Chapter 21 : Louis Martin Broke Liam's Hand

53 11 0
                                    

Few years ago...

THIRD PERSON'S POV

"May laro kami mga ulol kung panoorin niyo na lang ako" ani liam sa mga kaibigan at kumuha ng nachos na nasa lamesa.

"Masyado ka ng maraming supporters. Di mo na kami kailangan" sabi naman ni rhev na nag cecellphone.

"Ohh. Look!" napatingin ang tatlong lalaki kay samantha na papalapit sa kanila hawak hawak ang cellphone nito.

Sila naman ay lumapit kay samantha para tingnan ang ipinapakita nito. Doon ay nakita nila ang bagong ipinost na picture ni shoti sa facebook. Naka wacky face ito kasama ang mga pinsan niya.

"Anong meron diyan?" masungit na tanong ni ethan sa mga kaibigan at tamad na sumalampak sa sofa.

Wala itong pakialam sapagkat inis siya sa kaibigan ni liam na nakilala dahil sa paglalaro ng lawn tennis. Laging may nabubuong tensyon kapag nagkakaharap ang dalawa at hindi niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi maganda ang timpla niya kapag nakikita niya at naririnig niya ang pangalan ni shoti.

"Magpinsan pala sila" sambit ni samantha. Bumalik naman ang dalawa sa kanilang inuupuan kanina.

"Sino?" tanong ni rhev.

"Si carazena at yung kaibigan nga ni liam"

"Sino naman yun?" liam

"Aa yano 'tong mga ito! Wait lang sesearch ko" naiinis na sabi ni samantha at nagtype sa kanyang cellphone para isearch ang account ni katherine.

"Here" ipinakita ni samantha ang picture nito. Sabay na tumingin ang dalawa habang si ethan naman ay nakapikit lamang at nakikinig sa ginagawa ng mga kaibigan niya. Badtrip din ito dahil isang araw ng hindi nagpaparamdam sa kanya ang nililigawan niya si camila.

"Woah"

"Puta samantha carazena rin 'yan?" nagugulat na tanong ni liam matapos makita ang larawan ni katherine.

Tumawa naman si samantha," Ang ganda diba?"

"Matagal ko ng nakakasama si shoti pero di ko alam na may pinsan siyang ganan kaganda" sabi ni liam na akala mo'y nababano.

"Ang plastic mo tol" sabat ni ethan.

"Wag ka sumabat di ka kasali!" pang aasar ni liam.

Nilapag sandali ni samantha ang cellphone niya sa lamesa dahilan para mapabaling ang tingin doon ni ethan.
Bigla namang nag ring ang cellphone nito kaya dali dali niyang sinagot ito, lalo na nang pangalan ni camila ang nandodoon.

"Love naman, bakit di ka nagpaparam-"

"I'm sorry love hindi na po mauulit"

"Labas tayo bukas gusto mo?"

"Sure why not?"

Biglang lumaki ang ngiti ni ethan dahil doon. Kaya buong oras ay napapailing na lang ang tatlo dahil sa nakikita nila, mukha na naman kasing bading ang kaibigan nila dahil sa kinikilig ito.

"Love di pa naman sila" pangaasar ni liam.

Masamang tumingin dito si ethan, "Parang kami na rin naman"

"Sus! Di ka nga sinasagot eh magiisang taon mo na yang nililigawan!" usal naman ni samantha.

Napanguso naman bigla ang kaibigan nila, hindi niya rin alam kung bakit hindi pa niya nakukuha ang matamis na oo ni camila. Pero hindi siya pinanghihinaan ng loob dahil alam niyang mahal naman siya nito.

"Tumigil nga kayo! Palibhasa wala kayo eh"

"Aba okay lang" confident na sagot ng dalawa.

"Pero ethan..." napalingon sila kay rhev. Seryoso ang mukha nito at alam nilang walang halong biro. "I don't really like her, gusto man kita pigilan sa ginagawa mo ay diyan ka naman sasaya."

Pay for my first kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon