Chapter 16

899 24 0
                                    


Sa Guest Room ako hinatid ni Vlad, nakasunod lang ang iilang pinsan niya sa amin. Pagdating namin sa mismong loob ng silid ay pinaupo muna nila ako sa gilid ng malapad na kama na ito. Bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan at awa para sa akin. Pinaghalong balisa at naguguluhan ang nararamdaman ko. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko. Gusto kong tanungin si Zora kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon sa gayon ay maganda naman ang ipinapakita ko sa kaniya? Nagawa ko lang naman makialam sa kaniya dahil maling landas ang tinatahak niya. Nililigtas ko lang siya sa kapahamakan.

"Natawagan ko na si Naya, bukas na bukas din ay pupunta siya dito para makausap niya si Inez." rinig kong seryosong sabi ni Keiran kay Vlad.

"Thanks, cous."

"Don't mention it. Ang importante ngayon ay makuha natin ang hustisya sa nangyari."

"Gagawa pa rin kami ng paraan para makatulong, Vlad, Inez." si Kalous naman ang nagsalita. "Papunta na si Harris dito, pati na din si Vaughn."

"We will used our connections to track her, cous." segunda pa ni Archie.

Naputol ang pag-iisip ko nang may isang kamay na marahang humawak sa akin. Nang maiangat ko ang aking tingin ay mukha ni Fae ang tumambad sa akin. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin pero naroon pa rin ang awa at kalungkutan sa kaniyang mga mata. "Hindi kami titigil hangga't hindi namin natagpuan ang mga hayop na iyon, lalo na ang pinsan mo."

Tango lang ang naging tugon ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko man magpasalamat sa malaking tulong na inaalok nila sa akin, hindi ko magawang isaboses iyon. Ang importante lang sa akin ngayon ay kailangan kong makita nang harap-harapan si Zora. Gusto kong malaman ang side niya. Kung bakit nagawa niya sa akin ang bagay na iyon? Kung ano ba ang nagawa ko at kailangan pa niyang iabot sa punto na iyon.

Nalaman din nila tungkol kay Vivi. Hindi ko inaasahan na dadaluhin ako ng magpipinsan ay yayakapin nila ako, including Jaycelle. Rinig ko ang paghikbi nila ni Fae. Alam kong mas lalo nadagdagan ang awa na naramdaman nila para sa akin. Pero ang mas hindi ko pa aakalain na sasabihin nila na tanggap pa rin nila ako sa pamilyang ito. Kahit na isa na akong disgrasyadang babae. Doon ay muli ako napaiyak. Bakit sobrang bait ng mga ito? Bakit hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa akin?

"Kailangan mo nang magpahinga muna, Inez." malumanay na sambit ni Fae. "Hahatiran ka nalang namin ng pagkain dito, ha? O kaya sumabay ka na sa amin kumain ng dinner."

Hilaw akong ngumiti. "Kahit dito nalang ako kumain, Fae. Nakakahiya—"

"Inez, ikaw na ang babaeng papakasalan ng pinsan namin. Huwag kang mahiya dahil magiging parte ka din ng pamilyang ito. Sooner or later. Alright?"

Kahit papaano ay napangiti ako. "Salamat, Fae."

Isa-isa na nagpaalam ang magpipinsan. Ang tanging naiwan nalang ay si Vlad. Siya na ang nagsara ng pinto at humarap sa akin. Dinaluhan niya ako't marahan niyang hinawakan ang aking kamay. Hinalikan niya iyon. Pinapanood ko siya sa kaniyang ginagawa.

"Maraming salamat sa tulong mo, Vlad..." sa wakas ay nagawa kong sabihin sa kaniya iyon.

"Kapag problema mo, problema ko na din, Inez." hinawi niya ang takas kong buhok saka isinabit niya iyon sa aking tainga. Pinagmamasdan niya ang aking mukha. Bumaba ang tingin niya sa aking leeg. Kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Where's the necklace?" malumanay niyang tanong sa akin.

Natigilan ako. Kinapa ko ang aking leeg. Nakalimutan ko na binigyan pala niya ako ng kuwintas noong nasa Cebu kami. Regalo daw niya sa akin iyon at palatandaan iyon na girlfriend na niya ako ng mga panahon na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, chinese character ang nakaukit doon. Ang sabi lang sa akin ni Vlad noon, Ai ang nakasulat doon na ibig sabihin ay love. Pero kahit lumipas na ng sampung taon, ay tanda ko pa rin ang hitsura n'on. "Naiwala ko yata, Vlad." yumuko ako. "S-sorry..."

Once Upon An Us | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon