Kahit si Naya ay hindi makapaniwala sa nangyari sa akin. I know she feel sad and redemption for me. Hindi ko lang sukat akalain na maski siya hindi niya ako hinusgahan. Tulad ng mga Hochengco, gagawa din daw siya ng paraan para mabigyan hustisya ang nangyari sa akin."Pwedeng gamitin natin ang anak mo bilang isa sa mga ebidensya, Inez." sabi niya, nabanggit ko kasi na nabuntis ako ng rapist ko. "Ang tanging kailangan lang natin ay ang DNA ng bata pati na din ang DNA ng mga rapist para magmatch. Pero alam kong tatanggihan pa rin nila ang anak mo, unfortunately, tatanggapin pa rin iyon ng korte kung anuman ang magiging reaction at alibi ng mga ito, so be prepared."
Inilapat ko ang aking mga labi at tumango. "Nakahanda ako sa anumang mangyayari, Naya." buong-loob kong tugon sa kaniya.
She reached my hand. She hold it tight. "Hindi man halata pero galit na galit ako sa ginawa nila, Inez." matigas niyang pagkasambit ng mga salita na iyon.
Muli akong tumango.
"At saka, nahuli na din naman ang mga rapist mo. Ipanalangin nalang natin na pati ang pinsan mo na utak ng krimen na ito ay mahuli na din para ma-undergo na tayo sa trial. Sa oras na matanggap na ng korte ang kaso mo, papaldahan nila kayo ng suvpeona." dagdag pa niya.
Hilaw akong ngumiti. "Maraming salamat sa tulong, Naya."
Umiling siya. "Saka ka magpasalamat kapag nanalo tayo. Okay?"
Pagkatapos namin mag-usap ni Naya ay sabay na kaming lumabas sa investigation room. Naghihintay din si Vlad sa paglabas namin. Dinaluhan niya kami. Nag-usap saglit sina Vlad at Naya tungkol sa kaso. Kung ano pang proseso na gagawin. Pagkatapos n'on ay nagpasalamat kami sa kaniya bago umalis sa law firm.
Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "May gusto ka bang kainin bago tayo umuwi?" tanong niya habang papalabas na kami ng gusali.
Tumingin ako sa kaniya saka binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "Hm, sa totoo lang, hindi ko alam, Vlad. Hindi ko naman nararamdaman kung gutom na ba ako o busog pa. Siguro dahil sa natetense ako dahil sa kaso na isasampa natin sa kanila."
Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa akin. "Huwag mo munang isipin iyon. Sina Jaycelle na ang bahala para matunton nila ang pinsan mo. Malaki ang tiwala ng pamilya namin sa trabaho niya. Tatawag din naman siya kapag magandang resulta ang ipapagawa natin sa kaniya." dinampian niya ang maliit na halik ang likod ng aking palad.
Inilapat ko ang mga labi ko. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
-
Sa isang restaurant kami sa Tagaytay kami nagpasyang kumain ni Vlad. Agad din kaming dinaluhan ng crew para kunin ang order namin. Siya na ang pinaorder ko ng pagkain kasi wala naman akong alam kung ano ang mga pagkain dito. Habang kausap niya ang crew ay nakaupo lang kami at nakadungaw lang ako sa labas. Pinapakiramdam ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Kahit na may mga guest dito sa resto ay nakakarelax pa rin. Buhat na tumapak ulit ang mga paa ko sa Cavite ay gumaan ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan.
Kanina bago man kami umalis ni Vlad sa mansyon nila ay tumawag ako kina Rahel at Vivi para makausap ito. Nagkakamustahan kami. Sinabi ko kay Rahel na kailangan ko ang mga psychological records ko. Pati ang buhok ni Vivi. Sinabi sa akin ni Rahel na ipapadala nalang niya sa isa sa mga tauhan niya iyon kaysa bumiyahe pa kami ng malayo. Nasabi ko din sa kaniya na tanggap na ako ng pamilya ni Vlad, ilang beses niyang sinasabi na masaya siya para sa akin.
"Malalim na naman ang iniisip mo," bigla kong narinig ang boses ni Vlad na dahilan para mapukaw niya ang aking atensyon. Diretso siyang nakatitig sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. "There's any problem, ganda?"
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...