Chapter 28 : Today Is His Birthday

45 11 0
                                    

Ethan's POV

Sino ba ako?

Sino nga ba ako? Masyado kasi akong naging confident eh, yun pala baka nga nakukulitan na sa'kin si cally. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon dahil simula nung gabing nasa mansyon kami ng Carazena ay naramdaman ko na yung pagiwas niya. Nung una natuwa pa ako kasi iniisip ko baka kinikilig sa'kin, baka lumalaki na yung pag asa ko but I'm wrong, ramdam na ramdam ko kanina kung gaano niya ko kagustong umalis sa harapan niya. It's hurt, it's fvcking hurts, parang biglang natapakan yung pagkalalaki ko.


"Cally wait!" tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan siya sa braso para pigilan siya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at nakita ko kung gaano siya kainis. Sanay na ako sa katarayan nito pero bakit parang iba ang nasa itsura niya ngayon.

Lumunok ako, "I'm sorry. I didn't mean-"

"Ethan, please"

Kita ko sa mga mata niya kung gaano niya pinapahaba ang pasensya niya sa'kin. "I won't bother you anymore, just answer this one question..."

"Cally"

Nabitawan ko bigla ang braso niya dahil kay louis. Tinalikuran niya ako at lumapit sa lalaking iyon. Cally? Akala ko ba ako lang ang tumatawag na cally sa kanya.

Tinapunan ko ng masamang tingin si louis at saka ko hinila ulit si cally palapit sa'kin.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Layuan mo nga si cally" inis na sabi ko dito. "And please ako lang ang tumatawag na cally sa kanya"

Tumingin lang ito sa'kin pagkatapos ay kay cally na inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.


"Martin, let's go"

Ang sakit. Nasasaktan ako. Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano ka ba ethan? She don't likes you and she won't.


"Ethan kanina ka pa nakatulala? Is there any problem?" bigla kong inangat ang tingin ko kay ate ella.

Umiling ako dito, "Nothing. Baka may hangover pa rin ako" sabi ko at pilit na tumawa.

Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko at nagkulong.

Pangalawang beses na ito na nagmukha akong kaawa awa sa harap ng babaeng gusto ko. Naiinggit ako sa ibang lalaki, nagugustuhan sila pabalik ng babaeng gusto nila kahit hindi sila ganon ka perpekto. Ako? Hindi sa pag iisip, mayaman ako, hindi ako pangit, matalino ako, at marami akong kayang gawin, may respeto rin ako sa kapwa ko tao pero bakit ganon?

Pinikit ko ang mata ko at inilubog sa unan ko. Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko, may tumatawag.


"Hello? Who's this?"

"Kabayong buntis, who's that? Kabayong bunda-"

"I'm not in the mood, liam. Bakit ka napatawag?" sure ako na si liam 'to dahil siya lang naman ang loko loko na nakilala ko. Hindi ako mahilig magsave ng number, kaya kung makikita niyo ang inbox ko puro unknown no. Si cally lang ang nakasave tsaka yung kay mommy at daddy at pati na rin yung kayna mamita.


"Tara sleep over kayo dito. Inom tayo"


"Ayoko" mabilis na sagot ko at pinatayan siya. Inom na naman, baka magkasakit na kami sa gusto nila.

Hindi pa nakakailang minuto at tumunog na naman ang cellphone ko. As usual, unknown no.


"Hello? Who-"

Pay for my first kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon