Matapos nung kanina ay hindi ko na naabutan si mama. Umalis pala siya kasama sina mamita. Nakaupo lang ako buhanginan habang pinapanood sila na magbasaan sa dagat. May kanya kanyang mundo ang barkadahan nila. "Are you okay?" napalingon ako sa likod ko
I smiled, "Oo" I lied. Ganon naman lagi ang tao, kahit hindi ka okay ay oo pa rin ang isasagot sa tanong na okay ka lang.
"Why don't you join them? It's your birthday, cally. I don't want you to be sad." sabi niya at umupo sa katabi ko. "You know what? Alam kong mahirap ang sitwasyon mo, cally. Pero siguro may reason lang talaga si tita kaycee kung bakit niya nagawa 'yon."
I faked a laugh, "I love mama, kaming dalawa lang naman talaga ang magkasama simula't sapol. Hindi ako nagalit sa kanya sa tuwing iiwasan niya ang mga tanong ko kung bakit wala akong kinamulatan na tatay simula ng ipanganak ako. Pero kitang-kita naman eh, ano pa ba yung reason doon? Hindi niya mapatawad si daddy sa maling nagawa nito kaya ayaw niyang ipakilala sa'kin si daddy?" pinigilan ko ang sarili ko na maluha. "What do you think, ethan? Nagsorry kasi sa'kin si mama for her being selfish. Masasabi ko ngang ang selfish ni mama sa part na 'yon. Pa'no naman akong anak niya diba?"
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo."
Pareho kaming natigil at napalingon kay shoti. Wala pang nakakaalam sa nangyari, hindi ko alam kung paano sasabihin lalo na sa mga pinsan ko. Nakakagulat naman kasi eh, hindi ko inaasahan 'yon bigla na lang magpapakita si daddy at si olivia. Napabuntong hininga ako, yung iba kapag nalaman nilang may kapatid sila sa labas nagagalit sila dito. Pero bakit ako hindi manlang nakaramdam ng konting galit kay olivia? Lalo na kay daddy.
"B-bakit ka nandito?" pinilit kong paltan ang boses ko sa pagiging mataray. Umupo si shoti sa kanan ko samantalang si ethan ay nasa kaliwa ko. Pinanggigitnaan nila ako. "May problema ba?" tanong ni shoti at tiningnan kaming dalawa. "Ethan"
Mabilis na sumagot si ethan nang tawagin siya nito, "W-wala tol"
"Bakit mukhang meron?" pagdududa ng pinsan ko. Napabuntong hininga ako at bigla na lang napayakap kay shoti at doon ako umiyak. Si shoti ang pinakang close ko sa magpipinsan, never pa kong umiyak sa harap niya at ito ang unang beses. Naramdaman ko ang paghawak nito sa buhok ko para pakalmahin ako.
"What the. Ano ba nangyari? Ethan don't tell me ikaw nagpaiyak dito?" bakas sa tono ng boses ni shoti ang pagkainis at patuloy pa rin ako sa paghikbi at pagiyak.
"N-no! K-kasi--"
"Eh kasi ano?!"
Kumalas ako sa pagkakayakap kay shoti at itinulak siya. "W-wag ka ngang oa diyan! *sniff* wag mong s-*sniff* sinisigawan si manuel!" sigaw ko sa kanya kaya puno ng pagtatanong ang mga mata nito. Wala naman kasalanan si corpuz tas sisigawan niya ng ganon.
Ethan's POV
Napalunok ako at napangiwi dahil sa nakikita ko ngayon. Parang bata si cally na inaway ng mga kalaro. Ako naman ay walang maimik dahil ang sama ng tingin sa'kin ni shoti. Nilapitan niya ang pinsan niya saka pinahid ang luha ni cally.
Ganito pala sila kalapit sa isa't-isa. Puro pagbabarahan lang ang nakikita ko sa kanila lagi ngayon ko lang nakita silang ganito. Naipit ko ang mga labi ko nang hampasin ni cally si shoti. "Bakit ang sama ng tingin mo kay ethan? Wala naman siyang ginagawa!"
Napakagat ako sa thumb finger ko sa sinabi ni cally. Natutuwa ako kasi nakuha niya pa akong ipagtanggol sa pinsan niya pero parang mapapailing na lang ako sa kanya ngayon. Gusto ko siyang yakapin pero damn kaharap namin si shoti, ang hirap sumingit sa kanilang dalawa.
Shit!
Napapalunok akong tumayo at tulungan itayo si cally. "Excuse us." sabi ko kay shoti at hinila palayo si cally. Nang makalayo kami ay hinila nito ang braso niya na hawak ko at tumingin sa'kin. "Bakit mo ko hinihila?" kunot-noong tanong nito at suminghot na naman. Nagulat naman siya nang itaas ko ang laylayan ng t-shirt na suot ko at ipahid sa mukha niya. "Yan! Stop crying baby you look like a BABY when you cry."
