Sorry po sa sobrang late na UD. Tinamad kasi ako ng bonggang bongga. Muntik ko na ngang layasan si watty eh =)) So here it goes, sana makabawi ako kahit papano. And last 2 chapters na lang siguro after this! Maghanda na kayo sa ending. =))
***
Roxanne
Nagmadali akong lumabas sa kwarto namin ni Cloud. Lintek, magkasama nanaman si Martin at Elaine. Kahit kelan talaga ang hirap nilang paglayuin! Argh! But that doesn't mean na titigil ako sa paglalayo ko sa kanilang dalawa. Akin lang si Martin, AKIN!
Pagdating ko sa ospital, may napansin akong tumatakbong lalaki at babae, sa bilis nilang tumakbo, hindi ko nakita yung mukha nila. Ano bang ospital 'to, bakit may mga tumatakbo sa paligid? Tsk.
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Elaine. Pero pagdating ko dun, wala... WALA SILA!!!
"What the-- Where is the patient staying here?!?!" sigaw ko, tinignan ako nung nurse na nasa kwarto.
"E-err, ma'am, a guy dragged her o-out." Nabubulol niyang sinabi.
"What? What did you just said?" tinignan ko siya ng masama. Mukhang natatakot na siya, aba, dapat lang.
"M-ma'am--"
"What part of 'Let HER stay here' did you not understand?" palapit ako ng palapit sa kanya. Nag-iinit ang dugo ko! Ang bobobo naman ng staff nila dito! Argh!
"B-but m-ma'am..."
May dalawa pang nurse na dumating, "What is happening here ma'am?"
Hindi ko sila pinansin, magsosorry na sana yung nurse na una kong naka-usap. Well, I don't accept apologies easily.. I'm not that kind of person who easily forgives.
"Shut up! Simple lang naman yun diba?! Let HER stay here! Argh, nakakaasar! Wala na. Kayo kasi eh!" ginulo ko yung buhok ko. I can't hit them naman, they're older than me, and besides, marami na ring taong nakakapansin sa amin. Mga chismoso, tss.
Napalingon ako sa pinto, iiwas na sana ako ng tingin pero may napansin ako.... O_________O
What the-- anong ginagawa niya dito?! Paano niya ako nakita?!?!
Aba, at kasama niya pala ang kumag na Ulap na 'to. Siguro siya yung nagturo sa kinaroroonan ko noh. Pssh, patay ka sa aking ulap ka. Tinignan ko siya ng masama at binaling yung attention ko kay Kuya Stephen.
"KUYA?! Anong ginagawa mo dito?!"
"Susunduin na kita. Marami-rami ka ng ginagawang di tama, Angel ha." umiling-iling pa si Kuya. He treats me like a kid again! Hindi na ako bata! I can make my decisions now! I don't need a babysitter or whatever.

BINABASA MO ANG
[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)
AléatoireCan we really survive this kind of relationship? Paano kung may humadlang sa aming dalawa? Si Dylan, bitter at sweet. Malakas ang moodswings niyan. Kapag tinamaan ng selos, nakupo, ang hirap makipagbati. Pero kahit ganyan, mahal ko yan. >3< --- Endi...