Chapter 14

807 29 0
                                    


Sa huli ay wala na akong magawa kungdi paunlakan ang gusto niya. Na sasamahan niya kami sa bayan. Noong una ay hindi makapaniwala si Rahel na pumayag ako sa wakas na makasama kay Vlad kahit sa labag man sa kalooban ko. Napapansin ko din kasi ang pagiging close nitong nina Vlad at Vivi, kanina nga ay pinagkamalan pa silang mag-ama. Marami din nagsasabi na mas kamukha ko daw si Vivi which is thankful naman ako.

Hindi naman mabigat ang mga dala namin. Kakaunti pa nga ito. Dahil sa malapit na ang pyesta ay kailangan kong ipadala sa susuplayan ko ang mga gawa ko. Dagdag kita na din ito kung sakali. Kukunin ko din ang pagkakataon na ito.

"Sure kang ito na lahat?" paninigurado ni Vlad nang ilagay niya sa compartment ng sasakyan ang isang kahon ng mga finished product ko. "Wala ka na bang naiwan, ganda?"

Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. "W-wala na..." agad ako umiwas ng tingin.

"Alright, ganda." sinara na niya ang compartment. Medyo nagulat lang ako nang bigla niyang pinulupot ang kaniyang braso sa aking bewang. Rinig ko pa ang pagsipol ni Rahel sa kaniyang nakasaksihan! Jusko, nakakahiya! "Namiss kong gawin sa iyo ito." bulong pa niya.

Hindi na ako nagkumento pa o makipag-argumento pa sa kaniya. Ang tanging magawa ko lang ay tumikhim at tahimik sumakay. Nagsuot na ako ng seatbelts. Si Vivi naman ay nasa backseat. Mismong si Vlad ang nagsuot ng seatbelts para sa kaniya bago man ito tuluyang makaupo sa driver's seat. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan bago kami tuluyang nakaalis ng beach resort.

"Tito Vlad?" tawag ni Vivi sa kaniya habang nasa byahe kami.

"Yes, little angel?"

"Nakita ko po na hinawakan mo si mama sa waist niya. Friends po kayo?" bigla niyang tanong na dahilan para masamid ako ng sarili kong laway!

Rinig ko ang mahinang tawa ni Vlad. Palihim ko siyang sinulyapan. Lihim ko kinagat ang aking labi. Ano naman isasagot ng isang ito sa anak ko? "Hm, pwedeng sabihin natin na more than friends pa kami ng mama mo, little angel." kampante niyang sagot na ikinalaki ang mga mata ko. Walang sabi na mahina kong pinalo ang kaniyang braso. "What, ganda? Totoo naman, ah."

"More than friends?" takang tanong pa ng anak ko! "Papaano po 'yon?"

Ako na sana sasagot nang muling sinagot ni Vlad ang tanong nito. "Dadating na sa point na ikakasal na kami." saka tumawa ulit.

"Vlad! Ano ba 'yang mga sinasagot mo sa anak ko!" suway ko sa kaniya.

"Bakit ganda po ang tawag mo kay mama, tito Vlad? Ayaw mo po ba ang pangalan niyang Inez?" sunod niyang tanong.

"Because she's amazingly beautiful, little angel. Telling that she's worth it."

Hindi ko alam kung bakit parang natameme naman ako sa pinagsasabi ng lalaking ito. Gustuhin ko man siyang suwayin ulit pero naunahan ako bigla ng pagbilis ng pintig ng aking puso. Idinako ko nalang ang aking tingin sa bintana, kungwari busy ako sa pagsasight-seeing. After all these years, he never failed to take my breath away! Palagi siyang may baon na banat o kung anuman!

-

Una namin pinuntahan ang nag-order sa akin. Habang ako ang nakikipag-usap sa costumer ay si Vlad ang nagbabantay muna kay Vivi. Malaki pa rin ang tiwala ko kay Vlad na maalagaan niya ang anak ko kahit ilang minuto lang ako napalingat. Hindi ko lang din inaasahan na pagkakamalan pang asawa ko si Vlad kahit hindi naman. Pansin ko din ang ilang kababaihan na panay tsismis nila sa kasama ko! Hay, iba talaga ang kamandag ng isang ito. Papaano pa kaya kung kasama pa niya ang mga pinsan niya? Eh di sabog na?

Sunod namin pinuntahan ang simbahan. Nagdasal lang kami upang magpasalamat. But suddenly, si Vlad naman ang nag-aya sa amin na magsindi ng mga kandila. Pinagbigyan ko naman. Tig tatlong kandila ang kinuha namin. Si Vivi ay gusto din niyang magtirik ng kandila. Pinagbigyan ko din.

Once Upon An Us | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon