Chapter 24 : What is this Feeling?

48 11 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Everything is so fantastic! 8pm na and our garden is filled with different color lights at meron pang patugtog! Para kaming nasa party ngayon, pool party and this is so fun!

Ang mga pinsan ko ay may kanya kanyang mundo. Si ate stacey ay nasa dulo ng pool kasama ang friends na dala niya at ganoon din naman si ate lina. Ang tatlo kong kuya na si kuya allastair, noah, and shiloha ay may sariling barkadahan din. Ang 'Corpuz and friends' naman ay kahalubilo ng dalawa kong pinsan na si michael at shoti at ang kaibigan kong si layla.

7 pm nag dinner kami at pagkatapos ay ito na agad ang naabutan namin. May dalawang case rin ng "sanmiglights" at may nakahain na mga pagkain sa isang sulok. Mamita and lolo is the best as always, lagi nila kaming napapasaya ng magpipinsan.

"Hey"

Napahawak ako bigla sa dibdib ko at nagtindigan ata ang mga balahibo ko sa katawan ng bumulong sa tenga ko ang magaling na si corpuz.

"Ano ba manuel! Ginugulat mo 'ko!"
sigaw ko pero hindi niya ito narinig dahil sa lakas ng tugtog.

"What?" tinulak ko ito nang ilapit na naman niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Sabi ko layuan mo ako!!!" sigaw ko malapit lapit sa tenga niya. Nakita ko naman ang pagtawa nito dahilan para makita ko na naman ang ethan corpuz na nakaharap ko sa mall.

Muli na naman nitong nilapit ang bibig niya sa tenga ko, "asdfghjkl"

"What?" nakakunot noo kong sabi nang lumakad na ito papunta ulit sa mga kaibigan niya. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Lumakad na lang muna ako papunta sa kung saan nakalagay ang laptop at ilang speaker, hininaan ko ng kauntian ang tugtog tama lang para magkarinigan ang mga naguusap. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa lamesa kung saan nakahain ang mga pagkain, kumuha ako ng mallows at isinawsaw sa chocolate fountain, halinhinan ko atang tinikman ang lahat ng pagkain pero hindi ko dinamihan dahil baka sumakit pa ang tiyan ko.

What the—

!!!

"Omygod! No!!!" sigaw ko nang maramdaman ko na may bumuhat sa'kin. Humina ang tugtog at pinalitan ng malakas na hiyawan nilang lahat.

"Michael!" sigaw ko dito nang ihuhulog na nito ako sa pool and boom—lumangoy agad ako papunta sa tabi, bwisit ka talaga michael! Masama ako ditong tumingin.

"What?" tatawa-tawang tanong nito.

"Damn you!" I shouted.

Nawala ata bigla ang inis ko ng isa isa silang tumalon at naghiyawan.

"Racing tayo mga tol!" sigaw nung kasama nina kuya allastair.

"Tara mga gago!" sigaw ni kuya shiloha nang makaahon ito.

"Oh game! Chicks ang price mga tutoy!" sali naman ni ate stacey dahilan para magtawanan kaming lahat.

"Ulol pass!" sigaw naman ni kuya noah.

"Oy truth or dare na lang tayo mga tol" napabaling naman ang tingin namin kay shoti na may hawak na bote ng san mig

Sabay sabay silang nag ahunan pati na rin ako, senyales na nagustuhan namin ang larong gusto ni shoti. Pumaikot kaming lahat sa tabi ng pool at nag indian seat.

Magkakatabi sina kuya kasama ang mga tropa nila at ganon din naman sina ate stacey. Nasa kaliwa ko naman si layla na katabi ni michael at sa kanan ko naman si ethan sumunod yung tatlo.

"Okay okay! Listen! First of all wala tayong hiyaan dito, kahit di natin close ang iba ay mag feeling close muna tayo mga tol" panimula ni kuya allastair na nagustuhan ko naman.

Pay for my first kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon