Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nakipagtitigan ako sa kisameng ilang segundo. Nanlaki ang mga mata ko na napagtanto ko na mukhang ibang kuwarto ito. Mabilis akong bumangon pero agad sumakit ang parte ng ulo ko. Shit, ito yata ang tinatawag na hang over! Natigilan ako saglit. Pilit kong inaalala kung nasaan ako. Ano ang mga maaari kong matandaan kagabi. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid na ito. It's a simple yet elegant room. Wala masyadong gamit dito, maliban lang sa cabinet, wall clock, study table at kama na ito ang tanging naririto."Oh, I'm glad you're awake."
Agad akong lumingon sa pinto na nasa kanan ko. Bumungad sa akin doon ang isang lalaki na nakahalukipkip habang nakasandal sa pintuan. Diretso ang tingin niya sa akin. Agad ko binawi ang aking tingin saka inilipat ko iyon sa aking katawan. B-bakit iba na ang suot ko?!
"Walang nangyari, Inez." he said as I heard his foot steps. "Maliban lang sa isang bagay." umupo siya sa gilid ng kama at bumaling sa akin. "Sinukahan mo ako."
Matik nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. What the fuck?! Sinukahan ko daw siya?! H-hindi ba nagbibiro ang isang ito--biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kagabi pagkatapos namin magdrama. Napasapo ako sa aking bibig sabay alis sa kama. "K-kailangan ko nang umalis!" natataranta kong sabi. Nagmamadali na din akong umalis sa kuwartong ito nang mahuli niya ang isang kamay at walang sabi na inihiga niya ako sa kama! "Vladimir!"
"Good morning, ganda." sabi niya saka ginawaran niya ako ng isang matamis niyang ngiti. "Hindi ako nakabati sa iyo."
Hindi ko magawang sumagot. Pakiramdam ko ay parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Ang tanging magagawa ko lang ay tumingin sa kaniyang maamong mukha. Kasabay ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Medyo malapit na din kasi ang mukha niya sa akin! Gustuhin ko man kumawala mula sa kaniya ay hindi ko magawa dahil mukhang nagiging taksil ang katawan ko! Nagagawa niyang kontrahin ang iniisip ko!
"If you asked, narito tayo ngayon sa unit ko, somewhere here in Tagaytay." he added.
Pinutol ko ang tingin ko sa kaniya. Until now, his stares is really irresistible. And please, my dear heart, stop beating!
Ramdam ko nalang na binitawan na niya ako nang marahan. "I have only one rule here, ganda. Bawal kang lumabas ng bahay nang wala pang laman ang tiyan." then he winked.
Wala na akong choice, kungdi kumain na kasabay siya! Dahil pagkatapos nito, aalis talaga ako sa ayaw man o sa gusto niya! Bahala siya!
Nakasunod lang ako sa kaniya paglabas namin ng kuwarto. Dumiretso kami sa Dining Area ng unit na ito. Hindi ko aakalin na malaki pala ang unit na ito! Napansin ko din na maganda ang pagka-organize ng mga kagamitan dito. Malalaman talaga na lalaki ang nagmamay-ari nito.
Hinila ni Vlad ang isang upuan at bumaling sa akin. "Here, ganda."
Lumunok ako't muli humakbang palapit hanggang sa nakaupo na ako sa dining chair. Pati ba naman dito ay nagpapakita siya ng pagiging gentleman. Lihim ako napangiti, hindi talaga nagbabago ang isang ito. Siya pa rin ang Vladimir Hochengco na nakilala at minahal ko.
Bacon, scamble egg, bread and red tea ang nasa mesa. May orange marmalade din na kung sakaling gamitin na ipalaman namin iyon.
Tahimik akong kumain habang siya ay pansin ko ang pagtitig niya sa akin. Ni ayaw niya yatang kumain. Biglang bumuhay ang pagiging conscious ko dahil sa mga titig niya! Tumikhim ako't tumingin sa kaniya. "M-may dumi ba ako sa mukha?" lakas-loob kong tanong.
Muli siyang ngumiti at umiling. "I just miss you, ganda. Tinitingnan ko lang kung ano ang pinagkaiba mo ngayon kaysa sa noong alaga pa kita." umayos na din siya ng upo at ginalaw na niya ang kaniyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...