Chapter 20

957 19 1
                                    


One year later. Spring.

"Arigatou gozaimasu!" masigla kong sabi nang nakalabas na ang costumer dito sa restaurant. Huminga ako ng malalim at bumalik ako sa ginagawa kong paglilinis ng mga mesa. Part time ko ang pagseservice crew dito. Mabuti nalang ay pinay ang amo ko dito at nakapag-asawa siya ng hapon. Pareho naman silang mabait sa akin, anak na din kung ituring nila sa akin. Ginagawa ko lang din ito para hindi ako mabagot sa condo unit na kinuha pa ni Vlad para hindi na daw ako mahirapan lalo na't malapit lang iyon sa Unibersidad na pinapasukan ko dito sa Tokyo.

Si Vlad ang nagpapaaral sa akin. Lahat ng gagastusin ko ay siya ang gumagastos. Pinapadalhan niya ako ng pera para sa tuition hanggang sa pang-araw-araw kong gastusin. Ginagawa ko ang lahat para mapabuti ang pag-aaral ko. Para hindi ako maging disappointment sa pamilya niya, lalo na sa kaniya. Kinukuha ko pa rin ay Education Major in English. Mabuti nalang ay may inoffer silang ganoon dito.

Malaki ang adjustment ko mula sa pagkatapak ko dito. Umabot ng ilang buwan bago pa ako nasanay. Dito rin ako natuto humawak ng chopsticks. Hindi uso ang Filipino time sa bansang ito. Masyadong disiplinado ang mga tao dito, kaya papasok ako sa Unibersidad nang mas maaga kahit sa trabahong pinapasukan ko.

Tapos na ako sa paglilinis ay napatingin ako sa pinto nang nagbukas iyon. May mga bago ulit na costumer. Tingin ko ay magkasama sila.

"Irasshaimase. Doozo kochira e. (Welcome, this way please)" bati ko sa bagong dating na costumer sabay lahad ko sa daan na papunta sa available na upuan.

"Doomo." aniya saka sumunod sa akin.

Nang nakaupo na sila ay inilabas ko ang sticky note at ballpen para kunin ang mga order nila.

"Aisu-tii ga arimasu ka? (Do you have iced tea?)" tanong ng isa.

Ngumiti ako. "Hai. Gozaimasu. (Yes, we have)" sagot ko.

Tumango ito. "Ja, aisu-tii o futatsu kudasai. (Then, two glasses of iced teas, please.)

"Hai, (Yes, certainly)" saka isinulat ko ang iced tea sa sticky note.

"Sorekara, piza o hitsotsu to pasute o hitsotsu kudasai. (also, one pizza and one pasta, please)" dagdag pa niya.

"Hai, shooshoo omachi kudasai. (Yes, just a moment please)" tinalikuran ko na sila't idinikit ko ang sticky note sa pinto ng kitchen para maasikaso na ang order.

Ilang minuto pa ay bumalik ako sa table na dala na ang mga order nila. Isa-isa ko nang inilipat ang mga pagkain sa mesa mula sa tray. "Doozo, (here you go)" sabi ko na nakangiti.

"Arigatou," sabi nila sa akin.

Tumango ako na hindi maalis ang ngiti ko pagkatapos ay tinalikuran ko na sila.

-

"Aalis na po ako!" paalam ko sa amo ko nang nagsara na ang restaurant. Tapos na din naman ako sa paglilinis kaya pupwede na akong makauwi.

"Oh sige, mag-ingat ka sa pag-uwi, Inez!" paalala sa akin ng amo kong babae.

"Opo! Salamat po ulit!" sinuot ko na ang backpack at lumabas na mula sa backdoor. Inayos ko muna ang kuwelyo ng aking coat bago ako naglakad palayo sa restaurant.

Ang susunod kong gagawin ay mag-aaral pagdating ko sa unit. Medyo pagod na ako ay kinakaya ko pa. Ayokong wala akong maisagot sa klase kung sakaling magpaparecite ang prof namin bukas. Sunog-kilay talaga ang sistema ng pag-aaral dito. Malayong malayo sa Pilipinas pero ayos na rin lalo na't graduating na din ako. Naaadapt ko na din ang ugali ng mga hapon dito. Minsan ay nakakakilala din ako ng mga kapwa ko ding pinoy, ang iba sa kanila ay mga OFW.

Once Upon An Us | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon