Umatras ako ng isa kahit na nanatili pa rin ako nakahawak kay Vivi. Bumaba ang tingin ko sa aking anak. Marahan ko itong hinatak saka hinawakan ang isang balikat niya. Tinalikuran namin si Vlad. Kailangan kong lumayo sa kaniya hangga't maaga pa. Habang may natitira pa akong lakas upang makatakas!Dire-diretso kami hanggang sa nakapasok na kami sa tricycle. Walang tigil ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Natatakot ako na baka mahabol niya kami o ano. Sinabi ko din sa driver kung saan niya kami ibaba—sa mismong beach resort ni Rahel. Malaking pasasalamat ko naman dahil matiwasay kaming nakalayo.
"Mama, ano pong problema?" puna sa akin ni Vivi habang nasa byahe kami.
Tumingin ako sa kaniya. Inilapat ko ang aking mga labi ng ilang segundo man ako sumagot. "Wala naman, anak. Nagmamadali lang si mama kasi hindi ba, may trabaho pa ako mamaya?" saka pilit ngumiti para itago ang tensyon.
Hindi ko pupwedeng sabihin kay Vivi kung ano si Vlad sa buhay ko. Alam ko, noon pa man ay matagal nang naghahanap ang anak ko ng kalinga ng isang ama. Hindi ko naman masabi sa kaniya na hindi inaasahan ang pagsilang niya dito sa mundo lalo na't bunga siya ng disgrasya... Hindi ko alam kung papaano ko paunti-unti sasabihin sa kaniya ang totoo.
Hanggang sa nakabalik na kami ng Beach Resort. Nakahinga ako ng maluwag dahil siguro naman ay hindi niya kami matutunton dito. Sana talaga...
"Oh, bakit parang humahabol sa iyo?" puna sa akin ni Rahel nang maabutan niya akong nagbibihis ngayon dito sa locker room. Shift ko na din kasi. "Parang hindi ka mapakali kasi nang bumalik ka na dito."
Huminga ako ng malalim saka humarap sa kaniya. "Nakita niya ako, Rahel." seryoso kong tugon.
Kumunot ang noo niya. "Huh? Sino?" medyo naguguluhan siya.
"Si Vlad."
Nang banggitin ko ang pangalan niya ay rinig ko ang pagsinghap niya. Lumipad pa ang palad niya sa kaniyang bibig kasabay na nanlalaki ang mga mata. "Oh my, seryoso? P-papaano?" pagkatapos ay tumabi siya sa akin
"Siya ang napagbentahan ni Vivi ng mga necklace at bracelet..." napasapo ako sa aking noo. "Mukhang alam na niya na may anak na ako..." pumikit ako ng mariin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagkrus ulit ang mga landas namin, Rahel."
"Kung magtatanong siya, eh di magpaliwanag ka. Ang tanong lang naman d'yan kung... Handa ka na ba?" napangiwi siya. Alam kong nag-aalala siya sa maaaring mangyayari. "Inez, sa oras na ipaliwanag mo sa kaniya ang nangyari... Malalaman mo din mula sa kaniya kung ano ang magiging sagot niya. Kung tatanggapin ka pa rin niya kasama ang anak mo o... Hindi."
Yumuko ako. "Hindi na ako aasa na tatanggapin pa niya ako. Lalo na kapag nalaman ng nanay niya ang nangyari, mas bababa ang tingin niya sa akin. Mas lalo akong hindi nababagay sa anak niya. Tanggap ko na iyon." may bakas pa rin na lungkot nanng sabihin ko 'yon.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hinagod niya ang aking likod. "Basta, kapag inaway ka ng Vlad na iyon, handa akong rumesbak sa iyo. Okay?"
Bumaling ako sa kaniya. Ginawaran ko siya ng isang maliit na ngiti. "Thanks."
-
Alas syete ng gabi ang umpisa ng duty ko kaya ayos lang. Ang trabaho ko ngayon ay maghatid ng mga pagkain ng mga guest. May iba kasing tinatamad na bumaba dahil na rin sa pagod sa kani-kanilang byahe. Wala naman akong reklamo sa trabaho ko dahil mas okay pa nga ito. Pero minsan din ay naglilinis ako ng mga hotel room.
Tulak-tulak ko ang cart patungo sa kuwarto ng bagong guest. Medyo marami ang inorder niya na tingin ko ay marami itong kasama kahit nasa Presidential Suite ito.
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...