Chapter 16: Behind the Mask
Nagising na lang ako bigla sa isang kakahuyan. Masukal na lugar teka sa likod ng DHU ito ah at bat ako andito ang tanging alam ko kasama ko si Supremo teka ano bang nangyari.
Nakagapos ako sa nag- iisang silya sa gitna ng kagubatan na ito. Dapit hapon na.
Ilang oras ba akong tulog teka tulog ba ako o nawalan nanaman ako ng malay?
Nakatakip ang aking bibig ng tela. Hindi naman na ako nag abalang sumigaw, nakatali ang bibig ko at wala ring makakarinig sa aking at kung meron man ay alam kong mag dadalawang isip silang tulungan ako lalo na at hawak ako ng isang sa mga myembro o kinakatakutan sa school na to.
Nag –uusap ang dalawang lalaking dumukot sa akin na nakamaskara pa rin hanggang ngayon. At napagtanto ko isa sila sa DH na mga myembro.
"Sinaktan niya si Queen, ano kayang gagawin sa kanya ni boss?"
"Kamatayan. Malamang doon na ang bagsak niya."Rinig kong bulungan nila, bakit di lang man ako nakaramdam ng takot sa mga oras na to. Totoo ba ang sinasabi nila, alam kong nakasali na ako sa underground battle pero parang may kakaiba.
"Wala pa kasing nagtangkang saktan si Queen, and this newbie just slapped her hard.
Merciless"
Sinusubukan ba nilang talagang iparinig sa akin para matakot ako? Well, sorry but I already accepted my death, matagal na, simula nang maka pasok ako rito.
Napayuko na lang ako dahil nangagawit na ako. Darating pa ba ang boss 'kuno' nila? Nagagawit na ako, kung papatayin nila ako bat pa nila pinapatagal, dapat ay kanina pa.
"Why so selfish Anna? Hindi mo man lang iniisip ang nararamdam ng mga taong nag mamahal sayo, napakamakasarili mo!"
Bigla kong naaalala ang lintaya ni Trixcia isa sa mga kaibigan ko at kasamahan ko sa underground battle kung andito lang siguro siya malamang at di niya ako pababayaan mag isa.
Hindi pa ako maaring mamatay. Not now, not unless, sila mismo ang tumalikod sa akin.
Isang pares ng sapatos ang nakita ko sa lupa dahil nakayuko ako. Iniangat ko ang aking tingin at tumambad sa akin ang isang lalaking mukhang addict. Maraming earing, tattoo sa katawan at nakatakip ang isang niyang mata. Is this Dawn Dalton McCalman? Teka bat parang nag iba itsura niya o di ko lang nakita dati dahil lagi syang naka jacket.
"Siya na ba?" Tanong nito.
Kumunot ang nook o. bakit ganon? Wala akong kahit na anong mababakas sa boses nya? I must be trembling in fear! He is a demon but how come?
There something wrong here!
"Yes boss", sagot ng isa sa dalawang lalaking dumukot sa akin.
Ngumisi ito sa akin at tinanggal ang telang nakatali sa aking bibig. Hinawakan nya ang panga ko na animo'y babasagin nya na ito. Nangiginig pa ang kanyang kamay.
May mali talaga rito. Ramdam ko, isang malaking mali.
"Bitch"
Napayuko ako nang sampalon nya ako. Nalasan ko ang kalawang sa aking labi na sa tingin ko ay dumudugo na dahil sa pagkakasampal nya. I must say it fucking hurts.
"How dare you?!"
Muli akong napapikit nang sampalin niya ako. Ang hapdi nang aking pisngi, namamanhid na rin ata ito dahil sa lakas ng pagsampal nya.
YOU ARE READING
Death Hell University
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, scary, bloody, and shitty. Entering is the other way of killing yourself. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is near to you...