Chapter 20 : No Answer

62 12 0
                                    

"Can I court you?"

Napalunok ako nang bigla akong tanungin ni corpuz ng ganon. Is he serious? Nangangapa ako ng sasabihin dahil natatakot ako na baka mali ang masabi ko.

Nakita kong napakamot ito sa kanyang ulo at tumawa ng mahina, "I'm sorry. Hindi mo kailangan sagutin"

"Ethan" banggit ko sa pangalan niya.


"I understand kung ayaw mo. Naiintindihan ko kung bawal, pero cally hayaan mo sana ako sa tabi mo. Natatakot ako na baka isang araw makulitan ka na sa'kin at ipagtabuyan mo ko—"

"Alam mo ang oa mo" singhal ko sa kanya.

"I'm just saying."

"Are you sure for your feelings? Baka infatuation lang 'yan manuel" sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at nakita ko ang pagtingin niya sa ibang direskyon.

"Just stay. Yun lang cally"

I chuckled, "At saan naman kaya ako pupunta?"

"Malay mo mag ibang bansa ka na, o kaya lumipat ka na ng school o ng bahay niyo"

Tinulak ko ito dahil sa sinabi niya, "Ang oa mo nga grabe!" natatawang sabi ko.

"Basta cally, ayokong someday magbago ka, baka mamaya nan magkalimutan na eh" sabi nito at tumawa.

"Hindi ako magbabago, tsaka parte na rin kayo ng buhay ko, parang kailan lang din ilang buwan na ang lumipas hindi ko talaga ineexpect na mangyayari 'to— I mean makilala ko kayo gawa mo"

"Gusto mo na ba ko magkwento? I want to tell everything now"
Huminga ito ng malalim at napakamot pa sa kanyang batok.

Magsasalita pa lang sana ako nang magulat ako sa unang lumabas sa bibig niya. "Samantha likes you"

"What?" naguguluhang tanong ko.

He chuckled, " Girl crush ganon, barkada na kasi namin yon noon pa lang, astig kasi talaga non. Pag magkakasama kami lagi ka niyang ikekwento at pinapakita niya sa'min ang pictures mo"

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon, parang hindi ko naman ata nakikita si samantha noong nasa Levi's High School pa lang ako.

"Wala akong pakealam non syempre kasi di kita kilala pero nagandahan kasi—"

I cut him. "May kasama atang pambobola,manuel"

"No! I'm telling the truth makinig ka kasi"

Tumawa naman ako at inintay ang kasunod niyang sasabihin, "Nagandahan ako sa'yo pero sabi ko nga wala naman akong pake kasi nasa iba ang atensyon ko, kay Camila pero noon yon. " Hindi ko alam kung maiinis ba ko o hindi sa kinukwento niya eh.

"Hanggang sa masaktan na nga ako gawa ni camila. Tuwing magkakasama kami syempre nakabusangot ang mukha ko at iniisip ko yung pangloloko sa'kin ni camila, tapos one time na nagkakatawanan na naman sila at ikaw ang usapan ay nakisali na ako, sa tuwing mababanggit ka ni samantha ay nakikisali na ako, nawawala sa isip ko si camila dahil doon ang corny pero siguro crush kita nung time na 'yon."

Nakatingin lang ako sa kanya at nagiintay pa ng susunod niyang sasabihin. Hindi talaga ko makapaniwala sa sinasabi niya ngayon, may nagkakagusto pala sa'kin kahit babae ang sarap sa feeling. Matagal na pala nila kong kilala.

"Na stalk kita isang beses nung magisa na lang ako. Pero naka private kasi account mo kaya wala naman ako masyadong nakita, sakin lang yon na may crush ako sa'yo at di ko sinasabi sa mga kumag at paniguradong mangaasar lang ang mga 'yon. Hanggang sa lumawak na ang naiisip nila at nadare ako ng mga gago— cally wag ka magagalit ha?"

Pay for my first kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon