Chapter 26.3

1.4K 12 9
                                    

Chelle

Lechugas, hudas, barabas, punyemas! Nakakaasar ka Roxanne! >_____<

Dinala ako palabas nung mga guards niya, tss, forever weak talaga yung babaeng yun. Hindi niya ata kayang mabuhay ng walang bodyguard na nakapaligid eh.

"Bitawan niyo nga ako! I can handle myself!" sigaw ko at binitawan na nila ako, dumerecho na ako sa bahay, nakasalubong ko si Kuya, may hawak nanaman siyang bote ng alak. Inagaw ko sa kanya yun na ikinagalit niya.

"Hoy, akin na nga yan!" sabi niya. Baliktad 'tong si Kuya eh, kapag lasing straight magtagalog, kapag naman matino, dun sa siya nagiging alien. 

"Ayoko nga! Ilang araw ka ng naglalasing, di ka ba naaawa sa sarili mo ha?!"

"WALA KANG PAKEALAM SA GINAGAWA KO SA SARILI KO, KAYA PWEDE BA, UMALIS KA NA?!" sigaw niya tapos ay tinulak ako kaya nabitawan ko yung bote. Nabasag tuloy siya at nasugatan ako sa paa, natalsikan kasi ng bubog eh.

Umalis na siya sa harapan ko, ako naman, tulala.. si Kuya na ba talaga yun? -____-

Naglakad ako papunta sa upuan at umiyak, ang sakit ng paa ko... pero mas masakit yung sinabi ni Kuya.. ba't naman ako mawawalan ng pakialam sa kanya, e kapatid ko nga siya diba?! 

Dahan dahan akong naglakad papunta sa banyo, masakit pero kaya ko pa naman... Kinuha ko yung first aid kit at ginamot yung sugat ko.

"WALA KANG PAKEALAM SA GINAGAWA KO SA SARILI KO!" tumatak sa isip ko yung sinabi ni Kuya.. Grabe talaga ang naidulot ng break-up nila ni Roxanne. Mahal na mahal niya pala talaga yung bruhang yun. Tss.

Nung nabalutan ko na ng bandage yung paa ko, umakyat na ako papunta sa kwarto ko, tinignan ko yung pinto ng kwarto ni Kuya, nakasara lang iyon... napabuntong hininga na lang ako..

***

Nandito na ako sa school, hirap na hirap akong maglakad. Ang sakit pa rin kasi ng paa ko, may bumaon pang bubog pero natanggal ko na rin naman.

"Oi, Chelle! Anyare sayo?!" tanong ng bestfriend kong lalaki na may gusto 'daw' kay Roxanne. Tss. Ano bang meron sa babaeng yun? Puro kabwisitan lang ang dulot nun sa mundo eh!

"Wala! Wala kang pakealam!" sabi ko tapos ay naglakad papalayo. Naaalala ko lang yung nangyari kahapon eh, lechugas na Roxanne yun, sa susunod na pagkikita namin, sisiguraduhin kong mawawala na siya sa mundo *evil laugh*

Joke lang, di naman ako mamamatay tao noh, papahirapan ko lang siya, in my way, of course. MWAHAHA.

Napapangiti ako sa mga kasamaang pinaplano ko, patay ka talaga sa akin Roxanne, I'll prove to you na sa akin talaga ang huling halakhak. MWAHAHA.

Ay tanga, natapilok pa ako, sayang yung moment eh! Kumirot yung paa ko, aish. Ang aga naman atang karma 'to?! Tinraydor agad ako. Dapat si Roxanne ang kinakarma at hindi ako, pssh -____-

"Oi, ayos ka lang?!" tanong ulit ng bestfriend ko, sinundan niya pala ako, hindi man lang nagsalita. Akala ko iniwan na ako eh -____-

"Sa tingin mo?! Tss." sabi ko tapos ay pinilit na tumayo. Shiz, dumudugo nanaman!

"Hala, hala hala! Di ka naman okay eh! Tara na nga sa clinic! Ano nanaman kasing ginawa mo?!" sabi niya tapos ay binuhat ako bigla. Napatingin tuloy yung mga tao sa amin, aish!

***

Pinauwi na ako nung nurse, mahihirapan lang daw ako maglakad, edi nagpasundo naman ako, ayokong magcommute. Di ko na nga maigalaw ang paa ko eh -____-

Iniwan na nanaman ako nung bestfriend ko, may klase pa kasi siya eh. Bale absent na ako sa buong klase ko. Habang naghihintay sa waiting area dito sa school, may napadaan na tatlong babae. Huminto sila sa tapat ko at ngumiti yung nasa gitna.

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon