Chapter 55 : Shoti's Day

30 4 0
                                    

"Happy Birthday!!!!"

Kasabay noon ang pagsabog ng confetti at sigawan naming lahat. Hawak hawak ko ang cake na lumapit kay shoti. "Blow the candle, shoti. Happy birthday." nakangiting sabi ko sa kanya saka ako nginisian at tumingin doon sa apat. "Nag abala pa kayo." sabi nito saka hinipan ang kandila.

Ngumiti ako ng nakakaloko, "Si samantha ang may idea nito" pagkasabing pagkasabi ko noon ay tilian naman nung tatlo. Nginiwian ko sila lalo na si corpuz, "Tigil ang bading niyo." sabi ko saka tumawa.

Ilang linggo na ang lumipas at mag j-june na naman. Enrollan na naman, lol.

Everything is fine now, finally. I thank God for everything. I never thought that my simple life would be any happier more than I expected.

Ayaw ni shoti maghanda. Hindi papayag sina mamita at lolo pero wala silang nagawa kasi tinakasan lang sila ni shoti. Nasa bahay kami nina samantha ngayon at hindi talaga alam ni shoti na nandito kaming lahat, pakana kasi talaga ito ni samantha.

"Linisin niyo mga kalat niyo, dito pa kayo nagkalat." sambit ni shoti.

"Okay lang yun, boo" sabi naman ni samantha at umakbay dito. Pinigilan naman naming lahat mapatawa. Lalong lalo na ako, oo sila na agad. Hindi ko rin inaakala dahil ang bilis din ng pangyayari. Alam na rin naman ng buong angkan namin, legal sila both sides. Palagi ngang naaasar si shoti kapag may family gathering kami.

"Naks! Boo! HAHAHHA hindi pa rin ako makapaniwala " pang-aasar naman ni liam sa dalawa.

"Walang pakealaman! wag mo kami tulad sa isa diyan pinapatagal pa dun din naman ang hahantungan!" sagot naman ni samantha dahilan para magkatinginan kami ni ethan at sabay ding napaiwas ng tingin.

"Kelan mo ba kasi sasagutin, kathy?" tanong ni rhev.

"Oonga! Wag ka ng tumulad kay camila-" naputol na sabi ni liam ng sapukin siya ni samantha. "Ikaw pakealamero ka! Bat hindi mo ligawan si layla?! kunwari ka pa-asdfghjkl" mabilis na tinakluban ni liam ang bibig ni samantha.

Parepareho naman kaming napatawa. "Tama na 'yan! Tara na" sabat ko at pagiiba ng usapan dahil hindi ko kaya ang pangaasaran na ganyan dahil para akong lalamunin ng lupa sa kahihiyan. Buti na lamang at wala ng isa sa kanila ang nangasar pa at kanikanila na silang kumilos. Pero bago kami lumabas ng bahay nina samantha ay nilinis muna namin ang mga confetti na nagkalat. Pupunta kami sa isang lake park, new spot na nadiscover ni liam dahil sa kalayasan. Dala ni shoti ang kotse niya, siya ang magmamaneho at katabi niya si liam na magsasabi kung saan ang daan. Sa passenger's seat naman ay kaming tatlo ni layla at samantha. Walang third wheel - third wheel dapat at fair lang tayo kaya yung dalawa ni rhev at ethan ay nakamotor. Si ethan ang nagmamaneho noon.

"Dapat pala ay sinama mo si olivia, katherine." sabi ni shoti.

"Oonga! di naman ma-o-OP yoon at madaldal din naman ang batang 'yon." sabi naman ni layla.

"Bantay sa shop 'yon." sabi ko. Simula noong pumunta si mama sa bahay nila ay maganda na ang pakikitungo niya kay olivia dahilan para mawala na ang takot at ilang na nararamdaman ni olivia sa tuwing magkasama sila. Wala rin namang gawa raw si olivia kaya bantay siya sa shop ngayon kasama sina mama. Pero madalas ay kaming dalawa ang bantay ni olivia kasama yung dalawang tao ni mama.

"May syota na 'yon si olivia?" tanong naman ni liam.

"Aba maawa! Bata pa 'yon liam!" sabat ni layla na ikinatawa namin. Mukhang magsasagutan na naman po silang dalawa.

"Siraulo ! Tinatanong ko lang!" sagot naman ni liam dito.

"Siraulo bagang?!Napakawalangya mo talaga sa akin noh!"

Pay for my first kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon