Nabalitaan kong pumunta ng Baguio si Naya, kasama ang magpipinsang Hochengco. Sembreak ngayon. Nalaman ko iyon nang makita ko ang mga post niya sa facebook. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang mga litrato kung nasaan kasama si Vladimir. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakangiti habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Doon ko din napagtanto na narito lang pala siya sa Pilipinas. Ang buong akala ko ay umalis siya at sa ibang bansa siya nag-aaral ngayon dahil sa kagustuhan ng kaniyang ina.Pero masaya na din ako para sa kaniya dahil nakikita ko na mukhang okay siya kahit litrato lang ang mga iyon. Alam kong magiging maayos din siya sa oras na wala na ako sa buhay niya.
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may nagpop out mula sa messenger. Si Elene.
Elene : Nasaan ka?
Tumikhim ako at nagtipa ng isasagot ko.
Ako : Nasa bahay lang ako. Hindi naman ako naalis. Week off ko din sa practice. Bakit?
Then I hit send. Isinandal ko ang aking likod sa sofa habang naghihintay ng reply niya. Ilang segundo pa ay tumunog ang cellphone ko through messenger. Binuksan ko iyon.
Elene : Kailan ka mag-eenroll? Sabay na tayo. :)
Ngumuso ako. Sa pagkakaalam ko ay may ibinigay na din sa akin si tita ang pera pang-enroll at pambili ng mga bagong gamit daw. Depende na sa akin kung kailan na ako mag-eenroll dahil aalis sila at pupunta ng Davao dahil nakabili sila malawak na lupain doon at gagawin nilang farm. Babalik din daw sila pagkalipas ng ilang linggo. Muli ako nagtipa ng isasagot ko.
Ako : Anytime, pwede na ako. Ikaw ba?
Elene : Anytime din. Balita ko, nakabalik na din sina Naya galing Baguio, eh. Nag-usap na din kami na ngayong araw din siya mag-eenroll. Hapon pa daw siya pwede. Tara?
Ako : Sure.
Nang nasend ko iyon ay agad akong bumaling sa wall clock ng kuwarto ko. Ala una na ng hapon. Kumilos na ako. Naligo at nagbihis. Si Gelo ang bumisibita ngayon sa Mini Grocery store. Biglang sumagi sa isipan ko ang gabi na umamin siya sa akin. Tinanggihan ko siya. Buong loob kong sinabi iyon dahil ayokong maging ipokrito o gamitin man siya para maibsan ang sakit. Kahit suplado siya ay naging mabuti pa rin siya sa akin kaya ayoko siyang madamay o saktan man siya. Pero ang kapalit n'on ay iniiwasan na niya ako. Hindi ko lang sigurado kung mananatili pa rin siya dito o babalik na siya ng Naic. Kung balak ba niyang tapusin nalang niya ang pag-aaral dito o hindi.
-
Ang usapan namin ni Elene ay magkikita-kita nalang tayo sa University. Panay text ko na sa kaniya pero hindi naman nasagot. Ang ginawa ko para hindi masayang ang panahon ko habang narito ako ay inasikaso ko na ang mga papel na kailangan kong gawin. Dahil sa varsity player ako, inuna ko munang puntahan ang infirmary para magpacheck. Nagbigay din sila ng ilang katanungan thru interview ng mismong doktor na agad ko din sinagot. Nang naging clear na, inumpisahan ko na agad ang mag-enroll ko kahit sasamahan ko nalang ang dalawa kung makarating man sila.
Nang nakababa na ako galing hagdan ay may dalawang babaeng nakatalikod sa akin. Likod palang, kilalang kilala ko na kung sino ang mga iyon.
"Naya! Elene!" masayang tawag ko sa kanila. Sabay silang napalingon. Nagawa ko pang kumaway sa kanila at lumapit.
"Buti nakita ko kayo! Namiss ko kayo!" sabay yakapan kaming tatlo pagkatapos ay agad din kami kumalas. Nahagip ng aking paningin ang isang lalaki na nasa likuran lang ni Naya. Si Keiran! Hindi ko mapigilan ang sarili kong kumunot ang noo.
"Siya si Keiran, Inez." pakilala niya sa lalaking nasa harap namin.
Damn it. In all place pa talaga, siya pa ang nakita ko! It supposed to be, nagtatago ako ngayon! Shit lang. Wala na, wala nang magagawa. Magkakaila nalang siguro ako na hindi ko siya kilala! Kungwari ay nanlaki ang mga mata ko. "Halaka! May boyfriend ka na nga talaga!" Nilahad ko ang aking palad kay Keiran, I need to be cool infront of him! Hindi niya pwedeng matunugan na ayoko siyang makita! "Hi, I'm Inez, friend ako nina Naya at Elene."
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...