066 | narration

494 20 10
                                    


I'M LITERALLY SPEECHLESS...

Pagkabukas ko ng pintuan ng rooftop, doon bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki na sinasabihan ko dati ng "Fake Prince", na nagpainis sa akin nang todong-todo noon dahil sa pagiging arogante niya. Ang lalaking...naging savior ko dati.

He was wearing a gray formal attire, napansin kong hindi pala siya nag-tuxedo suit na katulad sa mga estudyanteng lalaki. Medyo basa ang buhok niya at may mga kaunting bangs sa harapan ng noo niya. Inaamin ko namang gwapo ang lalaking 'to, well, noon pa pala.

"Ulan, bakit ka nandito?" his eyebrows creased. Pakiramdam ko sumisigaw na naman sa pagtibok ang puso ko. Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya?

"Hyunjin," I called him by his first name. Natigilan siya at sinimulan akong titigan habang kumukurap-kurap ang kan'yang mga mata.

"Bakit mo ba ako tinatawag na Hyunjin? Nakakapanibago, ah. Nasa'n na kasi si Fake Prince?" napakamot siya sa batok. Hindi ka nga kasi fake, totoong prince kita.

I cleared my throat as I spoke up. Kinakabahan talaga ako sa maaaring reaksyon niya.

"May sasabihin nga pala ako..."

"Baka naman gusto mo na ako ulan? Grabe, nag-piggyback ride lang tayo na-inlove ka na agad sa akin? Paano na nga pala si Chanyoung mo?" tinadyakan ko siya kaya napaaray siya. Bwisit, ayaw mo bang malaman na ako si N? Nakuha mo pang magpahangin diyan, tss.

"Sorry hindi kita talaga type. Iba ang type ko," umiling siya.  Lumunok ulit ako nang pangalawang beses bago maglakas-loob na sabihin sa kaniya ang totoo. Maniniwala kaya siya sa akin?

"Si N ba ang type mo?" I asked, pretending to not know everything. His expression suddenly turned into dark.

"Oo, sobra," the side of his lips curved downward. Hindi siya makatingin nang diretso sa mata ko.

I exhaled, tagaktak na rin ng pawis ang buong mukha ko at nangangatog sa sobrang kaba ang mga binti ko, "Hyunjin, maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong ako si N?"

Sandali siyang naging bato sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata niya tapos dahan-dahang bumukas ang bibig niya. I can see his lips trembling.

Mayamaya lang ay humalakhak siya kaya medyo na-insulto ako, "Really? Gandang joke 'yan, ah. Bakit ako maniniwala sa'yo, Ulan?" muntikan nang magbagsakan ang mga tuhod ko. Tulala ang mga mata ko sa sahig. Sabi na nga ba, kailangan ko pa ng ebidensya para maniwala siya.

"Maniwala ka sa'kin, ako si N...Please..." I begged. Hinawakan ko pa ang kamay niya at paulit-ulit na nag-bow. Sinilip ko ang reaksyon niya pero mas lalong nadurog ang puso ko dahil sobrang sama na ng tingin niya sa akin.

"Pwede ba huwag kang magbiro diyan?! Ni hindi mo nga alam kung anong nangyari noㅡ"

"Nahulog ako noon sa puno ng narra kaya ako nagkaroon ng bone dislocation at amnesia, at dahil 'yon sa hindi pagsalo sa akin ni Chanyoung, tama?" confident kong tanong sa kaniya. His eyes widened as our eyes met. Alam kong maniniwala ka na sa akin.

"Dahil sa immaturity niya noon, inaway niya ako, binully niya ako, ginawan niya ako ng kalokohan pero nandiyan ka para iligtas ako sa kaniya," pagkukwento ko. Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin siya, he couldn't utter a word. Sana maniwala ka na sa akin...

prince ╱ hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon