Epilogue

16 0 0
                                    

100720

Epilogue

"Good luck sa 'yo," tapik ng braso kay B2 ng kambal habang inaayos niya ang kurbata sa harap ng salamin.

Aalis siya para kaharapin si Mr. Choi, ang tunay nap ama ni Chloe.

"Thank you," sabi niya.

Nang sabihin niyang liligawan niya si Chloe ay hindi lamang iyon sabi-sabi. He was guilty that he didn't have concrete plans yet, but he knew that he had to start somewhere, he had to do things the right way. Maski naman siya ayaw niyang maging shortcuts na lang lahat pagdating sa dalaga. His feelings for her was a more neatly woven masterpiece rather than a readily-made product from an advanced machine.

He would start from the basic, and that was meeting Chloe's parents. 

Sa opisina siya nagpunta ni Mr. Choi. Imbes na kakitain siya sa isang resto ay sinabi niyang pupuntahan na lamang niya sa ito para hindi na maabala. He once experienced it himself how hectic the schedule of a top officer could get.

"Good morning, Sir," bati niya nang pagbuksan siya ng pinto ng sekretarya ni Mr. Choi.

Nagliwanag ang mukha ni Mr. Choi nang makita siya. "Hijo. It's good to see you again."

Hindi na siya nagpadalus-dalos at sinabi na niya agad ang pakay dito.

Gaya nang kanyang plano ay nagpaalam siya rito na ligawan si Chloe. Hindi ito diretsahang pumayag bagkus ay nagkuwento tungkol sa mga pinaggagawa ng dalaga noong nagrerebelde pa. Nakuwento na sa kanya ni Edmund ang iba pero nagulat pa rin siya sa ibang nakuwento ni Mr. Choi. Gaya nang kung paano tinakot ng batang Chloe ang ama nang makipagsabwatan ito sa isang hacker at pinasok ang database ng kompanya para sa kalayaan nito.

He smirked. He was nothing compared to all the mischief Chloe did when she was a kid.

Imbes na makita niya kung gaano naging sakit sa ulo si Chloe sa ama ay nakita niya kung anong klaseng hirap ang pinagdaanan nito. Sobrang tapang ng dalaga. Kumpara sa pinagdaanan nito, nahihiya siya sa tuwing naalala niya kung paano niya kaawaan ang sarili noong bata pa siya.

"Zara might not know it," sabi ni Mr. Choi, "but she's everything to me. Ang mama niya ang tanging babaeng minahal ko ng sobra. Siya ang bunga ng pagmamahal na iyon. Mahalaga siya sa akin kaya ginawa ko lahat maibalik lamang siya sa akin. Sila ng mama niya."

He was silent. Someone couldn't just reveal to anyone their family's secret and there he was listening to Chloe's family issues.

"Thank you for bringing me back my daughter," sabi nito na parang isang milagro ang dinala niya sa pamilya nito.

"I suppose it's not me," nag-aalangang sabi niya.

Di niya alam kung ayos lamang na sabihin niya rito ang kanyang opinyon. He didn't want to say a single word that would disfavor him.

Bigla niyang naisip sila Baby Michael, Tina , at Louie. "Maybe, Chloe was just thinking about the welfare of the people around her. And..."

"And?" tanong nito.

"She's gotten tired," malungkot niyang sabi.

Kay Chloe niya mismo narinig iyon noong isang beses na umiyak ito sa kanya.

Tumango-tango ito. "She was already worn out  even long before. Hinihintay ko lang siya na bumalik pero sadyang matibay siya."

Iyon din ang akala niya dati. Akala niya bakal sa tibay ang dalaga pero isang araw nakita niya ang pagod sa mga mata nito. Tinatago lamang nito ang kahinaan sa loob.

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now