Dylan
Lumabas muna ako ng kwarto ni Papa, kung anu-ano kasing tinatanong niya kay Roxanne tungkol sa akin. As if naman close pa rin kami nung babaeng yun =____=
Sa hallway, may nakasalubong akong babaeng nakawheel chair na tulak tulak ng isang nurse. Siya yung babae kanina!
Mukhang napansin niya ako, paalis na sila ng...
"Teka lang! Kilala kita!"
"H-ha? I-I don't know what you're talking about. P-please leave me alone."
"Andrea, I know it's you." nakayuko lang siya, "Excuse me miss, can you please leave us for a moment?" pakiusap ko dun sa nurse, naintindihan niya naman ako kaya umalis na din siya.
"W-why are you here?" tanong niya sa akin habang tinutulak ko yung wheelchair niya. Dinala ko siya sa garden ng ospital na 'to.
"Si Papa kasi... he needs to take a surgery for his heart.. E ikaw?"
Umupo ako sa bench pagkatapos kong iayos yung wheelchair sa tabi ng bench. Nakayuko lang si Andrea, bakit kaya biglaan siyang tumahimik? Hindi siya ang 'Andrea' na nakilala ko.
"M-may sakit ako."
"Ha? Kelan pa? Tsaka... paano?"
"This started when I was still young. Matagal ko na siyang alam. I have leukemia at stage 2. This is terrible." sabi niya then she covered her face with her hand. Bakit ngayon ko lang nalaman na may sakit siya?
[a/n: If you want to get to know Andrea's love story, paki-abangan. Pagnatapos ko 'tong book na 'to, ipopost ko na siya. *O*]
"You would survive. Just believe. Andito lang ako para sayo. Isama mo na din yung iba kong kaibigan. I'm sure they'll support you."
"No way. I know that they hated me for what I have done. I've been a bad girl. I've acted selfish, possesive and obsessed. I'm very sorry for all the problems I have cau--" I hugged her para matigil yung yung pagsasalita niya.
"Sshh, past is past, kalimutan mo na yun." sabi ko habang yakap yakap ko siya.
Elaine
"Tara na sa canteen?" yaya ni Cloud sa akin. Kinuha ko yung bag ko at sabay na kaming lumabas ng classroom. Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong namin si David at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin. Problema niya?
"Aray naman! Ingat naman sa paghila oh! Ano bang meron?" tanong ko tapos tinanggal yung kamay niya sa braso ko.
"Tara. Wag kang sasama sa kanya." sabi ni David at hinila nanaman ako. Nagwave na lang ako kay Cloud, kawawa naman siya. Ano nanaman kasing kalokohan 'tong ginagawa ni David?!
"Umalis lang si Dylan ikaw naman ang pumalit sa kanya! Pssh, ano bang meron at galit na galit kayo kay Cloud ha?"
"Wala, wala. Wag mo ng alamin. Tara, naghihintay na si Mich sa canteen."
"Andyan na siya?!"
"Nasa canteen, kakasabi lang ee."
"Sorry ha! Naeexcite kasi ako! Hehe, tagal ko ng di nakita yung babaeng yun."
"Yeright." pumunta na kami sa canteen at nakita ko agad si Mich, sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at nagsigawan kami dun, o diba? Ang eskandalosa lang namin ;)
"Saan ka galing ha?" tanong ko pagkakalma namin.
"Ah, tinawagan lang ako nung model agency, tanggap na daw ako te! Galing noh?" at nagtilian nanaman kami.
"Pwede bang wag na muna kayo tumili?" sabi ni David habang nakahalumbaba sa mesa. Ano kayang bumabagabag sa isip nito? Wow, bumabagabag daw. Haha. Nagkapalit ata sila ng ugali ni Dylan ee, siya naman yung naging highblood lagi. Walang duda, nagmana nga sila sa isa't isa!
"Ano ba Applepie, wag ka na kasing magalit, wala naman akong pipirmahan na contract na may kasama ako sa picture na lalaki. Napagkasunduan na namin yun!" sabi niya at nilambing si David. Ah, kaya naman pala nakabusangot 'tong si David, takot mapalitan. Haha.
"Eh kasi naman, yung mga lalaking model sa pesteng agency na yun, kung makatingin, tss." sabi niya habang nakaiwas ng tingin. Tumingin muna sa akin si Mich tapos ay sabay kaming tumawa.
"Tatawa pa kayo, totoo naman ee! Pssh." sabi niya ulit. Ang cute naman pala magselos nitong si David, ngayon ko lang nakita 'tong dalawa na nagkatampuhan, madalas kasing mag-PDA lang yan sa tabi-tabi. Haha. ^_______^
"Anyway, kelan first shoot mo Mich? Sama ako ha!" sabi ko at pumayag naman siya, mamaya na daw yung una. Ang tagal naman! Haha, excited e noh? Gusto ko na kasing makita si Mich na magpose, tiyak na maglalaway lahat ng kalalakihan sa mundo! Haha. At shempre, andyan si David upang kumontra at bugbugin lahat ng lalaking yun. Haha.
"Si Kurt at Jess nga pala? Ang tagal ko ng di nakikita yung dalawang yun aah." sabi ko, kahit sa bahay, bihira ko ng maabutan si Jess. Lagi kasing umaalis yun, di man lang pinapaalam sa akin kung saan pupunta. Pssh.
"Ah, yun? Organizers kasi sila nung Festival Week dito sa school. Next month na yun, aware ka ba?"
"Ay, may Festival Week pala dito? Di ko alam ee. Haha. Kaya naman pala, bonggang yan! Di man lang sinabi sa akin ni Jess." sabi ko at tumawa.
Naexcite naman ako dun, ngayon lang ako makakaranas ng Festival Week, masaya kaya yun? Sana maenjoy ko, mehehe.
***
Natapos na ang araw na 'to, hindi man lang nagparamdam sa akin si Dylan, huhuhuhu TT3TT
Sabi niya tatawag siya sa akin lagi, pssh. Ni isang text nga din wala ee. Nakakamiss siya kahit isang araw pa lang siyang wala TT3TT
Kamusta na kaya siya dun? Kumakain kaya siya ng ayos? Kamusta na kaya yung Papa niya? Sana gumaling na yun. Para maging masaya na ulit si Dylan tsaka si Tita Diana. Hay...
"Hoy, babae! Tama na sa pagde-daydream mo! Tara na, punta muna tayo sa shoot tapos ihatid ka namin sa inyo, wala sila Kurt ee!" sabi ni Mich at hinila niya ako papasok sa kotse niya. Ang daya naman, magkakasama silang couples, ako loner, mag-isa, waah.
"O, Elaine, bakit ba kanina ka pa nakasimangot? Don't tell me namimiss mo na agad si Dylan? Isang araw pa lang ee! Haha." pangangantyaw ni David. Eh anong masama kung namimiss ko na siya agad? They just don't understand. Waaah. Dylan TT3TT
Napabuntong hininga na lang ako, nakakaasar naman 'tong magsyota na 'to ee! Kitang malungkot na yung tao, lalo pang inaasar. Pssh.
Nakarating na kami sa shooting area, ang ganda lang ng studio, ang daming ilaw tsaka gamit na hindi ko alam kung para saan. Pagdating namin, sinalubong agad si Mich nung mga mag-aayos tapos ay naghintay kami ni David sa isang sulok.
Napansin kong medyo bata pa yung photographer, nung tinitignan niya yung camera...
"Jelo!" sigaw ko, napatingin naman siya at ngumiti. Lumapit siya sa amin ni David, "Oh, si Mich pala yung bagong model. Wow, ang laki ng pinagbago mo, Elaine ha!"
"Hehe, ganun? Nice naman, di ko alam na photographer ka pala? Hehe. Nga pala, kamusta kayo ni Andrea?" pagkabanggit ko nung pangalan ni Andrea, nawala yung ngiti niya. Ano kayang nangyari, nabasted kaya siya? Tsk, sayang naman, bagay pa naman silang dalawa =_____=
"A-ah. W-wag na natin siyang pag-usapan. S-sige, babalik na ako dun." sabi niya at lumayo na, ano kayang meron? Nacucurious naman ako sa kanila =______=
----
Jodie's Note:
Chenen! Oha, akala niyo si Mich yung nagkasakit noh? Well, hindi siya. Haha, ang lakas ng trip e noh? Gusto ko ng ipost yung story nila Andrea, para magets niyo yung nangyayari. Kaso baka ma-WB naman ako dito. Ipaprioritize ko na muna 'to. Mehehe.
Wushu, wushu. Ang saya saya ko. Haha. Hindi ko pa pwedeng sabihin kung bakit kasi.... Trip ko lang! HAHA. Walang kwentang note nanaman 'to! HAHA. Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa ng aking munting kwento! Sana'y na-enjoy niyo yung chapter na 'to! ^O^

BINABASA MO ANG
[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)
AcakCan we really survive this kind of relationship? Paano kung may humadlang sa aming dalawa? Si Dylan, bitter at sweet. Malakas ang moodswings niyan. Kapag tinamaan ng selos, nakupo, ang hirap makipagbati. Pero kahit ganyan, mahal ko yan. >3< --- Endi...