The Queen Bee
Annah Pov.
Nang andito na ako sa dorm ko ay naligo muna ako at kumain na rin. Makalipas ang isang oras nag pasya akong magbihis ng damit nag suot ako ng itim na pantalon at itim na damit pang-itaas. Nag suot na din ako ng jacket para na rin maka- sigurado ako, dinala ko na rin ang kutsilyo ko na dati kong ginagamit sa mga underground battles na sinalihan ko dati. Nilagay ko to sa may paa banda at itinali ko na rin ito.
Masyadong madilim sa labas kaya sinuot ko na rin ang hood ko para matago ko na rin ang mahaba kong buhok ma putol nga tong buhok nato masyadong halata na ako ito.
Alam ko naman na patayan ito eh. Ewan ko ba bakit nila ako inaya sa gabing ito. Wala akong masyadong makitang mga taong pakalat kalat kaya nag pag isipan ko na mag lakad lakad na lang muna. Kung di ka nga talaga sanay sa mga ganitong bagay talagang masasabi mong nakakatakot ang gabing ito pero para sa akin para lang itong ordinaryong daan na walang katao tao o sa madaling salita isa lang itong ware house na luma na.
"Si Annah yun diba"
Teka boses yun ni Amber ah. Pahamak kasi na buhok to, magupit nga to mamaya agad naman ako nag tago.
"Mitch pa tulong nga hanapin mo yun asan na ba yun."
Aalis na sana ako ng bigla muntik na ako matamaan ng dart imbis sa binti ko to tumama ay sa basurahan ito dumiritso. Sigurado akong si Mitch yun, kaya kinuha ko nung dart na tumama sa basurahan at tinago ko ito. Agad ko naman ito binato sa binti ni Amber kaya kusa siyang napasigaw sa sakit.
"Aray Mitch ano ba bakit mo ako pinuruhan, kala ko ba tutulungan mo ako."
"Ano bang sinasabi mo hindi ako yan at wala ang mga myembro ko ditto andon sila sa Gymnasium para sa meeting."
"Eh kung di ikaw sino."
Tatayo na sana si Amber ng bigla kong kinuha ang kutsilyo na tinago ko at itinama ko sa kaliwang binti niya. Napapa iyak na siya sa sakit dahil sa ginawa ko.
"Teka lang Amber ha tatawag ako ng kasamahan ko."
"Hoy Mitch wag mo akong iwan ditto."
Aalis na sana si Mitch ng bigla na lang siya nahimatay dahil sa titig sa kanya teka sino may gawa sa kanya nun napatingin ako sa paligid pero wala akong makitang tao.
Namimilipit pa rin si Amber sa sakit.
Sabi ko naman kasi sayo, kalabanin mo na ako pag malakas kana talaga, ayan tuloy ang napala mo. Queen Bee ka pa kaya niyan. Agad ko naman tinanggal ang kutsilyo ko halos mamatay naman siya sa sakit ibabaon ko sana ulit ang kutsilyo kaya lang naawa ako. Pasalamat ka di ko dinetso sayo malamng sa malamang walang epekto yang dart na tumama sayo dahil nagdugo na ang isang binti mo na walang halong chemical. Ibinalot ko sa panyo ang kutsilyo at ibinalik ulit sa binti ko, So kaya pala ako niyaya ni Jerome na lumabas ngayon well isang masasabi ko Lumalaban lang naman ako ng patas kaya lumaban ka rin ng patas kung gusto sabihin mo kay Supremo na maki pag laban ka sa akin o baka gusto mo ako pa mag sabi, kung isa ka nga Queen Bee na walang tumululong sayo patunayan mo na talagang karapat dapat ka maging isang Queen Bee maiwan na kita.
YOU ARE READING
Death Hell University
Mystery / ThrillerA place where everything is mysterious, scary, bloody, and shitty. Entering is the other way of killing yourself. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is near to you...