Third Person's POV
Naiwang tulala si ethan pagkatapos magbitaw ng salita si katherine. Nagulat ito dahil nakita niya kung pano nagalit ito, although galit din naman siya. Pero nakonsensya rin ito dahil sa mahigpit niyang pagkapit kay katherine.
"Ethan" tawag ng mga kaibigan niya.
Wala sa wisyong lumingon dito si ethan at ngumiti lamang ito. "Nasan na yung tatlo?" tanong nito, tinutukoy ang tatlong babae na pinatumba ng dalawang magkaibigan.
"Na kay layla-"
"What?! Ba't niyo pinabayaan kay layla?"
Nagagalit na tanong ni ethan na ikinailing ng tatlo.
"Siguro kung maririnig ni cally 'yan lagot ka. Hindi naman 'yon papatayin ni layla" pagbibiro ni Liam.
"Oh ano nangyari sa inyo?" tanong ni Samantha
Umiling si ethan, "Nagalit siya"
"Tara tara tara sa bahay. Don tayo magusap" singit ni rhev na naiinis na dahil don pa talaga sila nagusap sa tabi ng kalsada eh mausok gawa ng mga sasakyan na dumaraan.
Tinawagan muna nila ang kanilang service at konting oras lang naman ng pagiintay nila ay naroon na ang kanilang inaantay na service. Sunod sunod ang pag akyat sa van ay ganon din ang katahimikan.
"Natatakot na ko" biglang basag ni ethan sa katahimikan.
"Bakit?" tanong ng mga kaibigan.
"Naaawa ako kay cally. Nakokonsensya ako, kaya gusto ko lang maging utusan niya hanggang mawala yung konsensya sa sarili ko"
"Natanong ka na ba niya kung bakit mo ginawa yon?" rhev.
"Alin?"
Ngumuso si rhev para maintindihan ni ethan ang ibig sabihin nito.
"Ah. Sabi ko trip ko lang. Nagalit siya pero mabait si cally, sa totoo nga lang mas marami pa yung beses na ako yung nagkukusa sa kanya kesa siya yung naguutos sa'kin. Mali nga ginawa ko mga gago kasi kayo"
Nagsitawanan ang tatlo sa panghuling sinabi ni ethan.
"Nakokonsensya na rin kami tol. Kaibigang turing na namin si kathy" liam
"Sabihin na kaya natin sa kanya ang totoo? Hindi naman siguro magagalit yun" samantha.
Umiling si ethan. "Saka na. Galit sa'kin sinabihan pa nga ako na sana kaya niyang ibalik yung oras na hindi niya ko kilala"
"Awwww. Saklap" pang aasar ng tatlo. "Ano? Mahal mo na ba?" mapangasar na ngumiti si liam sa kanyang tanong kay ethan.
Umasim naman ang mukha ni ethan, "Nako hindi malabo mga tol"
"Yieeee HAHAHA deny pa more" samantha.
"Nagustuhan nga nagawa mo mahalin pa kaya" liam.
Malakas na nagtawanan ang tatlo dahil sa sinabi ni liam, tanging si ethan lamang ang hindi.
"Ayos din yan. Para maka move on kana kay camila-"
"I will never use cally to forget camila. "
To be continued
BINABASA MO ANG
Pay for my first kiss
Teen FictionEthan Manuel Corpuz is a popular student in Debtritt University and Katherine Cally Carazena is a new student. Suddenly in a public place, katherine was strolling alone and startled to be pulled and kissed by someone. She recognized that this...