Chapter 48

17 0 0
                                    

080520

Chapter XLVIII: TRY HARDER

When B2 saw Chloe, his eyes landed on her shirt out of his knowing, particularly on the chest area. Chloe's angry face showed a shade of pink, making him aware of what he's doing. Iniiwas agad niya ang tingin.

Tss. Why was he acting stupid again?

"Zara, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Edmund. Hindi sumagot si Chloe. "Gusto mo bang kumain ulit?"

Dama niya ang paglaglag ng butil ng pawis sa kanyang sintido habang hinihintay ang mga susunod na pangyayari.

Edmund offered Chloe a sit. Hindi naman siya makapag-angat ng ulo nang umupo roon ang dalaga. Kapag naalala niya ang kasalanan sa dalaga, nahihiya siya. Walang siyang karapatan na umupo roon kasama ito.

"Kunti lang," dinig niyang sabi ni Chloe sa malamig na tono.

Naiwan sila roon ni Chloe sa mesa nang umorder si Edmund. Siya naman ay dahan-dahan sa paghiwa ng karne na parang bumigat ang kanyang mga daliri sa presensya ng dalaga.

It could be his chance to apologize personally to her. He should grab it. Lakas-loob niyang tiningnan si Chloe na diretso naman ang tingin sa mesa. Blangko lamang ang mukha nito pero mas naduwag siyang magsalita. Ibinalik niya ulit ang tingin sa kanyang plato.

Dati nang nakakatakot si Chloe pero hindi siya napipipi. Ngayon umuurong ang kanyang dila.

Tss.

Habang pilit na pinagpatuloy ang pagkain ay madami siyang sinayang na pagkakataon para magsalita. The little courage inside him disappeared like a burning rope as time ticked by. Hanggang sa bumalik na si Edmund na sa tingin niya ay sinadya nitong magtagal ay hindi pa rin siya nakaimik.

Chloe ate. He ate, this time quicker.  Inubos niya agad ang kinakain dahil masyado na siyang naiilang katabi si Chloe para ngumuya ng pagkain. Si Edmund ay tahimik na pinanood silang dalawa.

"Bakit  nagbago ang isip mo?" basag ni Edmund sa katahimikan nilang dalaga. "Yinaya kita kaninang kumain pero di ka sumama."

"Balik na tayo bukas ng Pilipinas," walang anu-anong sagot ni Chloe at nagdulot iyon ng gulat na parang sa di kalayuan ay isang bomba ang sumabog.

He kept his eyes on his plate. Sinundan siya nito roon sa Florence para linawin ang tungkol sa marriage proposal tapos ngayon malalaman niyang babalik na ito ng Pilipinas hindi pa nga sila nagkakausap ng maayos.

Ginalit niya nga ito.

Sa kanya napunta ang tingin ni Edmund na parang tinatanong siya kung ano ang masasabi niya sa pasyang iyon ni Chloe.

He didn't look up.  Kahit sumisigaw ang puso niya na kumontra wala naman siyang karapatan para pigilan ito. May kasalanan pa nga siya. Walang-wala siya ni katiting na karapatan. At wala siyang ibang masisisi kung hindi ang sarili.

Pero hindi naman din niya sinasadya. Nadaig lang siya ng sobrang takot. And if there's a way to undo his action, he would. Kailanman ay hindi niya gustong mapahiya ng ganoon ang dalaga. Oo, dati sinusungitan niya ito nang wala sa lugar pero ibang klaseng pagkailang ang pinadama niya rito ngayon at galit siya sa sarili dahil doon.

Sana lang talaga ay makapag-usap muna sila nito ng maayos bago bumalik ng Pilipinas. He wanted to settle things between them aside from the apology that he owed her.

Edmund hailed them a cab back to the hotel. May dadaanan ito kaya pinauna na muna sila.

Even overseas Edmund had a lot in his hands. Napaisip siya kung lahat ng inaasikaso nito ay para kay Chloe. They only had talk thrice but he could see how doting of a brother Edmund was to Chloe.

He and Chloe were both silent along the drive. The only thing that made the drive tolerable was the sceneries outside the car as he looked at them from the window, his mind wandering towards his past stay in Vindleton.

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now