"IKAW?"Pareho naming sigaw. Nagtuturuan kami at kulang na lang ay pasukan na ng langaw ang nakaawang naming bibig.
Siya 'yung lalaking nag-ligtas sa akin kanina!
"Sorry talaga miss, gusto mo dalhin na kita sa ospital?" nag-aalala niyang tanong. Bumaba siya sa bike niya at tinulungan akong makatayo. Tinignan ko ang tuhod ko, may sugat ako doon na nagdudugo. Ang sakit.
"Hala, nagdudugo ang tuhod mo," sabi niya at tinignan pa ang binti ko na may kagat ng mabalahibong asong humabol sa akin kanina.
"Kinagat ka ng aso?" halatang nagulat siya nang titigan namin pareho ang kagat sa binti ko.
"Oo nga, eh. H-Hinabol kasi ako ng aso kanina at nakagat ako." pagdadahilan ko.
"Kailangan na kitang dalhin sa ospital agad. Malala ang pagkakakagat sa'yo. Bakit ka ba kasi tumakbo?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Napabulong na lang ako ng "sorry" at alam kong narinig niya 'yon kaya tumango siya. Pumunta siya sa bike niya at nag-posisyong umupo tapak-tapak ang pedal.
Hindi niya siguro alam na may phobia ako sa aso. Kasi naman ang epal talaga noong mabalahibong aso na 'yon! Kung sino man may ari noon, ma-karma sana siya! Hmp.
"Sumakay ka na, Miss," utos niya. Noong una nag-alangan ako pero nagsabi siya ng "Hindi ako masamang tao, I will help you, promise." ngumiti siya saka pinat ang katabing upuan na nasa likod niya. Napangiti na rin ako nang bahagya dahil may tiwala naman ako sa kaniya.
Umupo ako sa pangalawang upuan ng bike niya. Nakapalda ako kaya nakatagilid akong nakaupo.
"Miss, umupo ka nang maayos. Humawak ka sa bakal na nasa tabi mo. Medyo mabilis ako magpatakbo," seryosong sabi niya. Sinunod ko naman ang inutos niya.
Nang umandar na ang bike niya, hindi ko maiwasang lumipad ang isip ko. Gusto ko talaga magpasalamat sa kaniya pero ayaw gawin ng sistema ko. Ang dami na niyang ginawang mabuti sa araw na 'to. Napatingin ako sa buhok niya. The strands of his hair sway in opposite directions as he rode his bike. Hindi ko makita ang expresyon ng mukha niya pero I can tell na nag-aalala siya sa sitwasyon ko ngayon. I don't even know him, but I really appreciate his kindness.
Tanungin ko kaya kung anong pangalan niya? Wala naman siguro masama doon.
"Ano'ng pangalan mo?" I asked him, but he didn't respond. Pinapatakbo niya lang ang bike niya without any word.
"Mamaya mo na tanungin 'yan, kailangan mo munang manahimik until we reach the hospital."
Makalipas ang halos sampung minuto, nakarating na kami ng hospital. Kinausap niya ang nurse tungkol sa kalagayan ko at dinala ako sa E.R. Hinugasan ang mga sugat ko at pinaturukan ako ng Anti-Rabies. Hahanapin ko talaga 'yung walang'yang may ari ng aso na 'yon. Napaka-irresponsable! Hinayaan ba namang magpagala-gala ang mabalahibo niyang aso?
Nang magamot na ang mga sugat ko, doon na ako nakalabas ng E.R. Sinabi sa akin ng isang nurse na tawagan ko ang parents ko para ma-update sila sa nangyari sa akin pero hindi ko sila ma-contact dahil wala akong load pang-abroad.
I saw the guy paid the hospital bills. Kapag nagka-pera talaga ako galing sa padala ng mga magulang ko, babayaran ko lahat ng kabutihang ginawa niya sa akin..
"A-Ano...salamat talaga at niligtas mo ako. Kapag nagka-pera talaga ako, babayaran kita," I bowed too many times. Ganoon ko siya pinasasalamatan.
"You're welcome, Miss," tugon niya at nginitian ako. Sinuklian ko rin siya ng totoong ngiti.
"Sa susunod, huwag kang tatakbo 'pag may aso. Just let them be. Hindi ka nila kakagatin." umupo siya sa may bleacher. Umupo na rin ako na medyo malayo sa kaniya.
"Sorry talaga at naabala kita. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Ayan tuloy, gumastos ka pa."
"It's fine, sabihin mo lang sa may-ari ng aso na panagutan ka. You don't have to pay the vaccines kung wala kang kasalanan." pinaglaruan niya ang mga daliri niya. He looked at me while he's brushing the strands of his hair covering his handsome face.
Oo, mas gwapo siya doon sa bwisit na lalaki kanina.
"T-Tatanungin nga ulit pala kita tungkol doon sa pangalan mo. O-Okay lang ba?" nauutal kong tanong. Di ko namalayan na umiinit na pala ang mukha ko. Gosh, bakit ba ako nagkakaganito?
He laughed. "Okay lang," inabot niya ang kamay niya sa harapan ko.
"Kim Chanyoung, you are?" he smiled. Napatulala ako sa pangalan niya. Chanyoung? Pati naman pangalan pang-anghel din?
"Aahhh...Reinalisa Rochana Kwon, you can call me Rein or Lisa." pagpapakilala ko. Nag-shake-hands kami.
"Wow, you have a very nice name, Rein," Chanyoung complimented. Nag-init na naman ang mukha ko. Nakita niya kayang namumula ako?
"Ikaw din, Chanyoung," I said.
Bininitawan na niya ang kamay ko. He stood up, patting my head.
"Kailangan ko nang umalis, sorry hindi na kita maihahatid. Sumakay ka na lang ng taxi para makauwi, okay?" tumango ako nang tumango. Nag-thumbs up pa ako sa kaniya dahil ayokong siya pa 'yong sasagot ng pamasahe ko.
"May importante kasi ako dapat puntahan. Take care, Rein. Nice meeting you," he said. Napangiti na lang ako nang umalis siya ng hospital. Umalis na rin ako ng hospital tapos nag-para ako ng taxi.
Chanyoung, salamat talaga sa lahat.
₊ + ༄
may lalaki pa bang tulad ni chanyoung jusq
BINABASA MO ANG
prince ╱ hwang hyunjin
Short Story❝prince nga, pangit naman ugali.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' hwang hyunjin © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]