Mas gumaan ang pakiramdam ko nang dumadapo sa aking balat ang hangin mula sa karagatan. Pahapon na at kailangan ko nang pumunta sa dalampasigan para mamulot ng mga korales para gawing bracelet, kwintas, o pangdisenyo sa mga bahay nang kung sinuman ang bibili sa akin. Part time ko lang din ito habang nagtatrabaho din ako dito sa beach resort dito sa Bataan. Oo, dito ako dinala ng mga lalaking iyon. Balak ko man magpakamatay ng mga panahon na iyon pero may isang taong nagsalba ng aking buhay. Si Rahel.Loob ng sampung taon na namalagi ko dito ay malaking tulong na ang ibinigay niya sa akin. Pinakain, pinatira at binigyan ng trabaho. Kasama ang pamilya niya sa pagtulong sa akin para makausad ulit sa buhay. Ilang beses na siyang nagtanong sa akin kung gusto ko bang bumalik ng Cavite at baka hinahanap na ako doon. Pero tumanggi ako. Hindi ko kayang bumalik doon. Dahil makikita ko lang doon si Vlad, at sa oras na malaman niya tungkol sa nangyari sa akin, iiba ang tingin niya sa akin. Aminado ako, natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka mandiri siya sa akin, baka kamuhian niya ako, lalo na't baka mas lalo ako husgahan ng kaniyang ina na si Madame Idette. Alam kong nag-aalala din sa akin si tita pero ito na ang naging pasya ko.
Hindi rin ako nagtapos ng kolehiyo. Mas iniisip ko kasi kung papaano ko bubuhayin ang sarili ko. Tutal naman ay nakapagtapos na ako ng senior high. Para sa akin ay sapat na iyon. At isa pa, hindi ko pa kayang makihalubilo sa ibang tao tulad nang dati dahil naroon pa rin ang takot kaya hindi ako lumalayo sa resort na pagmamay-ari ni Rahel. Ilang beses din ako nangangalangin na sana ay hindi na ako balikan ng mga lalaking iyon.
Galing sa isang mayaman na pamilya si Rahel, noong una ay dinala niya ako sa mismong mansyon nila para doon niya ako manatili, siya din ang kumuha ng magaling na psychologist para mag-undergo ako ng ilang psychological treatment hanggang sa unti-unti na akong nagiging okay. Ang bilin lang ng psychologist sa amin ay iwasan ko lang daw ang mga bagay na makakatriggered sa akin kahit na tapos na ang session ko.
Tumigil ako sa pagpupulot nang napatingin ako sa mga batang masayang naglalaro. Napangiti ako nang tinawag ako ng isang bata doon at kumakaway na tila tuwang tuwa siya sa kaniyang ginagawa. Kumaway ako pabalik. Binawi niya ang kaniyang tingin at ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalaro sa ibang bata. Nakakatuwang isipin dahil malusog ang batang ito at masigla.
Lumipat ang tingin ko sa medyo kalayuan ng sandbar. Tanaw ko mula dito ang mga nakahilerang bangka. Ang mga kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng mga lambat.
Ilang minuto pang nakalipas ay tapos na ako sa pagpupulot. Bago man ako bumalik sa resort ay bumaling ako sa grupo ng mga bata na naglalaro.
"Vivi!" tawag ko sa batang kumakaway sa akin kanina.
Tumigil siya at lumingon sa akin. Kumaway ako sa kaniya upang lumapit na sa akin. Tumingin siya sa mga kalaro at mukhang nagpapaalam na siya sa mga ito. Tinalikuran na niya ang mga ito at umaribas siya ng takbo palapit sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Mama!" sabay yakap niya sa akin. "Uuwi na po tayo?"
Tumango ako. "Oo, anak. May trabaho pa si mama mamaya." hinaplos ko ang kaniyang mahaba at itim na buhok pagkatapos ay sabay na kaming naglakad pabalik ng resort.
"Marami ka po ulit nakuha, mama!" hindi nawawala ang pagiging masigla niya nang napuna niya nag baldeng hawak ko ngayon na naglalaman ng seashells at mga korales.
"Yep. Sana makabenta tayo."
Mas lumapad ang kaniyang ngiti. Humawak siya sa aking kamay at nagtatalong-talon.
Vivian Amarissa Cabangon ang ipinangalan ko sa kaniya. Vivian means life and Amarissa means blessings by God. Oo, noong una, hinding hindi ko matanggap na nagkaroon ng bunga ng masaklap at mapait kong kahapon. Dahil kung ibang ina ako, maaaring ipapalaglag ko ito o kaya ibubunton ko sa kaniya ang galit ko. Pero pilit kong hindi 'yon maramdaman. Dahil walang kasalanan ang batang ito sa nangyari. Inosente siya. Lalo na't takot ako sa diyos. Ayokong kumitil ng buhay. Kaya ipinagpatuloy ko ang pagbubuntis ko kay Vivi. Iniisip ko nalang na siguro may dahilan ang diyos kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito.
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...