Sakto lunch na nang nakarating na kami sa Mactan. Sa Movenpick Hotel pala kami magsestay ni Vladimir. Kung hindi ako nagkakamali, mamahalin ang hotel na ito, lalo na't five star hotel ang isang ito! Minsan napapaisip ako, hindi ba nanghihinayang ang isang ito na gumastos ng malaki para sa pagsestay? Pwede naman sa mga affordable at low-class nalang kami tutuloy.Pero manghang-mangha talaga ako nang pumasok kami sa lobby. Hindi lang mga pinoy ang nakikita ko dito. May mga foreigner din. Siguro mga bakasyonista ang mga ito. Sikat din kasi ang Cebu pagdating sa mga tourist spots and beaches.
"Dito ka muna, kukunin ko lang ang susi ng kuwarto na pinareserved ko, ganda." masuyong sabi ni Vladimir nang iginiya niya ako sa sofa dito sa lobby. "Babalik din ako agad, hm?"
Matik akong tumango at umupo. Hinatid ko lang siya ng tingin habang papunta siya sa reception. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtitingin ko sa loob na ito. Ganito pala ang loob ng mga pangmayaman na hotel. Ganito pala ang pakiramdam. Kasi madalas ko lang nakikita ito sa mga magazines at napapanood sa telebisyon, minsan sa internet pa.
"I'm back," rinig kong boses niya. Agad akong tumingala sa kaniya sabay tayo. "Okay na, ganda. Para makapagpahinga at makakain na tayo."
Ngumiti ako. "Sige," tugon ko. Kukunin ko na sana ang back pack ko nang bigla niyang inagaw niya iyon sa akin.
"Ako na magbubuhat nito, ganda. Bawal kang mahirapan nang sobra."
"Bag lang naman 'yan, Vlad. Atsaka, hindi naman mabigat—"
"Hm, girlfriend na kita, Inez. Huwag ka na magkipagtalo sa akin. Let me, okay?" sabay halik niya sa aking buhok.
Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko sa ginawa niya! Talagang pinagdiinan niya ang salitang 'girlfriend!' Pero bakit parang wala akong nararamdaman na pagkailang sa boses at mga kilos niya para sa akin? Parang nasiyahan pa siya nang sobra sa mga ipinapakita niya para sa akin?
Habang tinutungo namin ang kuwarto na ipinareserved niya, talagang nakahawak pa siya sa bewang ko! Binalewala ko nalang para hindi na magtalo pa. Pero ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi ko man lang magawang umangal sa mga pinanggagawa niya?
Don't tell me, malandi ka na din, Inez?!
"And here we are," he announced once we step in the executive room na kinuha niya. Siya din ang nagbukas ng pinto. Humakbang kami papasok doon. Umawang ang bibig ko nang makita ko ang loob ng kuwartong ito. Air-conditioned, may balkonahe, may lounge, may mini bar, lalo na't iisang kama lang ang narito! King size pa!
"Iisang kuwarto lang...?" nanghihinang sabi ko habang nakatitig sa kama.
"Yep, don't worry, doon ako sa lounge matutulog para maging komportable ka." sabay turo niiya sa sinasabing lounge.
Ngumiwi ako. Kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Aasahan ko talaga na hindi ko siya makakatabi mamayang gabi o sa pagtulog!
"Magpapahatid ako ng lunch. Magsashower ka ba muna?" tanong niya saka kinuha niya ang remote at binuhay niya ang flat-screen tv.
"Mamaya na siguro. Pagkatapos kong kumain." sagot ko habang nakahilata ako sa ibabaw ng kama. Bumangon din ako agad at bumaling sa kaniya. "Ang mahal naman ng kuwarto na kinuha mo, Vlad. Baka maubos pera mo niyan."
Tumingin siya sa akin na nakangiti. "Ganda, kapag ikaw ang kasama ko, ayokong nang basta-basta ang kukunin ko. I'll always choose what's the best for you. Don't mind the money, alright?" masuyo niyang sabi saka mabilis niyang hinalikan ang sentido ko.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Ramdam ko na pagbilis ng tibok ng aking puso sa kaniyang ginawa! Nakakaloka ka talaga, Vladimir Ho!
-
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...