"Nabalitaan ko na nanalo kayo kahapon! Sayang, wala kami ni Elene, sorry kung hindi kami nakapunta para suportahan ka." nalulungkot na sabi ni Naya nang nasa tabi ko na siya dito sa susunod na subject. Minor subject lang naman ngayon at ilang beses ko din naging kaklase sina Naya pati ang kaklase niyang si Elene sa mga minor subjects. Sila pareho ang nag-approach sa akin noong unang araw palang ng klase. Pareho silang mabait, pero may pinagkaiba sa kanilang dalawa. Si Naya ay mahilig mag-aral at nakikita ang dedikasyon niya habang si Elene naman ay maituturing na easy-go-lucky.
"Okay lang, pero salamat na din." nakangiting sagot ko sa kaniya. Wala pa naman ang prof namin ngayon kaya may oras pa para magkwentuhan kahit saglit. "Nasabi mo din naman sa akin na may gagawin kang report, hindi ba? Ayos na 'yon. Teka, nasaan si Elene? Hindi mo kasama..."
Ngumuso siya at nagpangalumbaba. "Naku, sumakit daw ang puson niya. Kaya, hayon, umuwi na sa kanila. Hindi rin siguro siya makakapasok sa part time niya dahil doon." tugon niya.
Sa University of Perpetual Help System - General Mariano Alvarez Campus ako nag-aaral ngayon. Pareho kami ni Gelo nag-aaral dito. Nakahanap kasi ng malilipatang bahay si tita Gerda. Aminadong may takot pa rin akong nararamdaman dahil kapitabahay lang ng GMA, Cavite ang Dasmariñas. Minsan napaparanoid ako. Baka kasi biglang sumulpot si Vladimir sa harap ko isang araw o kaya ang nanay niya.
Pero isiniksik ko sa aking isipan na wala na si Vladimir dito. Ilang taon nang nakalipas at paniguradong nasa ibang bansa na iyon ngayon at masaya na siya kung anuman ang buhay ang tinatahak niya doon. Ipinapanalangin ko lang na huwag na sana mag-krus ang mga landas namin.
Ngayong third year college na ako, malapit na ang OJT ko, kaya kailangan ko nang paghandaan ang sarili ko. Kaunting tyaga pa, makakagraduate na din ako at makakatulong na din ako kina tita at tito sa gastusin kahit na may trabaho na ulit sila. Nagtayo sila ng mini grocery store sa Magra, palengke sila na malapit lang sa munisipyo ng GMA. Mabuti nalang ay nakabangon na din kami kahit papaano.
Sa pagtapos ng klase ay sabay na kaming lumabas ni Naya mula sa classroom. Sa pagkaalam ko ay may part time din siya. Hindi nga lang nabanggit kung saan pero ang tanging nasabi lang niya sa akin ay bata ang tinuturuan niya. Matalino ang batang tinuturuan niya. May dahilan lang talaga kung bakit ibinagsak ang english subject ay dahil sa pagiging rebelde nito sa tatay ng bata. Hindi ko akalain na iba na pala ang mga bata ngayon. Sumsasagi na pala sa isipan nila ang mga ganoong bagay. Sa mga naiseshare sa akin ni Naya ang mga bagay na iyon, malaking tulong na din iyon sa oras na ganap na akong guro.
"Dito nalang ako, Inez. Susunduin pa ako ni jowa. Hihi." kinikilig na sabi niya.
Napangiwi ako. "Nahawa ka na yata kay Elene." kumento ko habang yakap ko ang libro.
"Hindi naman masyado. Saka matino naman si jowa. He's a reserved man, Inez." pahgdedepensa niya.
Bumuntong-hininga ako. "Oh siya, sige. Didiretso na ako ng Gym, may praktis ulit ako, eh." sabi ko. Ako na ang kusang naglakad ng ilang hakbang palayo mula kay Naya pero natigilan ako nang may nakalimutan pa pala akong itanong sa kaniya kaya humarap sa kinaroroonan niya nang nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita akong taong hindi ko inaasahan.
Si Keiran... Ang isa sa mga pinsan ni Vlad...
Kitang kita ko kung papaano ngumiti sa kaniya habang tinutulungan siya ni Keiran sa pagdala ng mga gamit nito. Bumilis nag tibok ng aking puso. Nataranta akong nagtago para hindi niya ako makita. Alam ko sa oras na makita niya ako ay sasabihin nniya kay Vlad kung nasaan ako. Kung saan ako matatagpuann kung sakali.
"S-siya ang boyfriend ni Naya...?" mahina kong tanong sa aking sarili. Ibig sabihin, siya ang tinutukoy ni Elene!?
Sinundan ko lang sila ng tingin habang papalayo na silang dalawa. Patungo na sila sa Parking Lot ng Unibersidad na ito. Ipinapakita ni Keiran ang pagiging gentleman niya para kay Naya. Bigla ako nakaramdam ng kirot sa aking puso nang sumagi sa aking isipan ang mga bagay na nakapagpapaalala tungkol sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
عاطفيةSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...