It's been a week nang matapos na ang intramurals. Kung ang tinatanong ninyo kung sinipot ko ba ang Vladimir Ho na 'yon, pwes, hindi ko siya sinipot. Ginagawa ko ang lahat para hindi niya ako mahanap. Hindi na bago para sa akin na tinitingala ang magpipinsang Hochengco na 'yon. Tipong hindi pwede mainvolve ang ibang babae sa kanila, maliban kung kamag-anakan ng mga iyon. Kaya hangga't kaya at maaga pa, iiwas ako sa isang tulad niya. Okay lang din na hindi niya magawang isauli ang panyo kong iyon. Ipinapangako ko na hinding hindi ako kakagat sa anumang taktika niya!
"Oh, Inez! Good morning!" masiglang bati sa akin ni Lilah na nakaupo na ako sa pwesto ko dito sa classroom.
"Morning," malamya kong usal. Inayos ko ang aking backpack at inilagay ko iyon sa aking gilid. Inilabas ko din ang aking mga gamit—notebook, libro at ballpen. Mabuti nalang din ay nakaabot ako. Wala pa ang proctor. Istrikto pa naman ang isang iyon.
Tumahimik ang buong klase nang pumasok na ang proctor. Umayos na kami ni Lilah ang upo. Pinapanood ko lang kung paano daluhan ng proctor namin ang kaniyang mesa at ipinatong doon ang hawak niyang mga gamit, lalo na ang kaniyang laptop.
"Good morning!" bati niya sa amin pero hindi man lang nakangiti.
"Good morning, Mrs. Daglit." balik-bati namin sa kaniya.
She scanned the whole place, parang may hinahanap siya. And her eyes darted on me. "Ms. Cabangon, excuse ka ngayon. Pinapatawag ka ngayon sa office." aniya.
Natigilan ako. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lilah na kahit siya ay nagtataka kung ano ang nangyayari ngayon.
"Bring your things now. The directress is already waitng for you." she added.
Napalunok ako't iniligpit ko ang mga gamit ko. Tumayo na din ako't may hesitation ako kung lalabas pa ba ako o magsestay. Nagpahabol pa ako ng tingin kay Lilah. Tumango lang ito sa akin at ginawaran niya ako isang matamis na ngiti na magpapagaan ng loob ko kahit papaano.
Hanggang sa nakalabas na ako ng classroom. Napakamot ako sa aking kilay. Kasabay n'on ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa pinaghalong takot at kaba. Baka may ginawa akong masama nang hindi ko namamalayan. O kaya hindi pa sapat ang ibinayad kong tuition. Huwag naman sana...
Nang nakarating na ako sa tapat ng office ng directresss, ay kumatok ako. May nagbukas n'on. Isang babae, and I think this is her secretary. Nakangiti siya sa akin. "Inez Cabangon, right?"
"Y-yes po..."
Nilakihan niya ang awang ng pinto. "Halika, pasok ka na. Naghihintay na ang directress." aniya.
Lumunok ako bago ako nagpakawala ng hakbang para makapasok ako sa loob ng naturang Opisina. Bumungad sa akin doon ang nakaupong directress. Tinagilid niya ang kaniyang ulo sa akin nang maramdaman niya ang aking presensya. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin. Tipid akong ngumiti pero nang inilipat ko ang tingin ko sa isa pang direksyon ay kusang nawala na parang bula ang ngiti ko nang makita ko ang isang pamilyar—ay, hindi! Kilalang kilala ko ang lalaking ito! What the hell... Anong ginagawa niya dito?!
"Have a seat, Ms. Cabangon," aya niya sa akin sabay itinuro niya ang bakanteng upuan.
Kahit na kinakabahan ako sa mga halo-halong bagay ay pilit kong kumilos ng normal sa harap nila—especially, sa harap ni Vladimir. Damn it, gustong gusto kong tumakbo palabas ng silid na ito at magtago pero hindi ko magawa. Parang may nag-uutos na mas lumapit pa sa kaniya.
Iniiwasan ko ang mga tingin niya sa abot ng makakaya ko! Sa ngayon ay guilty ako sa salang hindi ko siya sinipot sa usapan namin noon...
"Pinatawag ko kayong dalawa dahil kayo ang pinili kong maging representative," panimula ng directress. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Ano daw? Representative ng ano? "Some Universities in Cebu we're inviting some of our students here in this school. They'll holding a psychological research, iyon ang pupuntahan mo, Ms. Cabangon. And a 56th Culinary Competition for Mr. Ho. In short, gagawin ko ding project na ito para sa inyo. Dagdag grade na din iyon para sa inyong dalawa."
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...