Sinamaan ako nito ng tingin kaya nagsalita agad ako ng, "Joke lang!"
I cleared my throat at inayos ang sarili ko, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "Can you trust me, cally?"
"Bakit?"
"Yes or No?"
"Y-yes I trust you." sabi nito. Pero bago pa siya makapag tanong ay pumunta na agad ako sa likod niya at kinuha ko ang scarf na nasa bulsa ko. Itinali ko ito sa mga mata niya. "What is this ethan?" salamat naman dahil nagtahan na talaga siya at bumalik na sa pagiging cally.
"Shh. Don't ask, just trust me." pagkasabi ko noon ay wala na siyang nagawa kundi sundin ang mga sasabihin ko tulad ng paghakbang niya. Wala pang limang minuto nang makarating kami sa likod ng hotel kung saan maraming puno na may mga ilaw at sa isang mahabang bench ay may mga nakalagay na petals at isang box sa gitna. May isang red wine din na nakalagay doon. Nagtataka kayo? Oo walang lamesa, hindi ko trip mag lamesa at hindi naman kami kakain.
"Stay here." sabi ko kay cally at binitawan muna siya. Kinuha ko yung box na sinasabi ko at tumayo sa harap niya. Tiningnan ko ang relo ko, sakto. Pagpatak na pagpatak ng 11:59 ay, "Remove your scarf, cally"
Pagkatanggal na pagkatanggal niya noon ay ngumiti ako, "Happy birthday baby. I want you to spend the last minute of your special day with me. I love you."
Kathy's POV
"Happy birthday baby. I want you to spend the last minute of your special day with me. I love you."
Ilang beses ata akong napalunok nang tanggalin ko ang panyo na nakaharang sa mga mata ko. Hindi ko alam sayang nararamdaman ko, oo ang sarap pala sa feeling ng ganto. Nakakakilig at ngayon ko lang talaga naramdaman ang kakaibang saya dahil sa pagkakilig. I never thought that Ethan would be the first one na makakakuha sa akin, I mean never nangyari sa'kin ang ganitong bagay. Dapat na ba akong bumilib sa'yo corpuz? "A-anong pakana mo na naman ito?" pag-iinarte ko pa. Aba syempre, dapat pakipot ka. Lumapit ito sa'kin at ibinigay ang isang box na hindi kalakihan at hindi rin kaliitan.
"What is this?"
"Gift?" patanong na sagot niya na ikinatawa ko. "Really ethan? Baka may regalo ka pang ibibigay, ibigay mo na ngayon." sarkastikong sabi ko.
Napatawa naman siya, "Last na 'yan. Ano ba ito. Hindi mo ba nagustuhan?"
I pouted, "N-nagustuhan."
Mabilis niya akong inalalayan papunta sa isang bench na puro petals. "At may ganito ka pa palang ikatatamis, ethan."
"Syempre naman, sa'yo ko lang nagawa 'yan, cally. Ibig sabihin ganon ka ka special." sabi nito at umupo. Kinuha nito ang wine na naka ready na. Mukhang malamig pa ito. "Here" alok niya sa'kin ng baso na tinanggap ko naman agad. Pagtapos kong sumimsim ay inilapag ko muna nag baso sa bench at binuksan ang box.
Napatawa ako, "Nakakabilib ka manuel. Ang effort mo masyado." sabi ko saka kinalkal yung box na may lamang chocolates at ginupit-gupit na crepe paper. Napahinto ang paggalaw ng kamay ko nang may makapa akong isang maliit na box. Dahan-dahan kong kinuha ito at nagulat nang buksan ito.
"Ethan" natutuwa at nahihiyang harap ko sa kanya. Kinuha niya ang singsing at isinuot sa daliri ko. "I will wait for your answer, cally. "
I bit my lower lip. "Bakit gumastos ka pa."
He chuckled, "It's okay cally. 5 karat lang naman 'yan."
Ngumiwi ako at hinampas siya, "Lang ha? Lang? Laki na rin non ha!"
"Nag-iinarte ka pa gusto mo rin naman."
Tumaas ang kaliwa kong kilay, "Anong sabi mo?"
"Tamo at nabibingi ka na." hinampas ko ito sa sinabi niya at pinagtawanan lang ako nito. "Wag mong iwawala yan nako magtatampo ako kapag nawala yan."
"Of course not! Sinabi na ngang maingat ako sa gamit eh." naalala ko tuloy yung kwintas.
"Take care of baby elly ha"
Naalala ko naman agad si elly. "Nasa kwarto na siya ngayon. Thank you, ethan." may isasaya pa pala yung buhay ko.
"Para sa'yo cally."
To be continued
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW ME!
THANK YOU FOR READING :)
BINABASA MO ANG
Pay for my first kiss
Teen FictionEthan Manuel Corpuz is a popular student in Debtritt University and Katherine Cally Carazena is a new student. Suddenly in a public place, katherine was strolling alone and startled to be pulled and kissed by someone. She recognized that this...