In my entire life, I made a promise once.Meron akong coach noong kasali pa ako sa basketball. I really fond on him because he treated me as his son, not only as his student. Tinuturing ko na siyang pangalawa kong ama. Hindi lang siya sa akin ganito, kahit sa mga kateammates ko ay mabait siya pero istrikto lang siya pagdating sa practice.
Pero napapansin ko tuwing nasa practice kami, may lumalapit na batang babae kay coach. May dala itong pagkain sa kaniya. Kita ko pa kung papano pa nagiging malambing ang batang babae na iyon sa kaniya. Doon ko natuklasan na anak niya iyon. Habang tumatagal ay hindi ko na namamalayan kung bakit natutuwa ako sa kaniya sa tuwing napapagawi siya sa practice kahit na hatiran lang niya si coach ng pagkain.
"Ah, ang tinutukoy mo ba ay si Inez?" nakangiting tanong sa akin ni coach, kakatapos lang namin mag-ensayo para sa kompetisyon sa susunod na buwan. Paspasan ang training namin. Hindi rin ako magkaroon ng injury kaya doble ingat pa rin ako "Bakit mukhang interisado ka yata sa anak ko? Ang bata-bata mo pa!" saka tumawa siya, mabuti nalang ay kaming dalawa nalang ang naririto sa gym at ang mga kasamahan ko ay nakaalis na't umuwi na.
Hindi ako makapagsalita. Yumuko ako dahil sa nahihiya ako bigla.
Bigla niyang ginulo ang buhok ko. "Kung sakaling nagdalaga't nagbinata na kayo, maipapangako ko bang hinding hindi mo sasaktan ang anak ko, Vladimir?" may bahid na ng kaseryosohan sa boses niya nang tanungin niya ako ng diretsahan.
Gulat akong tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano bang irereact ko ng mga oras na ito. "C-coach..."
Ngumiti siya sa akin. "Matagal na din kita kilala, Vlad. Nakikita ko na kung gaano ka kapursigido pagdating sa pag-aaral at sa training. Nagagawa mong pagbalansehin ang mga iyon kahit hindi lahat na nasa edad mo ay magagawa iyon." then he pat my head. "Aasahan ko na hinding hindi mo sasaktan ang anak ko, Vlad."
Tumatak sa isipan ko ang mga sinabi ni coach sa akin ng hapong iyon pero kinagabihan din iyon ay dalawang balita ang hindi ko inaasahan. Una ang pagkamatay ni angkong na sanhi ng pagkaatake nito sa puso at ang pagkamatay ni coach pati ang asawa nito dahil sa isang malagim na aksidente. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa ng mga panahon na iyon. Dalawang tao na mahalaga sa akin, nawala pa.
Nagpasya akong bumisita sa lamay ni coach, kasama ang family driver namin. Giniit ko kasi kay mama na gusto kong pumunta. Mabuti nalang ay pumayag siya.
"May nakakita ba kay Inez? Wala siya sa kuwarto niya!" natatarantang sabi ng isang may-edad na babae pagdating ko sa bahay ng mga Cabangon.
Tumigil ako at kumunot ang aking noo. Inez? Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nag-iisang anak ni coach. Bumaling ako sa family driver. "May dadaanan lang po ako. Pakihintay nalang po ako sa kotse. Babalik din po ako agad." sabi ko.
Wala nang magawa ang driver namin kungdi pumayag. Agad kong hinanap kung nasaan si Inez. Hanggang sa napadpad ako sa isang parke.Tumigil ako nang matanaw ko ang swing, may batang babae na nakaupo doon. Nakatalikod ito sa akin. Humakbang ako palapit sa kaniya pero tumigil ako nang marinig ko ang paghikbi niya. Dahil sa kaniyang pag-iyak ay pakiramdam ko ay nabalutan din ng lungkot ang puso ko.
Nakatitig lang ako sa batang babae na nasa harap ko. Sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni coach. Kinuyom ko ang aking kamao. Nagbitaw ako ng isang pangako. Gagawin ko ang kagustuhan ni coach. Na hinding hindi ko sasaktan ang anak niya sa oras nasa takdang edad na kami. Hinding hindi ko siya pababayaan. Poproktekahan ko siya kahit anuman ang mangyari.
Nang tumuntong na kami ng senior high, talagang inalam ko kung saan nag-aaral si Inez dahil doon din ako lilipat. Ang akala ko, ako lang ang lilipat, pati rin ang mga pasaway kong pinsan! Mga istorbo. Ang katwiran nila, family stray, together, stay together. Mga baliw talaga!
BINABASA MO ANG
Once Upon An Us | Editing
RomanceSweet & Possession #9: Unang impresyon ni Inez kay Vlad ay isang preskong estudyante. Sa hindi niya malaman na dahilan, umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ang binatilyo. Kahit ito ay nagtataka kung bakit palagi ito ang pinagbubuntungunan...