060 | narration

450 20 10
                                    


Rein Kwon
perspective

HINDI AKO makapaniwalang nawalan ako ng memorya at 10 years ago noong nagkaroon ako ng bone dislocation. Ni wala man lang nagsasabi sa akin, 'yung ate ko at ang mga magulang ko, they didn't even told me that I lost a memory from that event. Ang pagkakaalam ko sa kanila, nagkasakit lang ako at pinapalayo muna ako para pumunta ng Thailand. Ang pagkakaalam ko, pinag-aaral kami dito sa South Korea para makatapos kami pero nang malaman kong parte pala ng buhay ko si Chanyoung...at si Hyunjin noon.

Paano ko nga ba nalaman?

Hindi ko rin alam. My dreams told me about my lost memory.

Kasalukuyan akong naglalaro ng habu-habulan kasama ang mga kalaro ko. Medyo makulimlim ang hapon pero wala akong paki kasi gusto ko pa rin maglaro. Masarap kasi maglaro kapag malapit na umulan.

Hindi ko namalayang nadapa ako dahil may humarang na paa sa dinadaanan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang problema mo sa akin ha?!" naiiyak kong tanong. Tinignan ko ang tuhod kong nagdudugo.

Siya si Chanan, siya ang pinakaiinisan kong kalaro. Lahat na lang ng mga kalaro niya sinasaktan niya, lalo na ako. Ayaw niya raw sa akin kasi sinira ko raw 'yong remote control niya. Pwes, ayaw ko rin sa kaniya. Ang sama kaya ng ugali niya!

Si Chanyoung pala ang may ayaw sa akin noon. Doon ako nabigla kasi sobrang bait pa naman niya noong nakilala ko siya ngayon. Nakakapagtaka, bakit bumait siya ngayon?

"Bagay sa'yo 'yan, lampayatot ka kasi." sabi niya dahilan upang mangigil ako sa inis at hinabol siya nang mabilis.

Nang habulin ko siya, doon siya kinuwelyuhan ng lalaking kaibigan ko at laging nagpoprotekta sa akin.

"Huwag mo ngang sasaktan si N!" si Jinjin, naging kalaro ko siya noong nakaraang buwan lang.

"Hah! Nag-ala-savior ka na naman sa babaeng 'yan. Hindi naman niya deserve maprotektahan," naiinis na sabi ni Chanchan. Pinigilan kong tumayo para gantihan siya ng suntok pero pinigilan ako ni Jinjin at bumulong sa akin ng: "Huwag ka nang gumanti, hayaan mo na lang siya."

Si Hyunjin naman ang nagpoprotekta sa akin dati? Pero bakit ang sama niya ngayon sa akin?

Napaginipan ko rin nitong mga nakaraang araw na nagtapat sa akin si Hyunjin noon.

"N, gusto kita," tumingin sa akin si Jinjin nang seryoso sa aking mata. I felt my heart skip a beat.

"Ahh...ano..." wala akong masabi. Bakit parang masyado pa ata kaming bata para sa ganito? Ang alam ko lang maglaro pero sa mga ganitong bagay, hindi pa ako handa sa ganito.

"Haha, okay lang naman kahit 'di mo na suklian ang pagtapat ko sa'yo. Nagtapat lang naman ako para hindi ako mabigatan sa nararamdaman ko ngayon," sabi niya habang nakangiti, his white teeth shines like a twinkling star.

"Pero N, kapag inaway ka ulit ni Chanan, tawagin mo lang ako. Aawayin ko 'yon, wala siyang karapatang awayin ang prinsesa ko." I smiled at the last word. Lagi niya talaga akong pinoprotektahan kay Chanan, 'buti na lang nandiyan siya kundi baka napa'no na ako sa bwisit na lalaking 'yon.

"I'll be your prince and you'll be my princess," he sincerly muttered as he held my hand. My heart started to thump fast. Kinakabahan pa rin ako sa mga actions niya, bakit ba kasi siya ganito? Magkalaro lang naman kami pero naging sweet na siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang landi-landi ko.

Nagpalipas muna kami sa loob ng palasyo habang hinihintay na tumila ang ulan.

Prince...so totoo ngang Prince ko si Hyunjin? Nahihiya na tuloy akong tawagin pa siyang "Fake Prince.". Ngayon ko lang talaga napagtantong hindi siya masamang tao.

Nasa puppy love stage pala kami dati. Kung alam ko lang na ganoon, edi sana kami na ang nagkatuluyan ngayon.

Niyaya ako ni Jinjin na maglaro ng saranggola. Sa una, medyo nahihirapan akong paliparin kasi wala masyadong hangin sa bakanteng lote pero kalaunan ay napalipad ko na rin siya.

"Hindi ka naman pala marunong magpalipad ng saranggola. Weak." may narinig akong panlalaking boses. Alam kong ang nakakainis na si Chanan ang nagsabi no'n.

"Edi ikaw try mong magpalipad! Yabang mo, ah."

"Hoy Chanan ano na namang ginagawa mo dito?!" lumapit si Jinjin at hinarangan ako para protektahan. Ang bait talaga niya, salamat sa kaniya kundi masusuntok ko na talaga si Chanan nang di-oras.

"Wala, bumibisita lang," tugon niya.

"Bumibisita o nambi-bwisit? Tigilan mo na nga ang prinsesa ko!" nakita ko ang nakababang kilay niya at halatang galit na siya kay Chanan.

"Umalis ka na nga, epal ka, eh! Huwag mo ring ginagalit ang prince ko!" sigaw ko kay Chanan. Tumawa lang siya na nakapagpaasar sa akin.

"Prince? Hahaha! Prince his ass." kumuyom ang palad ni Jinjin at nagtitiim ang kaniyang bagang Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin.

"Hayaan na natin siya, magpalipad na lang tayo ulit ng saranggola," mahinahong sabi ko. 'Buti pinakinggan ako ng prince ko. Binitawan ko na ang braso niya at naglaro kami ulit ng saranggola.

Ang sarap ng feeling na naglalaro kasama ang lalaking nagpapasaya sa'yo nang husto, ang lalaking pumoprotekta sa akin. I admit, I'm liking him so much.

Patuloy pa rin kami sa pagpapalipad ng saranggola pero sumabit iyon sa puno ng narra at napigtal din ang sinulid na sana ay mapapalipad ko pa kung meron no'n. Nakita 'yon nila Jinjin at Chanan.

"Hala lagot ka, akyatin mo 'yan. Tanga mo naman kasi magpalipad ng saranggola." Nang-aasar na sabi ni Chanan. Sinipa ko siya sa binti.

"Aray!"

"Doon ka nga! Bwisit ka!" naiinis na ako. Hindi kasi siya nakakatulong, pampagulo pa siya dito! Kainis talaga!

Dahil marunong naman akong umakyat ng puno, inakyat ko na lang 'yung mataas na puno ng narra nang walang kahirap-hirap para abutin ang saranggola, pero hindi ko pa rin siya maabot kasi masyadong malayo.

"N! Bumaba ka diyan, delikado!" pakiusap ni Jinjin. Hindi ko siya sinunod at tumugon ng: "Okay lang ako, kaya ko naman 'to. Huwag kang mag-alala."

"Kaya na pala niya, eh. Eh di pabayaan mo na siya. Haha! Galingan mo, ah, cheer kita!"

Siguro kailangan kong umapak sa isang sanga para maabot ko na siya.

Ganoon nga ang ginawa ko, umapak ako sa isang sanga pero imbis na maabot ko ang nakasabit na saranggola ay nawala sa tinatapakan ko ang sanga hanggang sa nahulog na ako mula sa puno. Sumigaw ako habang naghahanap ng mapaghahawakan ng kanan kong kamay.

"N!"

༄ +₊

sorry lutang kaya pangit yung narration.

prince ╱ hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon