Chapter 8

745 25 0
                                    


Hanggang sa pagbalik namin ng Cavite, sinikap ko na kumilos ng normal sa harap ni Vlad. Isang malaking kasinungalingan lang ang ipapakita ko sa kaniya na masaya ako sa tuwing kasama ko siya pero sa loob-loob ko, ilang punyal na ang sumasaksak sa akin. Hindi maalis sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Madame Idette Ho sa akin. Kapag hindi ko pa bibitawan si Vlad, maraming tao na ang madadamay dahil lamang sa relasyon namin.

Pinipilit ko si Vlad na huwag niyang ipaalam sa ibang ang tungkol sa relasyon naming dalawa.. Ayoko lang malito ang mga tao dahil kebago-bago palang namin ay nagbreak na kami.

Bakit ganoon? Kung kailan unti-unti ko nang natutunan si Vlad, saka pa dumating sa akin ang ganitong pagsubok? Wala pa nga ay ipinagkait na sa akin ang sinasabi nilang pagmamahal?

Bago man ako umuwi ng bahay ay naisipan kong puntahan si tita sa Talipapa na isang sakay lang mula sa kanto ng bahay namin, may maliit siyang pwesto doon. Ang tinitinda niya ay mga gulay. Pero nadatnan ko doon ay maraming tao na pumapalibot sa naturang pwesto ni tita. Kumunot ang noo ko na dumapo ang aking paningin sa kalsada, mga kalat na gulay, ang iba doon ay mga durog na... May iba din na pinagtatapak-tapakan ng mga lalaking naka-itim na mukhang mga personal bodyguard ng isang sikat na pamilya.

"Tama na! Maawa kayo! Tama na!" rinig ko ang humihikbing tili ni tita sa hindi kalayuan.

Nanlaki ang mga mata ko't dinaluhan siya. Talagang nakipagsiksikan pa ako sa kumpulang mga tao na mga usisero. Hinarang ko ang sarili ko mula sa mga lalaking nananakit man sa tiyahin ko. "Ano bang kasalanan ng tiyahin ko sa inyo?! Bakit sinisira ninyo ang paninda niya?!" lakas-loob kong sabi.

"Walang personalan, miss. Napag-utusan lang din kami." nakangising sabi ng isa.

Napag-utusan?

"Hinding hindi ako magsasawa na ipamukha sa iyo kung ano ang pamilyang Hochengco, Ms. Cabangon. Maaaring sa katigasan ng ulo mo, may madadamay ka na ibang tao. Lalo na ang tiyahin mo at ang pamilya nito. Pag-isipan mong mabuti."

Natigilan ako nang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Madame Idette Ho noong huli namin pagkikita. Kinuyom ko ang aking kamao, kasabay ang pagkagat ko sa aking labi.

Ito ba ang tinutukoy niya? Ito ba ang paraan niya para tuluyan ko nang layuan ang kaniyang anak?

"Tama na siguro 'yan," wika ng lalaki sa kasama nito. "Bumalik na tayo sa mansyon."

Tila walang magawa ang mga na nakausap lalaki. Tinalikuran na nila kami at dumiretso na sila sa puting van na nasa harap lang ng tindahan. Gusto man umagos ang mga luha ko ay hindi ko magawa. Dahan-dahan akong kumawala ng isang malalim na hininga. Sunod n'on ay hinarap ko si tita na ngayon ay nag-iiyak sa pagliligpit ng mga gulay na pupwede pang ibenta. Tumulong ako.

"Pasensya ka na, Inez kung nakita mo ang eksenang iyon." humikhibing sabi sa akin ni tita, may halong hiya.

Tahimik akong umiling. "Ayos lang po 'yon, tita." sagot ko.

Ilang segundo pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tumigil kami saglit. Pinapanood ko si tita na sinagot niya ang tawag na iyon. "Oh, Berto, bakit?" natigilan siya at namutla siya. "Ano? Natanggal ka sa trabaho? Papaano nangyari iyon?!" bulalas pa niya.

Maski ako ay natigilan din sa aking narinig. N-natanggal si tito sa trabaho niya? Papaano nangyari iyon eh ang tagal-tagal na niya sa naturang trabaho na iyon bilang mensahero sa isang kumpanya! Hindi nga siya magawang paalisin dahil maganda ang performance niya sa trabaho tapos sa isang iglap lang, matatanggal siya ng ganoon kadali?!

"Oh sige, sige. Magkikita nalang tayo mamaya. Pag-usapan nalang natin iyan sa bahay." malamyang wika ni tita bago man niya ibaba ang tawag. Napasapo siya sa kaniyang noo saka hinilot-hilot ang kaniyang sentido. "Ano bang nangyayari sa atin? Bakit biglang nangkakaganito?"

Once Upon An Us | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon