Chapter 14 : Christmas Season

59 13 0
                                    

I yawned, "Goodmorning world!" sigaw ko saka umunat unat.

Nagising ako ng walang katabi, ang agap akong iniwan ni mama sa kwarto. Pumasok muna akong banyo para ayusin ang sarili ko pero hindi na muna ako nagpalit ng aking suot. Pagbaba ko ay nakakalat ang mga pinsan ko sa living room at gaya ko mga nakapantulog pa silang lahat. Mga gulo pa ang buhok at ang iba ay nakatulala pa. Nang sumilip ako sa kusina ay andoon na ang mga tita's at mama nag hahanda ng makakain.

"Tulog pa ang mga tito?" tanong ko sa kanila.

"Ayan gising na pala si katherine" sabi ni mama.

"Oo mga tulog pa anak" sagot ni tita michelle. Asawa ni tito Joshua, magulang ni kuya noah at kuya shiloha.

Bumalik na ko sa living room at umupo sa tabi ni ate lina at ate stacey. "Goodmorning everyone" sabi ko sa kanilang lahat pagkaupo ko.

"Goodmorning" sagot din naman nilang lahat sa'kin. Pareho ng may hawak ng cellphone ang dalawang katabi ko. Saktong upo rin naman ni shoti sa sofa'ng inuupuan namin. Malawak at malaki ang sofa at may space pa, nasa dulo umupo si shoti at tumulala lang, gulo-gulo pa ang buhok nito. Ang gwapo ng pinsan ko.

Ang iba ko pang kuya kasama si Michael doon ay mga nakatulala pa rin tulad ni shoti kaya naisipan ko na lang muna na tumayo at bumalik ulit ng kusina. Tulog pa pala si lino. Nakinig ko lang nang datnan ko ang kusina, gising na rin si tito joshua at tito leo.

"Mga nakatulala pa ang tao dun ah" tinatamad na sabi ni tito joshua at nagkusot ng mata. Ibinaling nito ang tingin sa'kin, "Goodmorning katherine"

"Good morning po, tito" ganting bati ko.

"Iha gayatin mo na lang muna ito." sabi ni naman ni tita lacey na itinigil ang ginagawa niya, agad naman akong sumunod.

Buti na lang marunong ako sa gantong bagay, kasi lahat naman kami sa pamilya namin marunong magluto dahil hindi pumapayag si mamita at lolo na walang marunong sa'min pagdating sa pagluluto.

Ginayat ko na lang ang mga pinagagayat ni tita tulad ng sibuyas, bawang, patatas, carrots, hotdog, repolyo. Siguro marami na naman silang lulutuin. "Ba't kayo ho ang gumagawa rito?" tanong ko sa kanila nang maalala ko ang mga katulong.

"Pinauwi na muna ng papa at mama ang mga kasambahay dahil yun naman ang nararapat. Holiday season ngayon" sagot ni mama na sinang ayunan nila tito at tita.
Napatango tango na lang din ako.

"Ano anong mga lulutuin po?" tanong ko.

"Sopas muna para sa ating umagahan. Tapos ang iba ay para mamaya, maraming bisita panigurado ang mama at papa" sagot naman ni tito leo.

Ah kaya pala. Ang ibang ginagayat ko ay para sa mga lulutuin mamaya. Iba't ibang gayat ang pinagawa sa'kin at kinuha na ni mama ang mga nagayat kong pahabang carrots at repolyo at hotdog para sa kanilang nilulutong sopas. Natapos ko rin naman ang ginagawa ko at nagintay na lang ako sa kusina hanggang sa matapos. Inutos na sa'kin na ipagising na raw si lolo at mamita, kaya nagtungo ulit ako sa living room.

"Cousins, get in the dining table na raw, mag aalmusal na tayo" sabi ko at dumiretso paakyat sa hagdan para pumunta sana sa kwarto nila mamita pero nakasalubong ko na sila.

"Goodmorning mamita and lolo" sabi ko at inalalayan sila sa pagbaba sa hagdan.

"Goodmorning apo"

"Breakfast na po tayo" sabi ko sa kanila.
Inalalayan ko lang sila kahit malakas pa naman sila hanggang sa makarating na kami sa malaking kusina nila.

Tuwang tuwa ang mag asawa na makita ang mga apo niya na nakahilera na at handa sa pagkain. Umupo na rin ako sa may bandang gitna kung nasan si kuya shiloha at shoti. Kalat kaming magpipinsan at mga tito at tita.

Pay for my first kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon