Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina sa mall. He's Ethan Corpuz at sikat siya sa school namin, yes he is my schoolmate. Hindi ako interesado sa katulad niya baka yan kasi ang isipin niyo dahil kilala ko siya. NO, It's a big NO. Wala akong pakealam sa paligid ko, sa mga sikat na estudyante sa school pero may tenga ako para makinig ko ang mga tsismisan sa daraanan ko or pepwestuhan ko na tungkol sa Ethan Corpuz na yan.
Isa lang akong bagong estudyante sa school na yon pero mukhang andami na atang achievements ng ethan na yon sa school na yon. Mr Debtritt 2019 ata siya if I am not mistaken.
Uulitin ko hindi ako interesado sa kanya pero ang sikat na gaya niya ay talagang makikilala mo kapag pinaguusap usapan siya sa paligid mo at hindi ko inimagine na ganon pala ang isang Ethan Corpuz! Hihiklat na lang basta ng isang babae sa mall at hahalikan? Just wtf, anong ugali ang meron siya. Hindi na siya nahiya mygad. Ang pangit naman ata ng unang pagkakaharap naming dalawa oops hindi sa nageexpect ako ng iba, it's just that—hindi ko inaasahan na mangyayari 'yon.
"Katherine?"
Napabangon ako sa kama ko nang makinig ko ang tawag ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Ma?" sagot ko
"Dinner na baby, andito ang lolo at mamita mo"
"Sige po sunod na po ako ma!" tumayo na ko at sinuot ang tsinelas ko at naglakad papunta sa harap ng salamin.
Nag pout ako at nag kibit balikat. He even called me baby so parang maaalala ko lang ang lintik na pangyayari na yon kung makikinig ko si mama na tawagin akong baby. Shocks. I shook my head at bumaba na ng kwarto ko pagkababa ko naman sa kusina ay nakita ko ang nakangiti kong mamita at lolo at mama sa akin.
"Good evening sa maganda naming apo" malambing na sabi ni lolo nang halikan ko ito sa pisngi. Niyakap ko naman si mamita.
Umupo na ako sa tabi ni mama, "Gabi na po bakit naisipan niyo pa hong pumunta rito." sabi ko sa kanila, nagaalala lang ako.
"Katherine,apo. Miss ka namin ng lolo mo hindi mo ba kami miss?"
Tumawa naman ako sa biro ni mamita, "Mamita naman! Syempre miss po pero ayoko po ng ginagabi kayo sa mga lakad niyo."
"Ha ha ha! Why so sweet my grand daughter"
"Mana sa'yo lo!" biro ko.
"Oh tama na yan, pray na tayo." sabat naman ni mama. Nag sign of the cross kaming apat at isa isang nagbigay pasasalamat sa panginoon. Pagkatapos ay kanya kanya kaming nagsandok ng pagkain. Si mama patitikimin sina lolo at mamita ng ganito ganyan, tas si lolo at mamita naman ako naman ang sasandukan.
"Katherine, kamusta ang School?" lolo.
"Good, lolo. I've finished my assignment bago ako umalis ng bahay kanina." nakangiti kong sagot kay lolo
"Umalis? Saan ka pumunta sa boyfriend mo?"
Bigla akong nasamid sa tanong na 'yon ni mamita kaya sila itong nagbigay sakin ng tubig. Uminom naman ako nito at huminga ng malalim.
"Mamita naman. Bata pa po ako no."
"So you don't have, baby?" sinamaan ko ng tingin si mama.
"Mama naman kung meron man ay sasabihin ko po agad sa inyo pero saka napo muna yan wala pa sa isip ko ma." sabi ko at pinagpatuloy yung kinakain ko.
"That's my Katherine! Ha ha ha! Huwag kang gagaya sa Ate Lina mo."
"Hala si lolo! Dinamay pa si ate lina"
BINABASA MO ANG
Pay for my first kiss
Dla nastolatkówEthan Manuel Corpuz is a popular student in Debtritt University and Katherine Cally Carazena is a new student. Suddenly in a public place, katherine was strolling alone and startled to be pulled and kissed by someone. She recognized that this...