalaga.

Pumunta siya ng kusina at naghanap ng pwede niyang lutuin. May tinapay pa naman siya roon at bote ng gatas. Pwede na iyon, hindi na niya kailangan pang magluto.

After that light breakfast, he took a shower and watched anime on his phone to wait for lunch.

Nang bumukas ulit siya ng pinto para kumain sa labas, nagulat siya nang makitang napatayo si Chloe sa gilid. Naroon ito't naka-upo. Hinihintay marahil ang muling paglabas niya.

Pinaningkitan niya ito ng mata. Paano pala kung mamayang gabi pa siya lumabas ng kuwarto?

He closed the door but this time he didn't went back inside. Hindi na lang niya ito pinansin saka lumakad na. Kahit galit siya rito ayaw naman niyang magmukha itong tanga roon sa labas.

Tahimik itong sumunod sa kanyang likuran na pinabayaan lang niya.

Every step was awkward. Kahit payat ay hindi naman lampa pero ingat na ingat siya na parang kunting mali lang ay matitisod siya. He let out a small sigh, making sure Chloe wouldn't notice that he did.

Kapag iniisip niya kung gaano niya kagusto ang dalaga pakiramdam niya imposible na siyang magkagusto pa sa iba.

Inisip niya tuloy kung bakit siya baliw dito, eh, daig pa siya sa katigasan ng ulo. It could be her looks that bought him, but he dropped the idea right away. Hindi lang naman si Chloe ang may magandang mukha sa balat ng lupa--pero aamin siyang maliban sa ina at ate ay kay Chloe lang siya nagagandahan.

He tss-ed. It wasn't her looks. Sigurado siya roon. Chloe might turn into a frog and he'd still care for her.

Sinundan siya nito hanggang sa restaurant na kakainan niya. Lingid sa inaasahan niya ay sa ibang mesa ito pumwesto pero malapit sa kanya. Parang bantay-sarado siya rito.

He ate in peace, not minding Chloe's presence. The light breakfast starved him so much. Halos hindi na siya ngumuya kaya natapos agad.

Napansin niyang tumayo si Chloe at nang makaalis ito ay tiningnan niya ang pagkain nito. Hindi pa ubos iyon. She might have gone to the comfort room.

He took that opportunity to outwit her. Pagkatapos niyang makapagbayad ng bill ay lumabas na siya.

Mula sa kalapit na kainan ay pinanood niya roon ang paglabas ng dalaga na halos kasunod lang niya. Hindi na marahil nito tinapos ang pagkain pagkakitang wala na siya roon. He smirked at how she panicked looking for him outside.

His face went serious when Chloe threw her head back in frustration.

"Stop looking up, you fool, you'll hurt your eyes," bulong niya.

Siya naman ngayon ang sumunod sa dalaga subalit palihim lang.

Sinundan niya itong manood ng sine, pumunta ng parke, at ngayon ay hindi niya alam kung saan papunta. Palubog na ang araw niyon. Kahit nasa malayo lang siya pakiramdam niya nag-date sila nito.

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now