Hindi ako makapaniwala. As in, what the hell? I wasn't expecting that! I don't believe in signs, kaya hindi talaga ko makapaniwala. Okay oo, ang kwintas na nasa akin ay ang kwintas na naiwala ni ethan nung grade 6 pa lang sila.
"So you mean, i'm your first love huh?" nakataas kilay kong tanong kay ethan.
"Jusko ang lande!" sigaw ni layla na sinamaan ko ng tingin.
"Dapat na pala akong maniwala sa mga signs na hinihingi kay god. Akalain mo 'yon?" samantha.
"Ibig sabihin non, akin ka na" muntik na kong kiligin sa sinabi ni ethan pero mas pinili kong hindi lalo na't nandito ang kaibigan namin.
"Whatever, ethan. Sa'yo na ang kwintas mo" sabi ko at tumayo para kunin ang kwintas. Inabot ko sa kanya ito pero tinulak niya lang sa'kin ito pabalik. "Sa'yo na 'yan" sabi niya kaya naitiklop ko na lang ang kamay ko na may kwintas.
May tumunog na cellphone at pare pareho kaming napatingin kay rhev na tumayo at lumabas para sagutin ang tawag. Pagkatapos non ay kaniya kaniya silang labasan ng cellphone, at nagkaron ng sari sariling mundo. Napasilip ako sa cellphone ni ethan, nagulat ako nang makita kong wallpaper niya ang picture ko. Napatikhim ako at agad na napaiwas ng tingin nang lingunin ako nito.
"Nice picture, baby. Sorry for getting this picture on facebook without your permission" sabi niya na ikinalingon ko.
"It's okay, ethan. As long as maganda ako sa picture" pagbibiro ko na ikinatawa niya. Kakatawa yon?
Biglang sumagi sa isip ko yung nakita ko noon na wallpaper niya. "Kailan ka naka move on talaga kay camila?" walang prenong tanong ko na nakapagpatigil sa kanya.
"What?" mataray kong tanong dun sa tatlo nang makita kong nakatingin sila. Nag ilingan lang sila at bumalik ulit ang mga tingin sa mga hawak nilang cellphone. "Ethan" sabi ko at tumingin muli sa kanya.
"To be honest, hindi ko alam"
First blood.Bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa sinabi nito. "Noong pinapunta kita dito para paglabahin ng sapatos ko, move on ka na ba non?"
Kunot-noo ako nitong tiningnan, "I guess?" double kill.
"Pero I saw her picture in your wallpaper. Akala ko ba gusto mo na ako non?" pagtitimpi ko.
He cleared his throat, "I-Im-no. Sinisigurado ko lang nung time na 'yon kung naka move on na talaga ako sa kanya." triple kill. So he's lying.
"Then?"
"W-wait cally. I'm sorry, wala na sa'kin si camila at ikaw lang ang gusto ko."
"Why so defensive ethan?"
Kumunot ang noo ko at napangiwi nang may marinig akong sipol ng nangaasar. Pagtingin ko sa mga kasama namin ay agad na nagbalikan ulit ang tingin sa kanilang cellphone. "Narinig niyo 'yon. Narinig niyo, napakasinungaling naman pala ng kaibigan niyo jusko" sabi ko, tinutukoy si ethan. Nag angat sila ng tingin sa'kin at akala mo'y mga inosenteng nagtatanong ang mga mata sa'kin.
"Cally nam-"
"Okay okay. I trust you" sabi ko kay ethan at iniwasan siya ng tingin. Sumama ata ang pakiramdam ko.
"Guys una na ko, I have dinner with my family at baka malate pa ako mamaya" sabi ni rhev na kakapasok lang ulit ng bahay. Tumango kami dito.
"Dalhin ko na yung sasakyan, mag commute na lang kayo pauwi, bye! Salamat kathy!" nagmamadali nitong paalam at umalis.
Nakita ko ang mukha nung dalawa na hindi mapakaniwala. " Malayo layo bahay ko! Ayoko mag commute!" angal ni samantha.
"Lintek talaga yang santiago na 'yan!" sigaw naman ni liam na tinawanan ko.
BINABASA MO ANG
Pay for my first kiss
Teen FictionEthan Manuel Corpuz is a popular student in Debtritt University and Katherine Cally Carazena is a new student. Suddenly in a public place, katherine was strolling alone and startled to be pulled and kissed by someone. She recognized that this...