Patungo na kami ni Vlad sa Sky Hall. Doon daw kasi gaganapin ang culinary showdown. Marami na ang mga tao nang madatnan namin dito. Nagpaiwan ako sa isang tabi dahil may kailangan lang asikaso si Vlad para sa registration. Ako na din ang nagbantay ng mga kitchen untensils na gagamitin niya habang wala siya.Sa sitwasyon ngayon. Ako pa yata ang kinakabahan para sa kaniya. Kasi mukhang maraming contestants sa iba't ibang school ang kasali. Medyo nagtataka lang ako kung bakit marami yatang ipinadalang representative ang ibang school samantalang mula sa school namin, si Vladimir lang ang ipinadala? Marami din namang HE student sa amin... Hm...
"Balita ko, kasama daw si Idette Hochengco bilang sa mga judges." rinig ko sa babaeng dumaan sa harap. Hindi man niya direkta sinasabi sa akin dahil may kasama siya, malamang ay doon niya talaga sinasabi. Sa hindi ko malaman na dahilan, ay ginapangan ako ng kaba. Sino si Idette Hochengco? Nanay ba siya ni Vlad? Tiyahin niya? Kamag-anakan?
"Naku, mukhang kasali nga dito ang isa sa mga Hochengco." dagdag pa ng kausap nito.
"Mali, dalawa ang kasali."
Dalawa? Ang pagkaalam ko ay si Vladimir lang ang kasali sa competition na ito. Bakit naging dalawa?
"Inez?"
Natigilan ako nang may tumawag sa aking pangalan. Hindi 'yon boses ni Vladimir. Lumingon ako para kumpirmahin kung sino ang tumawag sa akin. Umawang ang bibig ko nang tumambad sa akin ang isang lalaki na nasa likuran ko. Kung hindi ako nagkakamali, si Finlay Ho ito! Isa sa mga pinsan ni Vlad! Ang pinag-uusapan na ang pagiging misteryoso at suplado na pinsan niya, bukod kina Keiran at Archie!
"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan." aniya.
Matik akong napangiwi. "Hehe, narito ka rin pala..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko!
Ipinatong niya ang isang kamay niya sa kaniyang bewang. "Yeah, kasali din ako sa competition na ito." tugon niya.
Ibig sabihin, siya ang isa pang Hochengco na sasali?! Shoot, bakit nakalimutan ko na HE din ang strand na kinukuha niya? At bakit nakalimutan ko na kilala ang pamilyang ito pagdating sa pagluluto at may food business sila?! "P-papaanong..."
"Pinaasikaso din sa akin ni Vlad ang registration niya dahil may busy daw siya kaya ginawa ko." he paused for a seconds. Tumalikwas ang mga kilay niya. "It means, ikaw nga ang pinagkakabusihan niya."
"G-ganoon ba?"
"Well, see ya around. By the way, sali ka lang sa mga pinsan namin para magcheer sa amin." nilagpasan na niya ako't tahimik siyang umalis. Hinatid ko lang siya ng tingin. Napasapo ako sa aking dibidb. Ngayon alam ko na kung bakit, nalinawan na ako.
"Ganda?"
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Vlad, pabalik na siya dito. "Tapos ka na sa registration?" tanong ko.
Tumango siya. "Chineck ko lang naman kung valid pa ako bilang contestant." then he chuckled. Inakbayan niya ako saka iginaya para pumasok na sa akin sa bulwagan. "Hmm... Magiging kalaban ko din pala si Finlay." nakangising sabi niya.
"Nakita ko nga siya nakita. Sinabi niya sa akin na siya ang nag-asikaso para makasali kayo dito." sambit ko. Tumingin siya sa akin na bigla siyang natigilan. "Oh bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Damn it, bakit nakalimutan ko pang sabihin—"
"Vladimir!"
Sabay kaming napalingon. Laglag ang panga ko nang tumabad sa amin ang isang grupo na nasa likuran lang namin. Sino ba kasing hindi matitigilan kapag nakita mo ang lahat ng magpipinsang Ho?! Paniguradong narito sila para icheer sina Vlad at Finlay!
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...