Hindi ko ba alam kung bakit ako tinatamad ngayong araw na 'to. Puyat pa ako dahil alas dos na ata ako natulog tapos ngayon ang agap ko pumasok. Parang kong nakahithit dahil sa itsura ko tapos di pa ako nag ayos.
Ako pa lang ang tao sa room dahil napaagap ako. Narinig ko ang pagkatok ng isang tao sa pinto kaya sinilip ko ito dun sa salamin nung pinto. Napataas ang kilay ko at napatayo para pagbuksan ang nakangiting si liam.
"Good morning" I said.
"Good morning din, agap mo ah" sabi niya at umupo sa teacher's chair.
Humikab ako at tumawa ng mahina, "Ikaw din"
"Nagpunta sa inyo si ethan kahapon?"
Tanong nito, nakaubob siya sa lamesa."Oo. Pinaglaba ko ng sapatos ko" hindi ko alam kung mahihiya ba ko sa sinabi ko pero may part kasi sa'kin na dapat. Natatawang nag angat ng tingin sa'kin si liam.
"Grabe ka talaga, Kathy. Buti napapasunod mo"
"Aba siyempre subukan niyang di sumunod" sabi ko at tumawa. "Can you tell me a story, liam?" bigla namang naimik ko dahil yun yung nasa isipan ko.
"What story?"
"The story of ethan and camila"
Medyo na curious lang ako.
"Okay lang sa'yo?" tanong nito.
"Oo naman!"
"Okay. They met in a birthday party. Well, scenario na mala wattpad at kdrama, natapunan nung isang babae ng juice si camila at eto namang gago naming kaibigan akala mo knight in shining armour. Nilapitan si camila at binigay ang panyo niya. Para pang ewan kasi ganon talaga mga napapanood ko eh! Nagkatitigan ang dalawa parang napana ni kupido! " tumatawa si liam kaya nakitawa na rin ako. Babaw talaga kaligayahan niya.
"Then yun start non inalam namin pangalan ni camila at nagkachat na yung dalawa. Hanggang sa maging close sila pero kung tatanungin mo ko, just from the beginning hindi ko gusto si camila para kay ethan. I don't know why pero yun yung feeling ko eh, nagsimula na siyang manligaw, araw araw ata may bigay na bulaklak at chokolate kay camila ang lokong 'yon eh, tap—"
Door opens
Pareho kaming napalingon sa bagong dating. Nakita kong nagpapalitpalit ng tingin si shoti sa'ming dalawa ni liam.
"Tol" bati ni liam.
"Agap ng kwentuhan niyo" sambit naman ng pinsan ko at lumakad papunta sa upuan niya para ilagay ang bag niya.
Epal naman eh, nabitin ako sa kwento ni liam.
"May darating na tournament—" napalingon ako sa sinabi ni shoti, tournament for what?
"Di na talaga tol" nang lingunin ko naman si liam ay kinakitaan ko ito ng ibang aura dahil sa sinabi niya. Kapag masayahin at palatawang tao makikita mo agad yung ibang side nila, yung expression nila.
"Ano'ng tournament?" naguguluhang tanong ko. Close sila? Umawang na ang bibig ni liam para sumagot pero naunahan na siya ng pinsan ko.
"Wala 'yon, nag almusal na kayo?" sabi nito at iniba ang usapan.
Tumango ako bilang sagot at sumagot naman ng hindi si liam.
"Tara sa labas tol"Napaawang ang bibig ko nang tumayo ang dalawa at iniwan ako ditong mag isa sa room. Aba teka, close ba sila? Sa pagkakaalam ko'y hindi. Ako na lang ang umupo sa teacher's chair at umubob sa lamesa. Hindi kasi ako sanay na nalelate kaya eto laging ang agap ng pasok ko. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na ko sa upuan ko dahil sunod-sunod ng nagdadatingan ang mga kaklase ko. Mga mukha ring nakahithit gaya ko, ang mga mata ay mapupungay dahil sa kakulangan siguro sa tulog tulad ko.
BINABASA MO ANG
Pay for my first kiss
Teen FictionEthan Manuel Corpuz is a popular student in Debtritt University and Katherine Cally Carazena is a new student. Suddenly in a public place, katherine was strolling alone and startled to be pulled and kissed by someone. She recognized that this...