070 | narration

582 26 36
                                    

₊ + ༄

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

₊ + ༄

Rein Kwon
perspective

"HUWAG MO NGANG ILAPIT SA'KIN 'YAN."

Pagmamakaawa ko sa kaniya. Sabing ayokong makakakita ng aso, eh! Nakakainis na talaga 'tong Hyunjin na 'to!

"C'mon, 'di naman nangangagat si Kkami, eh. Kinagat ka lang naman niyan noon kasi tanga ka. Ang mga aso hindi kasi dapat tinatakbuhan," payo niya. Nag-make-face na lang ako nang palihim. Tanga pala, ah. Humanda ka sa aking higanteng prince ka.

Niyaya ako ni Hyunjin na lumabas at mag-stroll ngayong tirik ang araw sa umaga kasama ang nakakairita niyang alaga na kumagat sa akin noon. Sabi ko huwag na niyang isama pero sinama pa rin. Ang kulit talaga ng lahi.

"Sorna, nabo-bored kasi si Kkami kaya nilabas ko muna siya," dagdag niya pa.

"Bakit kinailangan mo pa akong isama? Ayoko ngang nakakakita ng mga aso." napalagay ako ng kamay sa magkabilang baywang ko. Tumawa siya nang bahagya.

"Pupunta tayo kila Chanyoung."

Kumunot ang noo ko. Chanyoung? Bakit ngayon lang niya sinabi sa'kin? Hindi ako na-inform doon, ah.

"Anong gagawin natin sa bahay nila Chanyoung?" tanong ko kasabay ng pagtahol ni Kkami. Pati pala naman tahol niya nakakarindi rin.

"Secret," ngumisi siya. I rolled my eyes in disappointment. Ano kaya 'yung secret na 'yan?

Hindi naman namin ka-group si Chanyoung sa thesis pero bakit kami pupunta doon? Nakakapagtaka, at oo nga pala, nandoon ang lukaret kong ate. Patay si Kkami kapag nakita siya no'n, dog lover pa naman 'yon.

"Nakakapagod naman maglakad, baka pwede namang magpahinga muna?" suwestiyon ko habang naglalakad pa rin kami sa sidewalk. Maglakad nga papuntang R.I.S nakakapagod na, mas lalo naman 'yong bahay nila Chanyoung na pagkalayo-layo.

"Ikaw magpahinga ka diyan. Basta ako pupunta na ako," walang ganang sabi niya. Kinarga niya si Kkami at hinalikan ang ulunan niya, dahil doon, umiwas ako ng tingin.

"Eh napapagod na talaga ako. Ang layo kaya no'n!" pagrereklamo ko.

"Mas mabuting maglakad nang paglayo-layo kaysa manatili sa bahay." nang ibaba na niya si Kkami ay saka niya inabot ang kanang kamay ko. "Kaya huwag kang mag-reklamo diyan." I looked at his face as he intertwined our fingers. 'Di ko mapigilang mapangiti sa actions niya.

Minsan nahihiya siyang sabihin sa'kin ang mga feelings niya. Naiintindihan ko naman kasi masyadong awkward ang pagkakaroon ng dating ugnayan ng dalawang magkaaway na nilalang. Okay na rin kung actions ang paiiralin niya kaysa words.

prince ╱ hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon