Ethan's POV
Ilang araw na ba ang lumipas? Ilang araw akong nagkulong sa kwarto at nalipasan ng gutom. Lalabas lang siguro ako ng kwarto kapag nanghihina na ko ng sobra dahil sa gutom.
"Hoy!"
Imbes na sumigaw ako sa gulat ay ipinikit ko ang mata ko sa inis. Hinarap ko si amanda.
"Ano na naman?!" sabi ko. Kakababa ko lang kasi at tulala siguro ako pababa ng hagdan.
"Breakfast na tayo kuya." sabi nito at pumunta sa kusina. Sumunod din naman agad ako at at nakita kong nakangiti si ate ella sa'kin na nakaupo na at mukhang inaantay nga ako.
Humigit ako ng isang silya na para sa'kin syempre at doon umupo. Magkatabi si amanda at ate, ako naman ay kaharap nila.
"Saan nga pala tayo pupunta ate?"
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay ngumiti lang ito. Tiningnan ko naman ng masama si amanda dahil sa pagbungisngis nito.
Kumuha na ako ng sarili kong pagkain at nagsandok.
"By 10 am may pupunta ditong service para ayusan kaming dalawa ni amanda, at ikaw din syempre." sabi ni ate ella na ikinanuot ng noo ko.
"Kuya no more tanong, basta may pupuntahan tayo" sabi naman ni amanda.
Tumango na lamang ako sa kanila dahil ayokong sumakit ang ulo ko para isipin pa iyon.
Ella's POV
Palihim akong tumitingin sa kapatid ko habang kumakain kami. Ang tahimik niya. Hindi siya ganito, siya nga ang pinakamaingay sa aming tatlong magkakapatid kapag kumakaim kami eh, pero kung titingnan ko siya ngayon? Tahimik lang siyang kumakain.
Mataray akong ate sa kanya, lagi ko siyang nasasapok kahit wala namang dahilan pero simula ata ng maging ganto siya ay napakabait ko na ata sa kanya. I can't blame him dahil nagkagusto siya sa isang babae na hindi siya magugustuhan. Gusto ko ngang mainis sa pinsan ni lina pero I chose not to be mad at her. I do like her for my brother ever since, matagal ko na siyang kilala because of lina at hindi ko naman inaasahan na mapapalapit siya sa kapatid ko.
Hinding hindi ko rin makakalimutan ang katarantaduhang ginawa ng magaling kong kapatid..."What?!! Why did you do that?!" I shouted out of frustration. Paano na lang kapag nalaman iyon ni lina at ng mga pinsan niya. Kahit ako ay magagalit din kung may lalaking gumawa non sa'kin.
I will feel disrespected kapag ganon.
Nakatungo lamang ang magaling kong kapatid at hindi nagsasalita.
"I'm sorry ate."
Ilang beses ko yang nasapok dahil diyan. Hindi ko rin nakausap si kathy tungkol don, pero nang magsorry ako sa telepono sa kanya ay enough na siguro 'yon kasi kapatid ko naman ang dapat humingi ng tawad sa kanya. I wasn't expecting na magiging close pa silang dalawa pagkatapos ng nangyari na iyon.
Napailing na lang ako at uminom ng tubig. Naramdaman ko naman ang mga matang nakatingin sa'kin.
"What?" sabi ko sa dalawa kong kapatid.
"Bakit ka umiiling? May problema ka ba ate?" tanong ni ethan.
"No I don't have. Something just popped up in my head para ikailing ko" sabi ko at ngumiti sa kanilang dalawa.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na akong kwarto. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay four missed calls ito from mommy kaya tinawagan ko ang kanyang number.
Wala pa namang ilang segundo ay nasagot na niya agad ito.
BINABASA MO ANG
Pay for my first kiss
Teen FictionEthan Manuel Corpuz is a popular student in Debtritt University and Katherine Cally Carazena is a new student. Suddenly in a public place, katherine was strolling alone and startled to be pulled and kissed by someone. She recognized that this...