Elaine
"Smile!" sabi ni Jelo habang si Mich naman nagpopose. Ang ganda niya lang! Bagay na bagay sa kanya yung damit na pinasuot sa kanya. Right now, pinipicturan siya tas isasubmit yung pictures sa mga clothing companies and such para kunin siyang model. Ang bongga lang diba?
"One final shot!" tinititigan ko lang si Mich habang nagpopose siya. Aba, wala bang hiya 'to sa katawan? Haha. I mean, ang confident niya, beginner pa lang siya pero parang professional na siya. Nadadala kasi siya nung confidence niya.
Kung ako yan, nako, baka napalayas na ako agad. Hindi naman kasi ako kasing ganda ng bestfriend ko ee. Mas lamang lang siya ng konting paligo. Haha. ^_____^
*Kroo* *Kroo*
Kanya-kanya ng kuha ng phone yung mga tao sa studio.
"Not mine."
"Hindi din akin."
"Kanino ba yung tumutunog? Pakisagot naman muna sa labas."
*Kroo* *Kroo*
Tinignan ko yung bag ko, "H-hehe, akin yung natunog. S-sorry." sabi ko at sinagot ko na yung call.
"Hello?" lumabas muna ako ng studio at tumambay sa lobby ng building.
("Musta?")
I automatically smiled as soon as I heard his voice. Yup, it's him. Mabuti naman at naisipan niyang tumawag, I miss him so much. Parang gusto ko siyang sunggaban ng halik at yakap. Haha, OA masyado ee.
"Hoy! Ikaw, hindi mo man lang naisipang tumawag ha? Nakakainis ka!"
("Sus, namiss mo naman ako agad. Matagal tagal pa bago ako makabalik dyan, dapat masanay ka ng minsan na lang ako tatawag, medyo busy kasi ako ee. Inaasikaso ko si Papa.")
Nawala yung ngiti ko dun, pinaparusahan ba ako? Grabe, minsan? E hindi ko na nga siya nakikita, di ko pa siya makakausap? Ang saklap naman nun.
"Kelan....ka ba.... babalik?"
("I don't know. Di ako sigurado.") Natahimik kaming dalawa. Siguro mga dalawang minuto lang kaming tahimik, tapos siya ulit yung nagsalita, "Sige na, I'm hanging up. I miss you."
"I miss you too. Sige, babye." sabi ko at binaba niya na yung call. Nakasalubong ko sila Mich pabalik kaya naman palabas na kami ngayon ng building.
"Sino yung tumawag?" tanong ni David habang nagdadrive siya. Katabi niya si Mich, of course. At ako ang dakila nila 'yaya' sa passenger seat. Nakakairita naman 'to, may dalawang couple sa harap mo, lalo ko tuloy nafefeel yung pagiging loner ko.
"Si Dylan..."
"Oh, si Dylan naman pala! Bakit parang ang tamlay mo pa din?" - Mich
"W-wala... wala... Dito na pala bahay ko, babye." sabi ko at bumaba na agad. Ayaw ko na munang pag-usapan si Dylan, namimiss ko lang siya lalo ee.
***
2 weeks had passed, almost half a month ng wala si Dylan, nakakasurvive naman kahit papano. Tinigil niya na muna yung pag-aaral niya, sa next sem na lang daw siya mag-eenroll ulit. Wah, ang daya niya talaga! Matagal tagal pa bago ang next sem ee!
Si Cloud ang kasama ko ngayon, bihira na kasi akong samahan nila Mich at David ee. Sila Kurt at Jess naman busy tungkol dun sa Festival Week na magaganap next next week. Masaya naman kasama si Cloud ee, hehe.
"Tara na nga Elaine, diba I promised na mag-skeskating ulit tayo?" sabi niya sa akin habang nakangiti. Ayaw kong pumayag dun nung una kasi nga baka magkapasa nanaman ang buong katawan ko. Pero dahil ang kulit nitong si Cloud, napilit niya ako. Tss.
"Bakit pala di ka sumama dun kela Dylan sa US? Diba kapatid ka niya?" tanong ko habang nagdadrive siya.
"Ah, yun ba, ayaw ko lang sumama. Hindi naman kami masyadong close ni Papa ee. At tsaka pinayagan naman ako ni Mama na magstay na lang muna dito para sa pag-aaral ko daw."
Nanahimik na ako pagkatapos nun, nakarating na kami sa mall. Dumaan muna kami sa department store para bumili ng medyas, nakasandals lang kasi ako ngayon kaya hindi ako gumamit ng medyas. Kailangan daw kasi yun kapag magske-skating ka. Tss.
Pagkatapos bumili ng medyas, pumunta na kami sa ice skating rink. Walang tao sa loob ng rink, anyare? Bakit dati halos mapuno 'to ng tao? O____o
"Err, Cloud, baka naman sinara nila 'tong skating rink, tignan mo, walang tao oh." sabi ko habang nakahawak sa arm ni Cloud, di pa rin kasi ako marunong magbalance ng sarili ko.
Ngumiti lang siya sa akin, wow ha, ang tinong sagot.
Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya, "H-hoy! C-Cloud naman ee! B-baka matumba ako!" tinawanan niya lang ako. I did my best to stood still pero in the end, natumba nga ako. Epal talaga 'tong Cloud na 'to.
"Nakakainis kang lalaki ka!" di ko na sinubukang tumayo, baka madapa lang ulit ako, ayaw ko ngang magkapasa =_____=
Lumapit siya sa akin at binuhat ako pataas, "Haha, tara na nga, tuturuan na kita."
***
Sa wakas! Natuto din akong magskating, nakakapagod siya pero napagtyagaan naman ako ni Cloud kaya naturuan niya ako ng maayos. Hehe, ang galing niyang teacher!
At dahil dun, ililibre ko siya sa pagkain, nagdrama pa nga yun para lang makalibre. Tss. Pinagbigyan ko naman, kawawa naman ee. Haha.
***
Jodie's Note:
Yung wattpad ko lang ata sa lappy ko yung sira kaya di ako makapag-UD. HAHA. Ibang lappy gamit ko ngayon, at ayan, may UD, chenen!
Walang kathrill thrill dahil sa mga susunod pa yung thrill. =))
Salamat sa mga sumusuporta! Sorry ulit sa short UD ^^
BINABASA MO ANG
[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)
AcakCan we really survive this kind of relationship? Paano kung may humadlang sa aming dalawa? Si Dylan, bitter at sweet. Malakas ang moodswings niyan. Kapag tinamaan ng selos, nakupo, ang hirap makipagbati. Pero kahit ganyan, mahal ko yan. >3< --- Endi...