Proluge

4.2K 68 2
                                    


"Akala ko ba malakas ka talaga ngayon mo patunayan kung malakas ka nga ano natatakot ka kasi di mo na ako kayang labanan.

Eh wala ka pala eh pakitang tao ka lang pala eh. "


Lumaban ka Annah lumaban ka


Teka kaninong boses yun, sino ka pwede bang mag pakita ka sa akin.


"Di mo ako makikita Annah pero lumaban ka di lang para sayo para na rin sa mga taong gusto mong tulungan."


"Gamitin mo ang mga bagay na natutunan mo sa labas ng paaralan na to, alam kong mas malakas ang mga tao dito sa loob ng paaralan pero gamitin mo ring ang mga natutunan mo sa labas ng paaralan bago ka pumasok sa paaralan na ito."


Teka paano di ko to kaya.


"Basta lumaban ka"


"Lumaban ka para sa mga estudyante dito"


Hanggang sa nawala ang boses nito.


Teka lang wag mo akong iwan sa madilim na lugar na to tulungan mo akong maka alis dito. Tulong naman oh..


"Wala nang nakakarinig sayo dito wala na sila dahil isa isa ko rin silang pinatay at susunod ka na rin sa kanila.

Make a wish first bago kita patayin."


"Wag kang maniwala sa mga sinasabi niyan.Run Annah run tumakbo at tulungan mo yang sarili mo"


Wala akong ginawa kundi ang tumakbo ng tumakbo, ngayon ko lang rin napansin na naka suot pala ako ng gown na kulay itim.


Basang basa na rin ako dahil sa malakas na ulan, hanggang sa wala na akong matakbuhan kaya napa upo nalang ako at wala ng nagawa kundi ang humagulgol.


Ayaw ko na tama na, please.. tama na ilayo muna ako dito please


"Shhhh.. I promised ilalayo kita dito, wag ka ng umiyak ipikit mo lang yang mata mo."


Sino ka ilayo mo na ako dito


"Hindi kita iiwan .. promise ko yan sayo basta lumaban ka rin.. kasama ako"

Pangako natin yan .. kaya natin to ..

Di kita iiwan..

Sa mundong punong puno ng kamatayan at kasalanan kaya mo pa bang manirahan sa paaralan na to ..

Yan ang mga salitang binitiwan niya matapos ang lahat ng nangyari.


Shit isang masamang panaginip lang pala pero teka sino ba yung lalaking yun kung sino ka man salamat dahil buhay at gising pa ako, sana makita tayo muli.

___________________________________________

Follow me on:

Facebook: annahfarinah

Twitter: annah_espanto

Instagram: annahfarinah

Death Hell UniversityWhere stories live. Discover now