050 | narration

583 17 31
                                    

༄ +₊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

༄ +

Rein Kwon
perspective

NGAYON na gaganapin 'yung Sports Festival namin. Makalipas lang ang ilang araw ay palagi ko pa ring nakaka-chat si Chanyoung. Hindi ko pa rin talaga mapigilang mapangiti, at the same time kinikilig din. Pero malas lang talaga at panggulo talaga 'yung Gay--este Fake Prince na 'yon sa buong araw na maganda ang mood ko.

Nasa Quadrangle ang lahat ng mga estudyante para sa open ceremony bago magsimula 'yung mga palaro. Nabalitaan ko rin na magkakaroon ng battle between grade levels tapos sections. Sa tingin ko mag-eenjoy naman ako, hindi naman ako kill joy 'di tulad ng Fake Prince na 'yon na ayaw akong pasamahin. 'Di ko alam kung anong pumasok sa utak noon at lagi na lang niyang dinadahilan si Chanyoung sa iritable niyang pagkikilos.

Hindi ko rin makuha kung bakit parang galit pa siya kay Chanyoung. Ang bait-bait nga niya, eh, o sadyang masama lang talaga ugali ni Hyunjin. Gwapo lang maipagmamalaki niya pero hindi yung umaalingasaw niyang ugali.

Napaginipan ko rin kagabi tungkol doon sa kinuwento sa akin ni ate kung saan naglalaro ako sa park kasama ang mga kapwa ko bata noon. Ang itsura noon ay parang 'yong sa bakanteng lote ni Chanyoung. May mga sirang palasyo din na nagkalat doon yung mga sirang materyales, may puno din ng narra na noong pumunta ako sa bahay nila ay wala na iyon.

Ang alam ko, noong 10 years old pa lang ako, pinadala ako sa Thailand kasama ang ate ko para magpagaling sa sakit ko. Doon ako namuhay nang mapayapa, hindi ko na masyadong maalala ang mga nangyari sa Seoul.

Gusto kong tanungin si Chanyoung tungkol sa mga kutob ko kaso huwag muna, sa ngayon magpapakasaya muna kami sa Sports Fest.

Pumila ako ng tahimik according sa section namin. Nasa unahan ko ang babaeng may brown na kulot ang buhok. I know she's Chaewon.

Chaewon turned around until she sees me.

"Rein! Ang ganda natin ngayon, ah." lumapit sa akin si Chaewon at inakbayan ako. Ngumiti ako nang bahagya.

"Ano? Kamusta naman ang lovelife mo with Chanyoung? O baka naman kay Hyunjin? He-he!" napakagat ang labi ko sa pangalang kinaiinisan ko. Okay na sana, eh. Nahalata ata ni Chaewon na 'di ko gusto ang pagbabanggit niya ang pangalan ni Fake Prince kaya nag-peace sign siya.

"Chaewon, walang kami ni Hyunjin," sabi ko.

"Sorry na, eh kasi naman kapag nagbabangayan kayo sa chatroom parang kami pa kinikilig eh." she giggled. Tinanggal na niya ang pagkakaakbay niya sa'kin.

"Nabi-bitter na nga sila Jaemin, eh. Bakit daw kasi wala silang lovelife?"

Kinikilig? Anong nakakakilig doon? Pwe!

prince ╱ hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon