Chapter 3

861 30 0
                                    


Chicken stroganoff pasta ang iniluto ni Vladimir para sa amin. Unang subo ko palang, masarap na hanggang sa hindi ko na namamalayan na nag-eenjoy na ako sa iniluto niya. Natigilan ako nang napansin ko na parang hindi man lang nagalaw ang lalaking ito. Sa halip ay nakapangalumbaba habang natitig sa akin. Bigla tuloy umandar ang pagiging concious ko dahil sa kaniya! Bumaba ang tingin ko ay nahagip ng mga mata ko na hindi man lang nagalaw ang pagkain niya! Ibig sabihin, kanina pa niya ako tinititigan?!

"Oh, may hindi ka ba nagustuhan sa gawa ko, ganda?" nag-aalalang tanong niya. "Tell me, magluluto ako ng bago para sa iyo."

Ngumiwi ako pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang diretso sa kaniyang mga mata. "T-tigilan mo na i-iyan..." nahihiyang sambit ko.

"Hm? Ang alin?"

"Na tumitig sa akin." diretsahan kong tugon.

I heard him chuckled. "I can't resist to stare you more, ganda." he said. "Lalo na ang mga luto ko ang nagpapasaya sa iyo. Mas lalo ako nagaganahan para sa culinary contest."

"Baka hindi ako makasama." kusang lumabas iyon sa aking bibig.

"Why?"

"Kahit na sabihin natin na iso-shoulder mo ang mga gastusin doon, at saka, iba nalang siguro ang isama mo—"

"Wala akong ibang gustong makasama, Inez. Ikaw ang gusto ko."

Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa kaniya. "V-Vlad..." iyan tanging masabi ko.

He offer me a sweet smile. "Kung ang ikinababahala mo ay ang tiyahain mo na baka hindi ka payagan, don't worry about it. Ginawan na namin ng paraan iyon." unti-unting sumeryoso ang kaniyang mukha. "Nalaman ko din na hindi pala maganda nag trato sa iyo ng mga kamag-anakan mo doon."

Binawi ko ang tingin ko, tulad ng pag-iwas na pag-usapan ang mga bagay na iyon. Sa lahat ng nakilala ko, siya lang ang nakaalam kung ano talaga ang klaseng magulang para sa akin ang mga tiyahin ko. Kahit ganoon ay pilit kong isinaisip ang mga positibong bagay. Na maswerte pa rin ako kahit papaano dahil pinapaaral pa ako at may bahay na matutuluyan. Wala akong oras para umiyak o magmukmok man. Lagi kong iniisip na kahit makapagtapos lang ako ng senior high, maghahanap ako ng trabaho para pag-aralin ko ang sarili ko sa kolehiyo. Kahit na isuko ko na ang pagiging varsity ko o mag-apply ng scholarship.

"Sorry, kung na-open ko ang topic na iyon." sabi niya.

"Ayos lang," saka ginawaran ko siya ng isang mapait na ngiti.

-

Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta ako na ako na ang maghugas ng pinaglutuan at pinagkainan namin. Noong una ay tumatanggi si Vladimir dahil bisita daw ako, pero talagang giniit ko pa kaya sa huli ay wala na siyang magawa pa kungdi hayaan sa gusto ko. Nagkukwento nalang siya sa tabi ko habang naghuhugas ako ng pinagkainan.

Mayroon daw siyang kapatid, ampon nga lang daw. Pangalan daw ay Harris. Ngayon ko lang nalaman 'yon, hindi ko alam na may kapatid siya. Wala rin ako nababalitaan na nag-aaral ito sa eskuwelahan kung saan kami nag-aaral ni Vladimir.

Nang matapos na ako sa paghuhugas ay magpapasya na sana akong umuwi na. Dahil kasama sa usapan namin na ihahatid daw niya ako, hindi na ako umangal pa. Pero bago man kami makalabas ng bahay ay may isang sasakyan na tumigil sa tapat mismo ng bahay na ito.

"Oh shit." mariin at mahinang mura ni Vlad sa gilid ko na dahilan para magtaka ako. Magtatanong pa sana ako nang bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Mas lalo ako nagtaka ako nang binuksan niya ang pinto sa may ilalim ng hagdan at pinapasok niya ako doon. Wala na rin akong choice kungdi sumunod. Maliit ang espasyo ng silid na ito at doon ko napagtanto na bodega pala ito dahil sa nakakapa ko, mga lumang upuan o ano pa. Nanlaki ang mga mata ko nang malapit na pala masyado ang mukha ni Vladimir sa akin na kulang nalang ay hahalikan na niya ako! "Shh, hindi nila pwedeng malaman ito." sabi niya.

Once Upon An Us | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon