Chapter 39.2

1.4K 23 23
                                    

Tentenenentenen! Akala niyo ending na? HAHAHA. CHOS. Ayaw ko pang tapusin eh. At tsaka marami pang mangyayari sa chapter na 'to bago matapos ang lahat. Ang cheesy nito... para sa akin. HAHA. So ayun, enjoy reading. Yung mga nagpadedicate sa akin noon, magcomment nga kayo, nakalimutan ko na eh. =))))

Sarreh sa late UD ^^v

***

Elaine

Anong ginagawa niya dito?! Nakakaasar talaga si Cloud! Ano nanamang kinain nun at tinulungan 'tong mokong na 'to sa kung ano man 'to?!

"Ikaw siguro may pakana nito noh?!" sabi ko habang nakakunot yung noo ko. So akala niya okay na kami? Pagkatapos niya akong isnobin?! Pfft, bahala siya!

"Tsh, hindi 'ko binalak 'to noh." sabi niya, aba, siya pa may ganang magalit ah. -____-

"Pssh. Ewan ko sayo. Kung ikaw lang din makakaharap ko, wag na noh." paalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko. Bigla akong kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Waaah. >___< 

Nakatingin lang siya sa akin, walang nagsasalita sa amin. Lumuwag yung hawak niya sa kamay ko at napangiti siya, "Sorry. Can you please stay? Kahit sandali lang. Hindi man ako ang may pakana nito, gusto lang kitang makausap."

Wala na akong nasagot, hinila niya yung upuan at umupo ako, nakatulala pa rin ako. Aish, anebe, galit ako diba?

"Umm ano... sorry..." sabi niya habang nakatitig sakin. Ba't ba sorry ng sorry 'to? -____-

"Bakit ba sorry ka ng sorry? Para san yun?" tanong ko. Feeling ko tuloy ako yung masama sa aming dalawa.

"Sa lahat. Napakaraming beses na kitang di pinaniwalaan. I'm sorry... Mas naniwala pa ako kay Roxanne. All this time, niloko niya lang pala ako, este, tayong dalawa."

Pilit kong pinipigil yung ngiti ko, pero wala eh, napangiti din ako. Napansin niya atang nakangiti ako, kumunot yung noo niya, "Ba't mo 'ko tinatawanan? Ang sincere ko dito e tas tatawa ka lang?"

"Eh sino bang may sabi sayong tinatawanan kita? Haha." sabi ko habang tumatawa. Di ko na napigilan yung tawa ko. Patampo tampo pa 'to, hindi niya ba alam na kinikilig ako at hindi natatawa?

"Eh anong tawag dyan? Pssh." ang init talaga ng ulo kahit kelan. Di na nagbago. Haha.

"Eh basta, di kita tinatawanan. Natutuwa lang ako, nagagawa mo rin palang maging sincere noh?"

"Pssh, anong akala mo saken? Di sincere sa lahat ng ginagawa ko?"

"Nagtatampo ka na nyan?" natatawa kong sinabi. Nakasimangot na siya ngayon. Hala, baka nga naiinis na 'to saken XD

"Tss. Hindi kasi ikaw yung tinatawanan eh kaya di mo alam kung ano nararamdaman ko." Hala, galit na nga ata.

"Sus. Eto naman, joke lang yun! Wag ka na magtampo please? Napapansin ko naman yung pagkasincere mo eh...." napangiti ko siya kahit papano, "kasi once in a blue moon lang naman nangyayari yun." dagdag ko at tumawa. 

Nabura nanaman yung ngiti niya at sumimangot, "Ayos na sana eh, may once in a blue moon pang nalalaman. Pfft."

Ang saya saya talaga niya asarin, ang pikon kasi. HAHA. Tumayo ako at inabot yung mukha niya, pinisil ko yung ilong niya, "Ang matampuhin mo talaga."

"Tss. Parang siya hindi." sabi niya at ngayon siya naman ang nakangiti. Naramdaman kong ang pamumula ko. Ang lakas talaga ng epekto ng mga ngiti niya sa akin uwaaaaaaa >o<

Nagkatitigan lang kaming dalawa, walang nagsasalita. Ine-enjoy yung moment na nagkasama ulit kaming dalawa, na wala ng problemang hahadlang samin...

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon