003

960 37 30
                                    


Lieri Kwon
• active now

7:37 pm

Lieri:
Bakit ngayon ka lang?
seen ✔

Rein:
Ano kasi...

Rein:
Sorry ate, may ginawa lang akong project sa school.

Lieri:
Rein, alam kong pang-sinungaling ang pangalan ko pero hindi mo ko maloloko.

Lieri:
Chinat ako nung Chanyoung, tinatanong niya ako kung okay ka na raw.

Rein:
Si Chanyoung? Nag-chat? OMG

Rein:
KAILAN PA KAYO NAGING FRIENDS?

Lieri:
Tangek, hindi kami mag-friends. Kakakilala ko nga lang doon, eh.

Lieri:
Ikaw, ah. First day mo pa lang nakabingwit ka na ng lalaki. Hanep! Dabest ka!

Lieri:
Infairness ang gwapo ng Chanyoung na 'yon, ah. Pwede ipamigay mo na lang siya sa akin? Haha.

Lieri:
Single naman ako at ready to mingle 😉

Rein:
Luh? Hindi ko naman boyfriend 'yon. Niligtas niya kasi ako kanina noong naliligaw ako papuntang 3-B.

Rein:
Tapos tinulungan niya ako dahil nga...nakagat ako ng aso

Lieri:
ANO?!

Lieri:
Nasaan yang aso na 'yan at aampunin ko.

Rein:
Takot na nga ako sa aso, aampunin mo pa? Sira ba tuktok mo, ate?

Lieri:
Na-i-itsurahan mo ba 'yung aso?

Rein:
Mabalbon, cute pero nangangagat. Patay talaga sa akin 'yung may-ari noon.

Rein:
May araw din yang aso na 'yan sa akin. Ibibitin ko siya patiwarik. Grrr! | not sent

Lieri:
Teka parang namumukhaan ko kung kaninong aso 'yon ah...

Lieri:
HALA! BAKA KAY HYUNJIN YUN 😱

Rein:
Hyunjin?

Lieri:
Kilala mo ba si Hwang Hyunjin? Kalapit bahay lang natin 'yon. Baka siya 'yung may-ari ng mabalahibong aso

Rein:
Paano mo naman nasabi?

Rein:
Wala akong kilalang Hyunjin.

Rein:
Pero kung siya nga 'yon...HUMANDA SIYA SA AKIN. BAYARAN NIYA YUNG BAKUNA KO 😡

Lieri:
Puntahan mo na lang si Hyunjin. Kaso baka kagatin ka na naman ng aso.

Lieri:
Chat mo na lang siya. May wi-fi naman 'yun kaya palaging online.

Rein:
Sige. Icha-chat ko.

Rein:
Sa kaniya ko itatanong kung pagmamay-ari niya ba 'yung salbaheng aso na nakatakas kanina

Lieri:
I-describe mo sa kaniya nang maayos yung itsura ng aso.

Lieri:
Naku, ipaalam na kaya natin kila Mom?

Rein:
Huwag, baka umuwi 'yun dito sa Sokor. Ayokong mag-alala sila sa akin.

Lieri:
Hindi ko sasabihin basta sa isang kondisyon

Lieri:
Ilakad mo naman ako kay Chanyoung please huhu

Rein:
Ate, pumunta tayo dito para mag-aral, hindi para lumandi.

Lieri:
Oo nga sabi ko nga, eh. Wala na finish na T^T

Lieri:
Basta sabihin mo kay Hyunjin kapag hindi ka niya pinanagutan, aampunin ko mismo 'yung aso niya.

Lieri went offline.

prince ╱ hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon